I . Obstacles of Love
Inutos nga ni Reyna Anna, na magtungo ang mga mamamayan sa libingan ni Haring Carlos. At nais niyang ipahayag, ang pagsasanib niya ng Sodargas at Oniuqa. Tinangka nga siyang pigilan ng kaniyang mga opisyal, ngunit hindi siya nagpapigil.
Mula sa araw na ito. Ang Oniuqa ay hindi na umiiral bilang isang kaharian. Lahat ng inyong lupain, ay isasanib na sa Kaharian ng Sodargas. –sabi ni Reyna Anna
Tumigil nga siyang sandali, at tinignan ang paligid, kung may damdamin ng pagtutol. Ang nangingibabaw nga na damdamin sa mga taga-Didram, ay pagkapahiya. Kapwa sa kanilang pumanaw na Haring si Carlos, at kay Reyna Anna na tumulong sa kanila, at sa kabila noon ay trinaydor nila.
At tandaan niyo rin ang araw na ito. Ang araw na ito, ang magiging paghingi natin ng pagpapatawad kay Haring Carlos. Sa kamaliang nagawa natin sa kaniya. Lalo na sa mga nagtaas ng sakong laban sa kaniya. –sabi ni Reyna Anna
Lumapit nga si Reyna Anna sa puntod ng Hari. Doon nga ay yumukod siya, na ang kaniyang ulo ay nakadikit sa lupa. Napilitan ngang lumuhod din ang kaniyang mga opisyal. Narinig na nga lang nila na umiiyak ang Reyna. Humihingi nga siya ng tawad sa kaniyang ginawang pulitikal na galaw, laban kay Haring Carlos. Na isang kasalanang hindi mapatawad ng yumaong Hari.
Ang mga pamilyang nag-aklas ay nagsimula ring umiyak, at humagulgol. Iyon nga ang pinakamalakas na iyakang narinig ni Claudio, at ng kaniyang mga kasama sa buong buhay nila. Maya-maya pa ay nilapitan ni Claudio ang Reyna.
Ang ganda ng palabas na ginawa mo Kamahalan. –sabi ni Claudio
Hindi nga nagustuhan ni Reyna Anna ang sinabi ni Claudio.
Hindi palabas ang ginawa ko. Bakit lagi mong pinagdudahan ang katapatan ko sa ganitong pagkakataon? –sabi ni Reyna Anna
Patawarin mo ako. –sabi ni Claudio
Hindi ka na nakakatuwa, alam mo ba iyon? –sabi ni Reyna Anna
Iniwan nga ng Reyna si Claudio. Dalawang araw nga ang lumipas ay pinatawag ng Reyna ang mga pangunahing Konseho niya. Dumating nga rin doon si Isabela. Nagkita nga sila Claudio at Ministro Crisostomo.
Guro –sabi ni Claudio
Claudio –sabi ni Crisostomo
Ibig ko sanang ikaw ang magparating ng hinaing ng mga kawal. Alam mo rin naman iyon, Guro. –sabi ni Claudio
Bakit hindi ikaw? –sabi ni Crisostomo
Napagalit ko ang Reyna, nang sabihin ko na palabas lang ang ginawa niya. –sabi ni Claudio
Mahirap talagang basahin ang Reyna kung minsan. Kaya minsan ang pinakamagandang gawin, ay walang gawin, at walang sabihin. Tandaan mo lang ang mga madaling mabasa. Madali lang sa kaniya ang pumatay, pumugot ng ulo, pumatay ng sanggol. At tandaan mo hindi ka niya kaano-ano, maliban sa ikaw ng kasintahan niya. –sabi ni Crisostomo
Pero gaya nga ng sinabi ng isang tao sa akin. Dahilan ng digmaan ng mga Hari, ang babaeng minamahal nila. Habang kadalasan, ang kapatid na kaano-ano ay pinapatay at dinidispatya lang. Ano kaya ang magagawa niya para sa akin? –sabi ni Claudio
At nag-umpisa nga ang pulong na iyon. Dumalo din nga si Claudio. Mainit pa nga ang dugo ng Reyna sa kaniya. Binanggit nga ni Isabela, ang digmaang nagaganap din sa Silangan sa pagitan ng tatlong Kaharian. Ang Agrev nga ay sinalakay Porto Ovejaras ng Selavan, at nakuha ito. At binabantaan nga nila ang mga siyudad ng Odrave, ang Porto Wasraw at Porto Bergaz.
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?