Part 13. Claudio's Goodbye

161 1 0
                                    


I . Incoming Horde

Dumating nga si Almario sa tanggapan sa silid kung saan nagpupulong ang mga Heneral. Inihatid nga niya ang malagim na balita. Naroon nga si Reyna Anna at si Claudio

Kamahalan, tumawid na ang tribo ng Hee sa Selavan. Kasalukuyan nilang sinasalakay Porto Atogob. –sabi ni Almario

Napahawak nga ang Reyna sa kaniyang ulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napahawak nga ang Reyna sa kaniyang ulo. Dalawang bagay nga ang kaniyang inaalala. Ang posibleng rebelyon ng mga kakampi ni Isabela, at itong tribo ng Hee. Na dahil nga sa pagsanib ng mga tribo sa Lagirdam ay naging isang malaking hukbo na bumibilang ng mahigit 200,000 mangangabayo, na bihasa sa pamamana at paggamit ng espada. Walang ngang Kaharian na may ganoong kalaking hukbo sa mga malalapit na kaharian. Kahit pa sa mga kahariang nasa Kanluran gaya ng Odacrem, Asonipse at Oyarac.

Magpakalat kayo ng palibot-pahayag sa buong Nilreb. Paki-tipon niyo ang mga tao sa parisukat na tanghalan. –sabi ni Reyna Anna

Inabot nga ng gabi bago mapuno ang parisukat na tanghalan. Dumating nga ang Reyna sa parisukat na tanghalan, na pinuno ng mga sulo, at mga tanglaw ng tanghalan, dahil sa kadiliman ng paligid. Kadilimang hindi nalalayo sa kanilang hinaharap. Nagtungo nga siya sa mataas na dako at nag-umpisang magsalita.

Madilim nga ang ating paligid ngayon, na hindi nalalayo sa ating hinaharap.

Kanina lang. Aking itinaas ang antas ng depensa ng Nilreb, sa bilang na isa. Ang pinakamataas na antas ng depensa. Na ang kasunod na ay labanan.

Ang tribo ng Hee ay tumawid na mula sa Lagirdam patungong Selavan. At tinungo ang bayan ng Porto Atogob. Hindi pa nga alam kung saan silang tutungong kasunod. Kung sa hilaga, sa silangan, o sa kanluran. Pero isang bagay ang tiyak, darating sila.

Ayon sa mga tiktik natin. Ang kanilang bilang ay umaabot sa bilang 200,000 mangangabayong mandirigma. Kahit sa kaluwalhatian ng Sodargas, kahit ng Oyarac sa nakaraan, ay hindi umabot ng ganoon ang kanila at ating bilang. Ang pinakahuli kong pinamunuang hukbo, laban sa Oyarac, ay umabot lang sa 160,000 mga kawal. Hindi nga ganoon kalaki uli ang bilang ng mga kawal natin, at wala silang lahat ngayon dito. Bagama't unti-unti ko silang iniipon, dahil nga sa banta ng tribo ng Hee.

Sinasabi ko nga ito sa inyo ngayon, hindi para takutin kayo. Kundi para tatagan niyo ang loob niyo. Hindi rin para lumikas kayo, at iligtas niyo ang inyong mga anak, at mga mahal sa buhay. Dahil kapag hindi sila napigilan. Maabutan nila kayo kung saan man kayo pumunta sa Kanluran.

Sinasabi ko ito sa inyo ngayon, para hingin ang inyong tulong. Hindi para protektahan kami. Kundi para protektahan ang sarili niyo. Dahil aminin na natin. Kayo ang unang makakaranas ng kung anoman ang maaari nilang gawin.

Gayahin niyo ang Tagapangasiwang si Isabela. Itinaya niya ang buhay niya, hindi para sa akin. Hindi kami magkasundo, sa katotohanan. Pero naiintindihan niya ang kahalagahan ng pananatili ng sibilisasyon, at sinugpo ang umuusbong na problema sa kanlurang bahagi ng ating mga hangganan, kahit kapalit nito ang kaniyang buhay.

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon