Part 16.3. Sowing Seeds of Discord

12 1 0
                                    

Ang Prinsesa nga ay nasa kaniyang silid kasama ni Menandro. Minamasahe nga siya ng lalake , nang bumanggit ito ng isang hiling.

Mahal na Prinsesa, maaari ba akong bumalik sa bayan ko. Kahit sandali lang. –sabi ni Menandro

Hindi nga natuwa ang Prinsesa sa hiling ng kaniyang lalake.

Naiintindihan mo naman na bihag ka? Sa kabila ng ating relasyon, naniniwala akong naiintindihan mo iyon?-sabi ni Prinsesa Nina

Sandali lang naman ako, mahal na Prinsesa. Nangangako ako babalik ako kaagad. –sabi ni Menandro

Sinabi ng hindi! –sabi ni Prinsesa Nina

Mariin nga ang pagtutol ng Prinsesa, at si Menandro ay hindi na muling nangulit pa. Ngunit nang mga sumunod na araw, ay nakita ng Prinsesa na malungkot ang kaniyang lalake. At siya ay naaapektuhan.

Kailangan ba talagang bumalik ka doon? Nais mo na ba akong iwan? –sabi ni Prinsesa Nina

Hindi ganoon mahal na Prinsesa. Kinakabahan lang ako, at hindi mapalagay. At sa tuwing mararamdaman ko ito sa nakaraan, may nangyayaring masama. Naiisip ko ang aking ina, bago nito, at bigla ko itong naramdaman. Mahal na Prinsesa, nais ko lang alamin kung mali ako, na sana nga, o kung mali ako, na huwag nawang mangyari. –sabi ni Menandro

Nakita nga ng Prinsesa na tapat naman sa ibig niyang mangyari si Menandro, at walang ibang masamang hangarin.

Payag na ako. Pero sasama ako. –sabi ni Prinsesa Nina

Pero kailangan ba, mahal na Prinsesa? –sabi ni Menandro

Kung pupunta ka doong mag-isa, at payagan kita, hihilingin din ng ibang mga bihag na umuwi sa kanila, at baka hindi na sila bumalik. May tiwala ako, na wala kang ibang hangarin na masama. Pero ang mga ibang bihag na gaya mo, ay wala akong tiwala. –sabi ni Prinsesa Nina

Nauunawaan ko. Salamat sa pagpayag mo, mahal na Prinsesa. –sabi ni Menandro

Tinatawag mo na naman akong mahal na Prinsesa. Tawagin mo lang ako sa dating tinatawag mo sa akin. –sabi ni Prinsesa Nina

Tatawagin kitang ganoon, sa ibang pagkakataon. Alam kong ang kahilingan ko ay may pulitikal na implikasyon. Ayaw kong hilingin iyon, bilang kasintahan mo. Kundi bilang nasasakupan mo. –sabi ni Menandro

Napakagalang mo. Bakit hindi tayo nagkakilala ng mas maaga? –sabi ni Prinsesa Nina

Imposible tayong magkita noon. Ang mahalaga nagkatagpo tayo ngayon. –sabi ni Menandro

Ipinaalam nga ni Prinsesa Nina sa mga bantay-Hari na siya ay lalabas. Si Cecilia nga ay plinano ang paglabas para sa seguridad ng Prinsesa. Bagamat hindi na siya kalihim ay siya pa rin ang pangunahing bantay-Hari, na pinakamalapit. Nang muli nga silang magkita ng umalis sila, ay sumakit ang ulo ng Prinsesa.

Ayos ka lang ba? –sabi ni Menandro

Wala ito. –sabi ni Prinsesa Nina

Ang pamilya nga ni Menandro ay ang nangangasiwa ng Porto Wasraw. At doon nga sila nagtungo. At taliwas sa nararamdaman ni Menandro ang kaniyang ina, ay nasa mabuting kalagayan. Nang matiyak iyon ni Menandro, ay pinasyahan niyang bumalik na sa Nilreb. Habang naglalakbay pabalik, ay tinangka na patayin ang Prinsesa. Prinotektahan nga ang Prinsesa ni Cecilia, at ang Prinsesa ay napatingin ng malapitan sa kaniya. Gaya ng dati ay muling sumakit ang ulo niya.

Bumalik nga sila ng Nilreb, at pumasok sa palasyo. Nang nasa tanggapan nga ay iniutos ni Cecilia, na dakpin si Menandro.

Anong ginagawa mo?! –sabi ni Prinsesa Nina

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon