Ang Reyna nga, kasama ng Prinsesa at ng mga Heneral ay bumalik sa Nilreb. Inihanda nga ni Claudia ang siyudad, upang salubungin sila na may galak. Ito nga ay dahil hindi natutuwa ang mga tao sa digmaang iyon. Marami nga lang ang napilitan na magpanggap na masaya, na nagtagumpay ang Reyna laban sa kaniyang kapatid.
Sa linya ng parada, ay tanging ang Reyna lang ang nasa unahan, na nakasakay sa kaniyang kabayo. Ang Prinsesa nga ay nasa gitna ng dalawang Heneral na sila Julio at Basilio. Dapat nga sana ay tabi sila ng Reyna. Ngunit inaalala niya ang pagseselos ng Reyna, kaya nga nagpaubaya siya.
Hindi nga naitago sa parada ang kalungkutan ng Prinsesa. Dahil nga ito sa pagkatalo ng Prinsipe. At sa ginawa sa kaniya ng Reyna, bago sila umuwi.
Samahan mo ako, dadalawin natin ang Prinsipe. -sabi ni Reyna Anna
Pero Kamahalan, ikaw mismo ang nagsabi na hindi namin maaaring makita ang Prinsipe. Liban sa iyo. -sabi ni Prinsesa Nina
Kasama mo ako, hindi ka mapapaano. Wala kang dapat alalahanin. -sabi ni Reyna Anna
Nagtungo nga sila sa tore, kung saan nakakulong ang Prinsipe.
Bakit kayo narito? -sabi ni Prinsipe Antonino
Nais ko lang ipakita sa iyo, ang kabayaran ng iyong pagkatalo. -sabi ni Reyna Anna
Bigla ngang humalik ang Reyna sa labi ni Prinsesa Nina. Bagama't nakadikit na ang labi ng Reyna, sa labi ng Prinsesa. Ang kamay ng Prinsesa, ay nakaawat sa katawan ng Reyna, upang pigilan na lalo pa itong magdikit.
Ngunit dahil nagdikit na ang mga labi nila, ay tila bumigay si Prinsesa Nina. Mula sa pagpigil, ay yumakap ang kamay ng Prinsesa sa Reyna. At sila'y naghahalikang marubdob. Nasaktan nga ang Prinsipe, na makita itong personal.
Sa pagbitiw nga ng Reyna sa halik, ay nahimasmasan ang Prinsesa. Nakita niyang umiiyak ang kaniyang asawa. Naluha nga ang Prinsesa, at nilisan ang kulungan. Tinitignan nga ng Reyna ang kaniyang kapatid.
Paalam kapatid ko. Ito na ang ating huling pagkikita. -sabi ni Reyna Anna
Nang makarating nga sila sa tarangkahan ng palasyo, ay sinalubong ni Prinsesa Cristina, ang kaniyang ina. Nauna nga siyang umuwi sa Nilreb, nang magtapos ang digmaan.
Nasaan ang kapatid mo? -sabi ni Prinsesa Nina
Dinala nga siya nito sa isang bahay, kung saan nanunuluyan ang kaniyang kapatid.
Ina. -sabi ni Prinsesa Antonina
Sinampal nga siya ni Prinsesa Nina.
Hindi mo ba naisip na nag-aalala ako? Bakit ka nagpaiwan dito? -sabi ni Prinsesa Nina
At anong gagawin mo kung sumama ako? Tatraydorin mo ang Reyna? -sabi ni Prinsesa Antonina
Antonina! Mag-ingat ka sa sinasabi mo. -sabi ni Prinsesa Cristina
Tama na ang isang traydor sa ating pamilya. Ang pananatili ko dito, ay nagbunga naman ng pulitikal na pakinabang. -sabi ni Prinsesa Antonina
Pakinabang? -sabi ni Prinsesa Nina
Ako ngayon, ay asawa na ng Prinsipe. -sabi ni Prinsesa Antonina
Nagsalubong nga ang kilay ni Prinsesa Nina.
At ipinagmamalaki mo iyon? Nilabanan mo ng maigi si ina, para lang hindi ito matuloy. Nagpapalusot ka lang ba, upang labanan si inang patuloy? -sabi ni Prinsesa Cristina
Tama na. -sabi ni Prinsesa Nina
Kagagalitan niyo pa ba ako, imbis pasalamatan sa mga natamo ko para sa pamilya? -sabi ni Prinsesa Antonina
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?