Si Prinsesa Nina nga ay dumating sa Porto Emor, dahil sa utos sa kaniya ng Reyna. Ngunit habang nandoon siya, ay nakaramdam siya ng hindi maganda. Dahil doon ay ipinatawag niya ang kaniyang asawa.
Mahal ko. –sabi ni Prinsipe Antonino
Naabutan nga ng Prinsipe ang kaniyang asawa, na nasa higaan na para bagang maysakit, pero mukhang wala naman.
Narito ang kautusan ng Reyna. Ibig niyang mahuli ang mga kasabwat ngAsonipse sa Aneub. –sabi ni Prinsesa Nina
Pero hindi ba ikaw ang inutusan nito, mahal ko? Bakit mo ginagawa ito? -sabi ni Prinsipe Antonino
Hindi mo ba nakikita na maysakit ako? Hindi ko ako makakapamuno ng maayos. Ikaw ang susunod na pinakamaiging gumawa ng utos na ito. –sabi ni Prinsesa Nina
Habang buhay ka na bang magkakasakit, at hindi mo na ito magagawa? –sabi ni Prinsipe Antonino
Pwede ba, huwag ka ng masyadong maraming sinasabi at sundin mo na lang ako! –sabi ni Prinsesa Nina
Nagulat nga si Prinsipe Antonino, sa inasal sa kaniya ng kaniyang asawa.
Patawarin mo ako, pero pakiusap gawin mo na lang, ha? –sabi ni Prinsesa Nina
Sige, pero sa papaanong paraan? –sabi ni Prinsipe Antonino
Hindi sa paraang gaya ng ginawa niyo ng kapatid mo sa Lagirdam. Hindi magugustuhan ng Reyna, na magkaroon ng panibagong prontera ng digmaan, ni paghiwalay ng hilaga. Nasaktan na natin ang isang maimpluwensyang angkan, nang hatulan ng Reyna ng kamatayan si Samantha at si Sofronio. Kailangan maging maingat sa paghawak ng sitwasyong ito. –sabi ni Prinsesa Nina
Sige, pero sana sa susunod, huwag mo akong sinisigawan, na para bang may kataasan ka sa akin. Asawa mo ako, at Prinsipe ng Sodargas. –sabi ni Prinsipe Antonino
At ang Prinsipe ay umalis sa Porto Emor, at nagtungo sa Porto Nreb. Kaniyang ngang sinamo si Horacio. Kanilang plinano ang gagawin sa mga dating taga-Aneub, na nakipagsabwatan sa Asonipse. Hindi nga mapalagay ang Prinsipe sa Porto Nreb, dahil sa kalagayan ni Prinsesa Nina. Muli nga siyang bumalik sa Porto Emor upang alamin ang kalagayan ng kaniyang asawa. Ngunit sa pagbabalik ng Prinsipe ay wala doon ang kaniyang asawa. Saan kaya nandoon ang kaniyang asawa?
Ilang araw nga ang nakakaraan, ay ipinatawag ng Prinsesa si Eliseo na manggagamot. Habang nasa paglalakbay nga, ay nahilo ang Prinsesa. Nagkaroon nga rin siya ng mga pagsusuka. Dumating nga si Eliseo, at tinignan ang kalagayan ng Prinsesa.
Ano ang kalagayan ko? –sabi ni Prinsesa Nina
Mahal na Prinsesa, ikaw ay... –sabi ni Eliseo
Nang malaman nga ng Prinsesa ang kaniyang kalagayan, ay bigla na lang siyang nawala. Si Horacio nga at si Prinsipe Antonino, ay napilitang mag-ulat sa Reyna sa pamamagitan ng liham. Ang Reyna nga ay nasa labas lamang Porto Accra, matapos ng isang linggong paglalakbay, nang matanggap niya ang sulat. Hindi nga siya natutuwa.
Bakit si Antonino ang nag-uulat sa akin, at hindi si Nina? –sabi ni Prinsesa Nina
Baka naman, binaba ng Prinsesa sa kaniyang asawa, ang iyong utos Kamahalan. –sabi ni Julio
Huwag kang masyadong mag-aalala, Kamahalan. –sabi ni Basilio
Hindi ako mapalagay. Susulat ako kay Almario upang alamin ang nangyayari sa Silangan. –sabi ni Reyna Anna
Lumabas nga ang Reyna sa tolda, at tinignan ang paligid .
Naalala ko tuloy nang magmartsa muli tayo sa lugar na ito. Upang tuluyan itong angkinin para sa Sodargas. –sabi ni Reyna Anna
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?