Part 3. Attack on Porto Emor

147 1 1
                                    


Nagtungo nga si Punong Ministro Diego upang mag-ulat ng ilang bagay, sa tanggapan ng Hari. Nakita niya nga si Haring Ildefonso ay malungkot. At nakita niya ang hawak na sulat nito. Kasal na nga ang kaniyang anak sa Prinsesa ng Sodargas.

Nangyari na po ba kamahalan? –sabi ni Punong Ministro Diego

Oo, nagtagumpay ang anak ko, at pinakasalan ang Prinsesa ng Sodargas. Hahabulin niya ang pagiging tagapagmana niya doon. At pagpanaw ko, ang Oyarac at ang Sodargas ay magiging isang kaharian. Ngunit kasabay din noon, papangalanan ko siyang lilo sa atin. –sabi ni Haring Ildefonso

Kamahalan, maaari naman nating hindi pag-usapan ang bagay na iyan. –sabi ni Punong Ministro Diego

Pag-uusapan at pag-uusapan natin iyan. At papanganlan ko siyang lilo. Ang anak ko, ang nag-iisa kong anak. –sabi ni Haring Ildefonso

Nag-iisang anak, Kamahalan? –sabi ni Punong Ministro

Oo, siya lang ang nag-iisa kong anak. Si Alejandro, ay isang batang inilagay sa harap ng bahay nila Josefina bago ipinanganak ang anak ko. –sabi ni Haring Ildefonso

Sino siya sa tingin mo? –sabi ni Punong Ministro Diego

Mukhang anak siya sa labas ng aking ama. Kapatid ko siya sa labas. –sabi ni Haring Ildefonso

Naaalala ko na. Bago siya namatay, ang iyong inang Reyna ay nag-utos ng isang malawakang pagpatay sa buong Kaharian. Nagkalat din kasi ng lahi ang iyong ama. –sabi ni Punong Ministro Diego

Naiiintindihan ko ang aking ina ng mga panahong iyon. Hindi siya minahal ng aking ama. At ginawa niya iyon upang protektahan ako. Pero nakakaawa pa rin ang daan-daang bata na namatay ng araw na iyon. Kaya kinuha ko ang bata, at ginawang panganay. At ginawang tagapagmana ng Kaharian. Bilang kabayaran man lang sa kasalanan ng aking ina. Pero nagpalalo siya laban sa tunay kong anak. Minaliit niya siyang masyado at kinapootan, sa punto na gusto niya siyang patayin. Kaya pinayagan ko na tangkaing agawin ang pagiging tagapagmana kay Alejandro. Upang turuan siya ng leksyon, at ilagay siya sa lugar. Ngunit hindi ko akalain na magkakaganito. –sabi ni Haring Ildefonso

Wala ngang magawa ang Punong Ministro upang ma-aliw ang Hari sa kaniyang kalumbayan. Ang hindi alam ng Punong Ministro at ng Hari, ay nakikinig ang Prinsipe sa labas ng tanggapan. Naluha siya at nakonsensiya. Umalis nga siya sa labas ng tanggapan.

Sa pag-alis niya nga sa tanggapan ay nakasalubong niya ang Reyna Josefina. Binigyan nga siya nito ng isang sampal, at dumiretso sa Hari. Nakiusap nga ang Reyna na huwag ituloy ng Hari ang umuugong na balita, na papanganlang lilo ang kanilang anak.

Lumabas nga ang Hari, upang pagbulay-bulayan ang nalalapit na pulong. Nagtungo nga siya sa hardin upang magmuni-muni, nang makita niya si Alejandro, na nakaupong nagmumukmok sa ilalim ng isang puno.

Alejandro. –sabi ni Haring Ildefonso

Kamahalan. –sabi ni Prinsipe Alejandro

Pinahid nga ni Prinsipe Alejandro ang luha sa kaniyang mga mata, at hinarap ang Hari.

Bakit nandito ka? –sabi ni Haring Ildefonso

Wala lang po, Kamahalan. –sabi ni Prinsipe Alejandro

Nagkaroon nga ng mahabang katahimikan sa pagitan ng Hari at ng Prinsipe. Hanggang sa tanungin na nga siya ni Prinsipe Alejandro.

Bakit inilihim mo sa akin katotohanan, Kamahalan? –sabi ni Prinsipe Alejandro

Alejandro. –sabi ni Haring Ildefonso

Kung ipinagtapat mo lang sana sa akin, na hindi mo ako tunay na anak. Matututo akong lumugar, hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Ang poot, ang galit, ang inggit, hindi sana tumubo sa puso ko. –sabi ni Prinsipe Alejandro

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon