I . Heir To The
Ang mag-asawa ngang si Basilio at Rebecca, ay masayang naglalakad sa palasyo ng mapansin ni Rebecca ang isang babaeng patungo sa silid ng Reyna.
Mahal ko, sino ang babaeng iyon? –sabi ni Rebecca
Ah, siya si Alma. Masahista ng Reyna. –sabi ni Basilio
Masahista? Pero bakit hindi siya palaging nandito? –sabi ni Rebecca
Hindi rin naman laging kailangan ng Reyna ng masahe. Lalo na't hindi naman ganoon kadalas ang digmaan ngayon. –sabi ni Basilio
Alam mo bang magaling din ako, magmasahe mahal ko. –sabi ni Rebecca
Nagtungo nga silang dalawa sa kanilang silid, at minasahe ni Rebecca ang kalamnan ng kaniyang asawa. Naginhawaan nga ang kaniyang asawa sa pagmamasahe sa kaniya.
Bakit hindi mo madalas ginagawa ito sa akin? –sabi ni Basilio
Hindi ka naman nagtatanong kasi. –sabi ni Rebecca
Habang patuloy ngang minamasahe ni Rebecca ang kaniyang asawa, ay naitanong niya muli si Alma.
Saan nagmula ang babaeng iyon, na masahista ng Reyna? –sabi ni Rebecca
Naku Rebecca, mahabang saysayin kung ikukuwento ko sa iyong lahat. Sa ibang panahon ko na lang ikukuwento. At hindi rin magandang kwento ang kwentong iyon. Pero bilang panimulang kaalaman patungkol sa kaniya, siya ang huling natitirang Prinsesa na buhay ng dating kaharian ng Odrave. Dati rin siyang naging Reyna ng Selavan. Ngunit lahat ng mga lugar na iyon, ay nasa ilalim na ng Sodargas. –sabi ni Basilio
Prinsesa ng Odrave? Hindi ba't winasak ng Reyna ang kabisera noon, dahil pinatay doon ang dating Punong Heneral. At ang ulo ng kaniyang ama, ay nasa silid ng mga ulo. Nakita ko ito ng minsan akong dinala doon ng Reyna. Papaanong nakakapagtiwala ang Reyna sa kaniya? –sabi ni Rebecca
Alam mo namang kakaiba ang ating Reyna sa lahat. Ikaw ay kalihim niya, sa kabila ng naging kasangkapan siya sa pagkalipol ng iyong angkan. At ako, na dating nagtangkang pumatay sa kaniya, ay Punong Heneral ng Kaharian. –sabi ni Basilio
Ikaw, pinagtangkaan mong patayin ang Reyna? –sabi ni Rebecca
Hindi iyon, dahil sa kadahilanang may galit ako, o may paghihiganti akong nais makamit. Kawal pa lang ako noon, at sumusunod lang sa utos. Nagkaroon ng kudeta noon, at inutos ng Usurpador na patayin ang noo'y Prinsesa. Para paikliin ang kwento, hindi kami nagtagumpay na mga inutusan, at ako lang ang natirang buhay. Dahil naman iniligtas ako ng dating Punong Heneral. –sabi ni Basilio
Sa usapin ng Heneral nga pala, nais ng Reyna na humirang na ng Pangalawang Heneral. At pag-uusapan iyon sa lingguhang pulong ng Konseho. –sabi ni Rebecca
Ako ang humiling noon sa Reyna, nais ko na rin ng katulong sa pamamahala ng hukbo. Matagal-tagal na rin akong walang katulong na Heneral, mula nang mamatay si Claudio. –sabi ni Basilio
Sino sa palagay ang mga magiging kandidato? –sabi ni Rebecca
Hindi ko rin alam. Marami kasi silang mga kwalipikadong humawak ng posisyon. –sabi ni Basilio
Sa kampo nga ng Ran, ay nagpatawag ng pulong ang Prinsesa. Patungkol pa rin sa pagpuno sa posisyon ng Pangalawang Heneral.
Mahal na Prinsesa, panay ang lapit sa atin nitong si Heneral Benito. Humihingi siya ng suporta para sa paparating na paghirang ng Pangalawang Heneral. Sinasabi niyang tatanawin niya itong malaking utang na loob kung susuportahan natin siya. Siya ba ang ating susuportahan? –sabi ng isang opisyal ng Ran
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?