Part 16.4. Sowing Seeds of Discord

27 1 0
                                    


II.

Second Western Adventure

Ang Reyna nga ay nakatanaw pa rin si direksyon ng Sodargas, mula sa palasyo ng Alinam. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang tumigil ang pagtanggap niya ng ulat mula sa Sodargas. Labis nga siyang nag-aalala mula ng tumigil ang pag-uulat.

Binibining Anna -sabi ng tagapaglingkod

Ano iyon? -sabi ni Reyna Anna

Oras na po para magtungo kayo, sa seremonya ng pagtatalaga sa inyo bilang konkubina ng mga Hari. -sabi ng tagapaglingkod

Hati nga ang Konseho ng Asonipse, na kilalanin si Anna bilang konkubina ng mga Hari. Pareho ngang ibig kilalanin ng dalawang Hari si Anna, bilang Reyna. Ngunit doon nga hindi nagkasundo ang konseho. Ang iba ay ibig lamang na maging konkubina si Anna, dahil alam nila na siya'y isang patutot ng una. Ngunit ang ilan naman, na dahilan kung bakit siya nakilala ng Hari, at mga nakasiping niya rin, ay ibig siyang maging Reyna. Ayaw nga itong pag-usapan ng Konseho, dahil sa patutot nga siya. Ngunit dahil nagdadalang tao na si Anna, ay minarapat na nilang maglagay ng pagkakilala. Nanaig nga sa Konseho ang ibig na siya ay maging konkubina lamang. Ang mga hating iyon, ay hati rin ng mga taga-suporta ng mga Hari. Ang mga ibig suportahan si Anna na maging Reyna, ay taga suporta ni Haring Joaquin, at ang mga tutol ay taga-suporta ni Haring Julian.

Nanganak nga si Anna na gaya ng mga Hari ay kambal. Ngunit hindi nga alam kung sino ang ama. Iyon ay dahil kapwa siya sinipingan ng mga ito. Bagama't nagkaisa ngang sandali ang mga kasapi ng Konseho, ang panganganak nga ni Anna ng kambal ay makakahadlang sa ibig mangyari ng parehong panig. Hindi nga magkasundo ang parehong Hari sa mga patakaran ng Kaharian. Ngunit walang nakakalamang sa kanila sa pulitikal na puntos. Natatakot nga kapwa si Haring Joaquin, at ang kaniyang mga kapanalig na sila ay humantong sa digmaang sibil. Ayaw niya nga iyong mangyari. Kaya't ipinanukala nga niya sa kaniyang mga kapanalig na hatiin ang kaharian sa dalawa. Ang bagay na iniwasan niyang mangyari sa pasimula, kaya binago niya ang kasulatan ng tagapagmana. Pilit niya ngang inililihim ito upang sabihin lamang sa kaniyang kapatid ng personal. Ngunit may napagsabihan siyang hindi niya dapat napagsabihan. Si Anna.

Dahil nga si Anna ay konkubina lamang, ay hindi siya nakatira sa palasyo. Dahil nga doon ay lagi niyang pinupulong ang lihim na konseho. Nang mahigpit nga ang pagbabantay, ay ginagawa niya ito sa pamamagitan kundi ni Baldomero, ay ni Balduino. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, ay pinulong niya ng personal kaniyang lihim na konseho. Ito nga ay binubuo ng mga espiya ni Almario, na nandoon sa Asonipse at Odacrem.

Ano ang gagawin natin, Kamahalan? -sabi ng kasapi ng lihim na konseho

Ano pa nga ba, kundi ihanda ang aking daan patungo sa trono. Gagawin ko ang aking bahagi, at gawin niyo din sa inyo. Isasagawa na natin ang paghati sa mga Hari, at pananatiling isa ng Kaharian. -sabi ni Reyna Anna

Nagbunga na ang pakikisama ng Reyna sa mga Hari, sa dalawang paraan. Ng mga anak, at kaalaman. Nais nilang hatiin ang kaharian. Upang maiwasan ang digmaang sibil. Hindi natin iyon hahayaang mangyari. -sabi ni Baldomero

Magpapalitan kayo ng kaalaman, ukol sa mga taong binabantayan niyo, at gagamitin niyo iyon, para lalo silang hindi magkasundo. -sabi ni Reyna Anna

Gagawin naman namin, kaming tatlo ng Reyna ang aming bahagi, sa mga Hari. -sabi ni Balduino.

At bilang bahagi ng paghahanda. Nais kong linisin niyo ang reputasyon ko. Lahat ng nakakilala sa akin bilang patutot, ay linisin niyo. -sabi ni Reyna Anna

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon