Limang araw nga ang nakalipas mula ng maikasal si Prinsipe Antonino at si Prinsesa Nina. Ngunit ang Prinsesa ay galit pa rin sa ginawa ng Prinsipe sa panlilinlang nito sa kaniya.
Isang gabi ay isang magandang tugtugin ang umagaw sa atensyon ng Prinsesa na nasa kaniya na ngayong silid. Wala na nga siya patuluyan ng mga sugong bisita, kundi na sa silid na minsang tinuluyan ni Reyna Anna. May umaawit pa ngang kasama ang tumutugtog, ang mga liriko nga ay paghingi ng tawad, napalabas nga ang Prinsesa upang pakinggan ang tugtog at awitin. Maya-maya pa ay dumating ang Prinsipe na may dalang bulaklak. Inamoy nga ito ng Prinsesa. Nakita nga ng Prinsesa ang pagsisisi ng Prinsipe, at pinatawad niya ito.
Dahil nga sa may asawa na ang Punong Ministro, ay maaga siyang pumapasok sa kaniyang tanggapan, at maaga ring umaalis. Kapag sumasapit nga ang ika-siyam na oras ng araw, ay umaalis na siya at iniiwan sa mga katiwala niya ang mga trabaho. Ang natitirang oras hanggang sa pagtulog ay oras niya ay kay Prinsesa Nina nakalaan.
At sa mga oras nga na magkasama ang mag-asawa ay lagi silang lumalabas ng palasyo. Itinanong nga ito ni Prinsesa Nina sa Prinsipe.
Mahal na Prinsipe, bakit lagi tayong lumalabas ng Palasyo. Magiging masaya naman tayo sa loob ng Palasyo, at hindi ganoon karaming tao ang maaabala. –sabi ni Prinsesa Nina
Alam ko iyon mahal ko, ngunit hindi naman para sa atin lang ang paglabas natin sa Palasyo. Kundi para sa Reyna. –sabi ni Prinsipe Antonino
Para sa Reyna? –sabi ni Prinsesa Nina
Tao rin ang Reyna. Ayaw ko siyang inggitin ng ating pag-iibigan. Ang Reyna ay nangako sa kaniyang sarili, na hindi na muling iibig, matapos ang kamatayan ng kaniyang huling minamahal. Kaya ayaw kong nagpapakita sa kaniya ng ating pag-iibigan. –sabi ni Prinsipe Antonino
Sa tingin mo ba hindi tayo nakikita ng Reyna, kahit malayo tayo? Hindi naman usapan ang layo sa kaniyang kapangyarihan. –sabi ni Prinsesa Nina
Alam ko rin iyon. Pero kahit papaano, ay hindi na makita ng kaniyang sariling mga mata. May minahal din ang Reyna noon, sa katauhan ng isang Heneral. Ang pag-ibig na iyon ay naging lubhang mapanganib sa Sodargas. Ayaw kong mangulila siya sa damdaming iyon sa pamamagitan –sabi ni Prinsipe Antonino
Bakit naman? –sabi ni Prinsesa Nina
Ang Heneral, ay naging lider ng mga dating kakampi ng pinatalsik na konkubina ng aming Amang Hari. Pinalayas kami ng konkubina noon, at tinangkang patayin. Matapos noon ay inusurpa niya ang trono, at itinalaga ang kaniyang sarili bilang Reyna. Ngunit naagaw ulit namin ito sa kaniya. Pinapatay ng Kamahalan ang ilang kakampi ng konkubina, ngunit hindi lahat. Naniniwala naman ako na tapat ang pag-ibig at hangarin ng Heneral sa Kamahalan. Ngunit banta siya sa pagiging kasunod ko sa trono, na pinangangambahang lubos ng mga kakampi ko sa pulitika. Kamuntik pa kami, maghiwalay ng landas ng Kamahalan dahil sa kaniya. –sabi ni Prinsipe Antonino
Anong nangyari? Bakit namatay ang Heneral? Ipinapatay mo ba siya mahal na Prinsipe. –sabi ni Prinsesa Nina
Hindi ko magagawa iyon sa Kamahalan. Kahit pa kalaban ko sa pulitika ang lalakeng minamahal niya. Naglunsad nga kami ng kampanya sa Silangan, laban sa mga kahariang nandoon. Sa huling labanan bago bumagsak ang Odrave. Napatay ang Heneral. –sabi ni Prinsipe Antonino
Umuwi nga sila sa palasyo muli ngang nagtanong Si Prinsesa Nina.
Kamahalan, alam ko na hindi ako ang una mong pag-ibig. Pero ang Reyna ay ganoon rin ba. –sabi ni Prinsesa Nina
Oo, at gaya mo, isa ring Prinsipe ang naging una niyang pag-ibig. Nagsimula nga ito sa tabak, at nagtapos sa tabak, na ang Reyna ay umiiyak. –sabi ni Prinsipe Antonino
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?