I . The Reveal
Ang Prinsesa nga at ang Reyna ay nagtungo sa isang burol, kung saan tanaw ang magandang kaparangan at ang Porto Nreb. Manghang-manghang nga ang Prinsesa sa kaniyang natatanaw. Wala kasing ganoong tanawin sa Odacrem. Unang beses nga niya itong nakita, at siya'y manghang-mangha.
Habang nakatalikod nga ang Prinsesa, ay kumuha ng panaksak ang Reyna. Sa burol nga ay may bangin. Sa pagharap nga ng Prinsesa sa Reyna ay agad niya itong sinaksak. Napatingin nga ang Prinsesa sa kaniyang dibdib at doo'y nakatarak ang isang panaksak. Muli siyang tumingin sa Reyna at nagtanong:
Bakit Kamahalan? –sabi ni Prinsesa Nina
Pagkabanggit niya nga noon, ay itinulak siya ng Reyna sa bangin at siya'y nahulog. Tinignan nga siya ng Reyna at nakita ang Prinsesa na nakahiga sa kaniyang kinahulugan. Bumaba nga ang Reyna sa kinahulugan ng Prinsesa. Nakita niya nakahiga ang Prinsesa, na dilat at tila patay.
Mukhang nagkamali yata ako. Paano ngayon ito? –sabi ni Reyna Anna
Naglakad nga palayo ang Reyna, iniisip kung ano ang kaniyang gagawin. Tiyak magagalit sa kaniya ang kaniyang kapatid. Ngunit ang tiyak na galit na galit sa nangyari, ay walang iba kundi si Prinsesa Nina. Sobrang galit niya ay nagbago siya ng anyo, Namuti ang kaniyang buhok at namula ang itim ng kaniyang mata. Sinalakay niya nga Reyna habang nakatalikod ito
Bakit?! Bakit?! –sabi ni Prinsesa Nina sa mala-halimaw na boses
Bagamat may duda na nga ang Reyna, ay nagulat pa rin siya kaniyang nakita. At nagtataka kung bakit ganoon ang nangyari. Masyadong malakas nga ang suntok na binibitawan ng Prinsesa at panay ang iwas na kaniyang ginagawa. Siya man ay nagbagong-anyo. Pagkakataon naman ng Prinsesa para magulat.
Kamahalan, ganito ka rin? –sabi ni Prinsesa Nina
Oo, pero ikaw. Paanong? –sabi ni Reyna Anna
Pareho nga silang kumalma. Ipinaliwanag nga ng Reyna na sinusubok lamang siya nito. Nagtaas nga ng boses ang Prinsesa sa Reyna.
Marami namang paraan para subukin niyo yun ha! –sabi ni Prinsesa Nina
Akma pa ngang susuntukin niya ang Reyna matapos niyang sabihin iyon. Nagulat nga ang Reyna sa kaniyang ginawa. Nahimasmasan nga lang siya nang maalala niya kung sino ang kaniyang kausap at kalagayan niya.
Patawarin niyo ako Kamahalan. –sabi ni Prinsesa Nina
Wala pang gumawa sa akin niyan, maliban doon sa batang taga-Odacrem. Ikaw nga talaga ang batang iyon. –sabi ni Reyna Anna
Patawad muli Kamahalan. –sabi ni Prinsesa Nina
Ang pinagtataka ko lang, lumitaw ang ganitong kapangyarihan sa angkan ng Ran. Pero ikaw ay taga-Odacrem. –sabi ni Reyna Anna
Hindi ba't mula rin kayo sa angkan ng Yan, Kamahalan? –sabi ni Prinsesa Nina
Ang aking ina ay mula sa angkan ng Ran. At ang angkan Yan ay isang angkan na sumanga mula sa angkan ng Ran, na ibinigay ang pamamahala sa Porto Emor mula nang umpisa ng Kaharian ng Sodargas. Pero ikaw, paano kang nagkaganito? May dugo ka rin ba ng Ran na hindi ko alam? –sabi ni Reyna Anna
Gaya mo Kamahalan. Hindi ko rin alam ang kasagutan. –sabi ni Prinsesa Nina
Bumalik nga sila patungo sa Nilreb. Ngunit aabutan na nga sila ng dilim, at nasa labas pa lang sila ng hangganan ng Nilreb. Tinanong nga ng Prinsesa ang Reyna ng ganito:
Kamahalan, bakit kayo nagtungo sa Oyarac matapos nang kaguluhan sa Porto Emor? –sabi ni Prinsesa Nina
Humingi ng tulong ang Hari ng Oyarac. Nagkaroon ng kudeta. –sabi ni Reyna
BINABASA MO ANG
STORY NO. 41 (ON-GOING)
General FictionWho will survive in the war of the Three Kingdoms in Adivaria? Asonipse? Sodargas? Oyarac?