Part 5. Travelling to Odacrem

353 1 1
                                    


Pumanaw nga si Haring Ildefonso, dahil doon ay hinirang si Prinsipe Alejandro bilang Hari. Isang buwan nga ang lilipas bago tuluyang makapagpulong ang bagong konseho, at ang bagong Hari. Ito nga ay para ipagluksa ang pumanaw na Hari. Sa pag-aakala nga ng mga Ministro na sila ng Hari ay magkaisang diwa pa rin sa pulitika. Ay nagpanukala sila ng ganito sa pulong

Kamahalan, ayon sa ulat ng mga espiya. Si Prinsesa Anna ng Sodargas ay nasa Lupain ng mga Walang Hari. -sabi ng isang Ministro

Ano ang ibig mong ipahiwatig Ministro? -sabi ni Punong Ministro Diego

Idispatya na natin Prinsesa, Kamahalan. Magiging banta siya sa hinaharap. -sabi ng isang Ministro

Papaanong magiging banta ang Prinsesa, gayong wala siyang kapangyarihan? At gaya ng sabi niyo siya ay nasa Lupain ng mga Walang Hari. Anong puwersa ang ilalaban nila sa atin? -sabi ni Punong Ministro Diego

Hindi matibay ang hawak ng usurpador sa trono ng Sodargas. Hindi magtatagal ang kaniyang pananatili doon, sa tinatakbo ng mga pangyayari. -sabi ng isang Ministro

At kung mapapatay natin ang Prinsesa, wala na ba tayong magiging problema? Alam ko ang ibig niyong ipahiwatig. Gaya ng sabi niyo. Hindi matibay ang hawak ng Usurpador. Hayaan niyo, Ang Prinsesa maaring bumalik sa kapangyarihan. Hayaan niyo! Mas mahirap kung makikialam pa ang Oyarac sa pulitika ng Sodargas. Suportahan ko ang usurpador, talo ang Oyarac. Patayin ko ang Prinsesa, talo ang Oyarac. Kaya mas maigi na hindi makialam ang kahariang ito. -sabi ni Haring Alejandro

Pero kamahalan! -sabi ng isang Ministro

Tapos na ang usapang ito. At tapos na rin ang pulong na ito. -sabi ni Haring Alejandro

Umalis nga ang Hari sa kaniyang korte, at nagtungo sa kaniyang tanggapan. Sumunod nga sa kaniya ang Punong Ministro.

Kamahalan, narito po ang Punong Ministro. -sabi ng bantay pintuan

Patuluyin mo siya. -sabi ni Haring Alejandro

Pumasok nga ang Punong Ministro sa tanggapan.

Kamahalan bakit ganoon ang naging pasya mo? -sabi ni Punong Ministro Diego

Nandoon ako sa nakaraang digmaan laban sa Sodargas. Marunong ang kanilang mga heneral. Mas malaki di hamak ang pinagsamang hukbo ng Aneub at Oyarac. Ngunit nagawa nila itong mahati. Mahirap talunin ang kanilang hukbo, o kung hindi man, hindi matatalo. -sabi ni Haring Alejandro

Walang hukbong hindi natatalo kamahalan. Kailangan lang alam mo ang kanilang kahinaan. -sabi ni Punong Ministro Diego

Alam ko rin iyon. Kaya lang. -sabi ni Haring Alejandro

Kaya lang ano, Kamahalan? -sabi ni Punong Ministro Diego

Nangako ako sa kapatid ko, na hindi ko didigmain ang Sodargas malibang sila ang mauna. Yun man lang pangakong iyon ay matupad para sa kapatid ko. -sabi ni Haring Alejandro

Nauunawaan ko Kamahalan. Bagama't talagang magiging banta sa Oyarac ang Prinsesang iyon. Pero kamahalan. Alam mo ang kayang gawin ng iyong mga kakampi. Kahit hindi mo sila pinayagan. Gagawin nila iyon, alang-alang sa iyo at sa Kaharian. Kailangan mo silang pigilan kamahalan. -sabi ni Punong Ministro

Buti nga at nandito ka. May ipag-uutos ako. Pero ang kautusang ito ay hindi nangyari. Ipaalam mo sa mga espiya ng Prinsesa ang balak na pagpatay sa kaniya. -sabi ni Haring Alejandro

Pero kamahalan. Isang kaliluan ito. -sabi ni Punong Ministro

Kaya nga hindi ito nangyari diba? At ano ba ang kaliluan, ang iiwas ko ang kaharian sa gulo, o hanapan ko ito? Humanap ka ng mapapagkatiwalaang mga tao, upang itawid ito sa Prinsesa. -sabi ni Haring Alejandro

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon