I . Marriages and Returns
Pinuntahan nga ni Claudio ang Reyna na umiiyak sa kaniyang hardin. Umupo siya sa tabi niya at isinandal ang Reyna sa kaniyang dibdib.
Masama ba akong tao? –sabi ni Reyna Anna
Ginawa mo lang iyon, para sa Kaharian. Hindi ka rin naman ganoon ka-buti. –sabi ni Claudio
Salamat ha. –sabi ni Reyna Anna
Ang ibig sabihin ko lang, hindi ka perpekto. –sabi ni Claudio
Salamat talaga. Napagaan mo ang loob ko, sa iyong mga salita. –sabi ni Reyna Anna sa tonong sarkastiko
Dahil iyon naman ang totoo. Kung kaya nilang traydurin ang kanilang noo'y Prinsipe. Ano kaya ang sasapitin mo, na hindi nila kababayan, at Hari? Hindi katiwa-tiwala ang mga ganoong tao. Ikinalulungkot ko lang na nalaman ito ng Hari. –sabi ni Claudio
Hindi niya na ako mapapatawad. –sabi ni Reyna Anna
Hayaan mo siya. Hindi siya makagagalaw laban sa iyo. Galit man siya sa iyo, hawak mo siya sa leeg. Kung sakali man, dudurugin ko siya o sila. Para sa iyo. –sabi ni Claudio
Ipatawag mo mamaya si Heneral Crisostomo. Itatalaga ko siyang tagapayo sa akin, sa kaharian ng Oniuqa. Bibigyan ko siya ng libreng kamay, para magpasya para sa Oniuqa. –sabi ni Reyna Anna
Bakit mamaya pa? –sabi ni Claudio
Halika. –sabi ni Reyna Anna
Dinala nga siya ng Reyna sa kaniyang tanggapan. Doon nga'y hinalikan niya ang Punong Heneral. Sa di kalayuan. Si Isabela nga ay patungo sa tanggapan ng Reyna. Nang nasa labas na nga siya, ay narinig niya ang paghalinghing mula sa loob. Napatigil nga siya at tumalikod sa lugar ng tanggapan. Lumakad nga siya palayo, habang sinasabi.
Bakit nalalagay ako lagi sa ganitong sitwasyon? Puntahan ko nga muna ang Prinsipe. –sabi ni Isabela.
Nang panahon ngang inilagay na Ministro ng Interior si Prinsesa Nina, ay may itinalaga rin ngang bagong opisyal si Reyna Anna.
Bilang gantimpala nga sa matagal niya ng serbisyo sa Kaharian. At para punan na rin ang kawalan ng tagapamahala sa isa sa ating lalawigan. Dahil sa kamatayan ng aking itinalagang tagapamahala doon. Hindi nga rin siya nagkaroon ng tagapagmanang maaring pumalit sa kaniya. Ay itinatalaga ko si Punong Heneral Basilio, na bagong Gobernador ng Porto Nreb. –sabi ni Reyna Anna
Isa nga sa ibig sabihin nito, ay nasa ilalim siya ng Ministro ng Interior, na si Prinsesa Nina sa kasalukuyan. Ngunit magkakaroon nga ito ng komplikasyon. Lumapit nga ang Punong Heneral na si Basilio sa Reyna.
Nagpapasalamat po ako na sa lupaing ipinagkaloob mo sa akin. Tatanawin ko itong utang na loob habang buhay, Kamahalan. –sabi ni Basilio
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?