Nagpulong nga ang konseho ng Sodargas, upang pag-usapan ang katapusan ng digmaan, at ang pagkawala ng Reyna. Ipinagsinungaling nga ng dalawang Heneral, na ang Reyna ay muling nalason, at muli ay nangangailangan mamahinga, at kinakailangan ng bagong mamumuno. Iminungkahi nga ni Claudia si Prinsesa Nina muli, upang maging tagapangasiwang pansamantala ng Sodargas. Sinang-ayunan nga ito ng maraming senador at ministro. Ngunit napansin nila ang kakauntian ng mga kasapi ng angkan ng Qan. Maging ang mga Prinsipe ay wala doon.
Hindi pa nga alam noon ng Prinsesa, kahit ni Almario kung nasaan ang Prinsipe. Uumpisahan nga sanan siyang hanapin, nang dumating naman si Senador Alma.
Anong ginagawa mo dito? –sabi ni Prinsesa Nina
Inabot nga ng senador ang isang sulat. Nilalaman nga nito ang kinaroroonan ng Prinsipe.
Porto Ovejaras, bakit mo ginagawa ito? –sabi ni Prinsesa Nina
Hindi ba hinahanap mo ang Prinsipe? –sabi ni Alma
Wala akong natatandaang pahayag sa Konseho, na hinahanap ko ang Prinsipe. Interesado ka pa rin ba talaga sa asawa ko? –sabi ni Prinsesa Nina
Tumawa nga ng malakas ang senador sa harap ng Prinsesa.
Sa iyo na lang ang asawa mo! Masaya na ako kay Santiago. Kinasusuklaman ko siya ng mainam, para man lang gustuhin ko siya. Pero aaminin ko, naiingit ako sa iyo, dahil na sa iyo ang dapat ay lahat na nasa akin. –sabi ni Alma
Hindi pa rin noon naipapaliwanag kung bakit mo ito ginagawa? –sabi ni Prinsesa Nina
Ang asawa mo, ay nagpapaplano ng isang kudeta. Ngayong nawawala ang pusa, aatake ang daga. –sabi ni Alma
Tumaas nga ang kilay ng Prinsesa, ngunit tinanong niya ang senador.
Sa Reyna ba, hindi ka namumuhi? –sabi ni Prinsesa Nina
Matapang ngang sinagot ni Alma, ngunit sa paraang patanong, ang tanong ng Prinsesa.
Kung inutos ng isang tao, ang kamatayan ng iyong pamilya. Pinatay sa malupit na paraan ang iyong ama at ina, ipinagahasa ang iyong kapatid sa maraming lalake, at nang mamatay ay ipinakain sa mga lobo, at ang bunsong kapatid mo, ay ibinalibag sa sahig, gaya ng anak ng Konkubina! Kung ginawa iyon, sa pamilya mo ng isang tao, hindi ka ba mamumuhi sa taong iyon? –sabi ni Alma
Nagulat nga ang Prinsesa, na binuksan ni Alma ang puso nito sa kaniya. Lumuluha ngang sinagot ni Alma ang tanong sa kaniya ng Prinsesa.
Pero huwag kang mag-alala, mahal na Prinsesa. Hindi ako gaya ng Prinsipe na nais agawin ang trono.Hindi ko iyon hinahangad. –sabi ni Alma
Huwag ka ngang magsinungaling sa akin. Naiingit ka sa mga bagay na nasa akin ngayon, pero hindi mo hinahangad ang trono? Lahat tayong nasa ilalim ni Reyna Anna, ay naghahangad sa trono. Iyon ang katotohanan. –sabi ni Prinsesa Nina
Oo, pero hindi ko aagawin ito at guguluhin ang kapayapaan. Pero iyon ang gagawin ng Prinsipe, ayaw kong mangyari iyon, at naniniwala akong ayaw mo rin. –sabi ni Alma
Oo. Yung sinabi mo kanina, kapag wala ang pusa, sasalakay ang daga. Oo, nawala ang mabangis na pusa. Pero ang Sodargas ay hindi nagkukulang sa mga pusa. Nasa harapan mo na ang bagong mabangis na pusa. Sana huwag kang maging daga, Senador Alma. –sabi ni Prinsesa Nina
Ipinatawag nga ni Prinsesa Nina si Heneral Basilio at Julio. Ang dalawang pangunahing Heneral ay may nais ring iparating sa kaniya. Iyon nga ay ibig ng dalawang Heneral, na patibayin ang depensa. Mabilis ngang sumang-ayon ang Prinsesa dahil sa Reyna, at dahil doon siya lumaki. Ngunit nang banggitin nila na si Benito ang mamahala, sa depensa ng Odacrem, ay nagdalawang isip ang Prinsesa. Wala siyang tiwala sa Heneral na iyon. Ngunit dahil wala siyang panahon na makipagtalo, ay sinang-ayunan niya ito, at ginawan ito ng kautusan. Ngayon ang Prinsesa naman ang nagpakilala ng kahilingan. Gaya din ng Prinsesa ay, nagdadalawang isip ang mga Heneral. Ngunit sumang-ayon sila sa ibig nitong mangyari.
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
Genel KurguWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?
