Prologue

114 1 1
                                    


May isang isla ngang tinatawag na Adivaria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May isang isla ngang tinatawag na Adivaria. Doon nga ay may tatlong kaharian, na may mga pinuno na kakaiba.

Sa totoo lang ay apat ang kaharian, ang isa ay ang Odacrem, ngunit isasanib nga ito sa unang kaharian na aking babanggitin.

Ang Sodargas, ito nga ay nasa pamumuno ng isang babae. Si Reyna Anna. Sa kaniyang pamumuno ay lumaki nga ang kaniyang kaharian sa pamamagitan ng pananakop, at minsa'y diplomasya. Yun din nga ang kaniyang gagamitin upang maisanib ang kaharian ng Odacrem, na nasa kanluran ng huling siyudad at tanggulan ng Sodargas sa pinakadulong kanluran ng kaharian. Kakasangkapanin niya nga dito ang kaniyang kapatid.

Si Prinsipe Antonino. Siya nga ay wala pang asawa, gaya rin ng kaniyang nakakatandang kapatid, at gaya rin ng kaniyang ate, siya man ay isang magaling na pinuno. Dahil dito ay hinrang siya ng kaniyang ateng Reyna na maging Punong Ministro ng Kaharian, at Tagapagmana kung siya ay papanaw.

Ang ikalawang kaharian ay ang Oyarac. Ito nga ang dating pinakamalaking kaharian sa Adivaria. Ngunit dahil sa sunod-sunod na pagkatalo sa mga digmaan laban sa Sodargas at Asonipse ay lumiit ang hangganan ng kanilang kaharian. Ang kanilang pinuno nga ay si Haring Isandro. Mahal niya ang kaniyang bayan, ngunit kulang siya sa karanasan sa pamumuno, ito ay dahil napakabata niya. Labing anim na taong gulang nga lang siya nang hiranging Hari, dahil napatay ang kaniyang amang Hari sa pakikidigma sa Sodargas. Namatay nga ito sa kamay ni Reyna Anna. At tatlong taon pa nga lang siya sa kaniyang luklukan.

At ang huling kaharian nga ay ang Asonipse. Sakit nga sila ng ulo ngayon ng kaharian ng Oyarac, dahil sa patuloy na pag-agaw ng mga siyudad at kuta nila sa kanluran. Hindi naman sila makahingi ng tulong sa Sodargas ito ay dahil, galit sila sa Sodargas, at hindi pa limot ang kamatayan ng dating Hari.

Sa lahat ng tatlong kaharian nga, ay Ang Asonipse ang may pinaka kakaibang mga pinuno. Dalawang Hari nga ang nakaupo sa isang trono. Ito nga sila Haring Joaquin at Haring Julian. Magkasundong magkasundo nga ang dalawa at hindi nagkaka-inggittan. Si Haring Joaquin nga ay kinuha ang posisyon ng Punong Ministro, habang si Julian naman ay ang posisyon ng Punong Heneral, sapagkat magaling siya taktika ng digmaan at pakikipaglaban, habang si Joaquin ay bihasa sa pamamahala, at marunong sa politika.

Hindi nga sila ang mga unang pinuno ng kani-kanilang kaharian. Sila nga ang magkakasabay na namumunong kasalukuyan. Bawat isa nga sa kanila ay pangarap na pag-isahin nga tatlong kaharian. Ngunit sino sa mga Hari ang makatutupad nito?


STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon