Part 19.2 Love At A Late Age

24 1 0
                                        

I . Foreign, Marital Affairs, and Longheld Secrets

Ang mga opisyal na pinatawag ni Reyna Anna, ay unti-unti ng dumating sa Porto Ocanom. Pinakauna ngang dumating si Heneral Benito, na nakatalaga sa Odacrem. Si Punong Heneral Julio naman, ay kasama ni Luis na dumarating galing hilaga. Samakatuwid ay sa himpilan sa kabundukan.

Halos kasing laki na ng isang bayan, ang himpilan doon sa bundok. -sabi ni Punong Heneral Julio

At mahirap ding makuha. Palagay ko, kahit sa kalamangan natin sa teknolohiya, mahihirapan pa rin ang Sodargas na kunin ito. Nakuha ko lang ito, dahil iniwan ito ni Fulgencio. Pero kung lulusubin ko ito, at mayroong mga tao, kahit hindi gaanong karami, basta nasasandatahan at nasasanggalangang maayos. Malabo itong makuha ng kahit sinoman. -sabi ni Luis

Ang pagliit ng Oyarac dito sa Kanluran, ay hindi ang unang pagliit nito. Bagama't maaaring ito na ang huli. Ang mga himpilan sa bundok, ang siyang nagiging sanggalang ng Oyarac, upang ang mga taga-Asonipse ay hindi makatawid sa kanilang lupain. Ito rin naman ang nagiging lunsaran ng kanilang mga pagbalik ng pagsalakay at pagbawi ng mga nasasakupan. Maigi at nakuha natin ito, at wala na ito na sa kamay ng Oyarac. -sabi ni Punong Heneral Julio

Magkagayonman, ang mga problema sa baba. Partikular ang Porto Iepiat. -sabi ni Luis

Nandoon ang Pangalawang Heneral. Kaya niya ang sitwasyon doon. Bago ka pa man, naging lingkod ng Reyna, ay siya ang dating Punong Heneral, bago ako. Pinalitan niya ang asawa ng Reyna, nang pumanaw ito. Ako naman ay bagong talaga lang bilang Pangalawang Heneral. -sabi ni Punong Heneral Julio

Anong nangyari bakit kayo nagkapalit? -sabi ni Luis

Nasangkot, ngunit walang kinalaman, sa isang paratang ng pakikipagsabwatan sa mga kalaban ng Reyna, ang kaniyang asawa. Nanganib ito sa kamatayan, at kumilos siya laban sa kabisera. Mahal na mahal niya ang asawa niyang iyon. Nauunawaan naman ng Reyna, kung bakit iyon ginawa ng Pangalawang Heneral. Magkagayonman, kailangan siyang maparusahan para sa disiplina. At iyon ang naipataw na kaparusahan ng Reyna kay Basilio. -sabi ni Punong Heneral Julio

Magaan itong maituturing. Marahil ay hindi rin mapakawalan ng Reyna ang Pangalawang Heneral, dahil sa kaniyang katangian. -sabi ni Luis

Hindi man lang ako maikukumpara sa kaniya, sa kaniyang kaisipan sa estratehiya. Tanging ang Reyna lang, ang kung hindi man kapantay, ay mas nakakahigit sa kaniya, pagdating sa estratehiya. -sabi ni Punong Heneral Julio

Nasaksihan ko iyon, dito sa kanluran. Hindi ko kakayanin na magkaroon ng ganoong sunod-sunod na problema, pagkatapos lamang na magapi niya ang mga Hari. -sabi ni Luis.

Ang Reyna, ay sinusunod ko lamang nang una, dahil sa propesiya. At hanggang ngayon pa rin naman. Ngunit ngayon, ay hindi na lang dahil doon. Natatangi ang kagalingan ng Reyna, sa pamamahala at sa digmaan. -sabi ni Punong Heneral Julio

Ako man, ay sumusunod sa Reyna, dahil sa kaniyang mga katangian. Bagaman dati niya akong kalaban. -sabi ni Luis

Ano sa palagay mo ang dahil ng patawag sa akin ng ating Kamahalan? -sabi ni Punong Heneral.

Kung kasama ka sa patawag, malamang ay digmaan Punong Heneral. Palagay ko nagkaproblema sa pagpasok ng mga kalakal sa hilaga. Dahil doon ang aking dating kasama ay nawawalan ng kita, at ang Reyna ay hindi nabubuwisan. -sabi ni Luis

Pagdating nga nila sa tarangkahan ng hilaga, ay sinalubong sila ni Heneral Benito.

Kamusta ang Odacrem? -sabi ni Punong Heneral Julio

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon