I .
The Royal Affairs
Si Alma nga ay kakabalik lang sa kaniyang pakikipag-usap sa Reyna sa Asonipse. Sa Porto Sirap, sa kaniyang gulat ay sinalubong siya ni Prinsesa Nina.
Mahal na Prinsesa. Hindi ko inaasahan na sasalubungin mo ako. -sabi ni Alma
Bakit ka nasa Asonipse? -sabi ni Prinsesa Nina
Kinausap ko lang ang Reyna ukol sa pag-atras ng ating hukbo doon, at sa mga lupain, nakuha ng aming angkan. Wala kang dapat ikabahala, mahal na Prinsesa. -sabi ni Alma
Wala ka bang balitang dala? -sabi ni Prinsesa Nina
Naniniwala akong alam mo na ang balita, mahal na Prinsesa. -sabi ni Alma
Ano ang tunay na nangyari sa kambal? Nakarating sa akin ang balita, pero walang detalye. Alam mo ba? -sabi ni Prinsesa Nina
Sa pagkakakilala mo sa Reyna, ano sa palagay mo ang tunay na nangyari? -sabi ni Alma
Hindi mo naman sinasabing...hindi, hindi magagawa iyon ng Reyna. Laman niya iyon at dugo. -sabi ni Prinsesa Nina
Ginawa niya iyon, sinabi niya sa harap ko. At dinala noon ang Reyna sa matinding kalungkutan. -sabi ni Alma
Matinding kalungkutan? -sabi ni Prinsesa Nina
Dahil sa kamatayan ng kambal, nagpakamatay ang isang nagngangalang Balduino. Na napamahal ng lubos sa Reyna. -sabi ni Alma
Si Balduino. -sabi ni Prinsesa Nina
Kilala mo ang lalake? -sabi ni Alma
Isa siyang patutot sa Odacrem, na malapit sa Tagapangasiwa ng Timog na si Casimiro, na malapit din naman sa akin. Itinanim ko siya sa tabi ng Reyna, upang mag-ulat sa kinalalagyan nila. -sabi ni Prinsesa Nina
Ano sa tingin mo ang dahilan, kung bakit nahulog ang loob ng Reyna sa tao mo? -sabi ni Alma
Hindi mo ba nakita si Balduino? -sabi ni Prinsesa Nina
Nakita ko. -sabi ni Alma
Ngayon? -sabi ni Prinsesa Nina
Ano ngayon? -sabi ni Alma
Ang lalake, ay kamukha ni Heneral Claudio. Ang dating Punong Heneral ng Kaharian, at asawa ng Reyna... -sabi ni Prinsesa Nina
Ang taong pinatay ng aking ama. Na siya naman ginawang dahilan ng Reyna, para wasakin ang Atrakaj, at lipulin ang aking pamilya. -sabi ni Alma
Pasensya na, kung nabanggit ko sa iyo ang pangalan ni Heneral Claudio. Pero ako man ang gawan ng ganoong kasamaan, wala akong ititira sa lahi ng gumawa noon, wala akong ititirang batong nakatayo sa bayan niya. -sabi ni Prinsesa Nina
Hindi mo magagawa iyon. Hindi ka magiging dakila kaysa sa Reyna, at ang Reyna ay hindi nagawa iyon. -sabi ni Alma
Gusto mo bang subukan, Alma? -sabi ni Prinsesa Nina
Hindi ko gusto ng gulo, Prinsesa Nina. At alam kong hindi mo nais ng gulo ngayong pabalik na ang Reyna. Hindi na iyon magtatagal. -sabi ni Alma
Nag-aalala ka ba, sa pagbabalik ng Reyna? -sabi ni Prinsesa Nina
Nag-aalala ako sa iyo, mahal na Prinsesa. Marami kang ginawa na hindi magugustuhan ng Reyna. Kung pinatay niya ang kaniyang sariling dugo at laman, natatakot ako sa maaaring magawa niya, sa mga kagaya natin. -sabi ni Alma
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?