Part 12. A Lover's Death

58 1 0
                                    


Kinakabahan nga ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa ilog, kapwa sa panig ng Sodargas at Odrave. Balitang-balita nga ang kamatayan ng inang Reyna Anastasia sa Odrave, na kapatid ng Haring si Antonino. Ang pangamba nga sa Odrave ay ang paghihiganti na gagawin ng Hari.

Pagtingin naman nila sa Kanluran ay nandito ang Sodargas, na laging may usok na nakikita sa kabilang panig, sa kada isang kilometro. Ito nga ay dahil nagkakampo na dito ang hukbo ng Sodargas, upang maghanda sa pagsalakay, o sa pagtatanggol. Natatakot nga sila na mapagitna sa digmaan.

Ngunit ang katotohanan, ay mahina sa kaniyang sarili para lumaban sa Sodargas ang Odrave. Ang mga mamamayan naman ng Sodargas, ay tila ibig magpahinga sa pakikipagdigma muna, at ayaw pang magkaroon na naman ng digmaan muli. Hindi nga ito kailangan ng Sodargas sa panahong ito, dahil hindi banta ang Odrave. At saka ang dismaya nga ng mga Heneral, ay tumawid sa mga kawal, at sa mga kamag-anak ng mga pumanaw na kawal. Ang hindi nga pagsakop sa Oyarac.

Ibinalita nga ni Almario ito sa Reyna nang minsang ipatawag siya ng Reyna. Nalungkot nga ang Reyna sa pagkarinig nito kay Almario, at pumatak ang luha sa kaniyang mata. Dumating nga si Claudio sa pagkakataong iyon. Nakita niya ang pagluha ng Reyna.

Ang problema nga lang ni Reyna Anna, ay natatakot siya sa maaaring pagganti ng Odrave. Ayaw niya rin namang maunahan siya kung sakali, at masumpungan din siyang hindi handa. Pero ang pulso ng bayan ay taliwas sa kagustuhan niya.

Iyon din nga ang problema ni Haring Antonino. Nauunawaan nga ng mga mamamayan ang kaniyang pagluluksa para sa kaniyang kapatid. Pero ang mga umuwing kawal, ay ikinalat ang kwento ng kung gaano kalakas ang Sodargas. At ang mga mamamayan, ay ayaw makipagdigma sa kanila. Isang bagay nga ang tumakbo sa isip ng dalawang Hari. Isang kasunduan ng hindi pagsalakay.

Ipinatawag nga ng Reyna ang kinatawan ng embahada ng Odrave. Ipinabatid niya kay Haring Antonino, ang pagnanais na magkaroon ng kasunduan ng hindi pagsalakay. At nagkaroon ng kasunduan ng hindi pagsalakay. Isa nga sa nakapaloob dito, ay ang mga mangangalakal, ay hindi maaaring pumasok sa loob ng parehong Kaharian. Mananatili lamang sila sa mga pantalang palengke. Tanda nga ito na parehong ayaw ng mga Hari ng gulo, at wala ding tiwala na sa isa't isa. Kinausap nga ni Pedro ang kaniyang pinsang Hari.

Hindi ko akalaing pareho kayo ng iniisip ng Reyna ng Sodargas. Marahil ay may problema din siya sa kaniyang bakuran. Pero hindi naman mahina ang kanilang hukbo. Ano kaya ang problema niya? –sabi ni Pedro

Hindi ang lakas ng hukbo ang problema ni Reyna Anna. Ang kaniyang kaharian, matapos niyang talunin ang Oyarac, ang masasabing pinakamalakas na hukbo ngayon sa buong Adivaria. Ang problema niya ay ang mga tao. Marami ang nadismaya sa kaniya, ng hindi niya sakupin ang Oykot. Lalo na sa mga namatayan ng kamag-anak, na hindi kakaunting mga tao. Hindi makakakilos agad si Reyna Anna. –sabi ni Haring Antonino

Ano kaya ang susunod niyang gagawin, Kamahalan? –sabi ni Pedro

Diktador si Reyna Anna. Hindi niya titiisin ang mga ganitong paghadlang. Maaari tayong makabalita ng isang lihim na pagpurga, sa kaniyang mga Heneral. Upang malaman ng lahat na hindi siya dapat tutulan. Ang panahong ito ay ang tunay na paghahari ni Reyna Anna. Wala na si Crisostomo para kontrolin siya. Wala na rin ang kapatid ko para pigilan siya. –sabi ni Haring Antonino

Ano kaya kung makipag-ugnayan tayo sa Prinsipe? Ilagay natin siya sa trono, gaya ng plano ng kapatid mo. –sabi ni Pedro

Huli na ang lahat. Walang tiwala sa atin ang Prinsipe. Lalo ngayon at namatay ang kapatid ko. At hindi na rin siya nakalinya sa trono. Pinatalsik na siya. Wala na tayong pakinabang sa kaniya. Hayaan mo na siya. –sabi ni Haring Antonino

STORY NO. 41 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon