KABANATA 38

3.8K 222 20
                                    

[38] Terenz Dimagiba

Kabado akong nag-aabang sa kung ano ba ang balak ni Kit. Nakapiring ngayon ang mga mata ko at narinig ko siyang lumabas at pumaikot kung nasaan ako. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa pwesto ko ay kaagad kong hinanda ang aking sarili.

"Come," aniya sabay hawak sa isa kong kamay. "Baby, it'll be alright. I got you."

Nagpatianod ako sa kaniya kahit nangangapa ako sa dilim. Hindi ko maiwasang kabahan dahil wala akong nakikita, pero naroon din ang excitement sa kung ano ba ang surpresa niya.

Hawak niya nang mahigpit ang aking kamay habang ako ay inaalalayan. Napakatahimik ng buong mansiyon, naiisip ko pa nga kung wala ba rito sila Nanay? O kung kasabwat ba sila sa surpresa na ito? Hinanda niya habang nasa unibersidad pa ako? Hindi ko maiwasang makadama ng init sa aking puso.

"Okay, we're here. Are you ready?"

Tumango ako. "O-Oo..."

Naramdaman kong pumwesto siya sa aking likod. Pakiramdam ko ay malapit kami sa pool dahil naaamoy ko ang tubig noon. Nandito kami sa likod ng mansiyon. Nang alisin niya ang piring ko, unti-unti kong nakita na tama nga ako. Ngunit ang kinamangha ko lamang ay kung ano ang naroon!

"A-Ano 'to?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Nagustuhan mo ba?"

Yumuko siya para halikan ako sa gilid ng aking ulo. Naluluha ako. Napakaganda ng paligid. May mga kulay ginto na ilaw, pati ang pool ay may ilaw. Sa gilid ay may lamesa at dalawang upuan kung saan may nakahain na mga putahe. Ang sahig ay may nagkalat na mga bulaklak. Napakaganda!

"Ang ganda... Kanina mo lang ba ito ginawa?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Nakita ko ang pamumula ng magkabila niyang tenga at paghimas niya sa kaniyang batok. May nahihiyang ngiti sa kaniyang mga labi. Para siyang teenager na nahihiya sa crush niya. Ang cute.

"Yes. Tinulungan ako nila Nana."

Tumingin siya sa loob ng mansiyon at nang lumingon din ako ay roon ko nakita sila Nanay Matilda na masayang nakatanaw sa amin. Ngumiti at tumango si Nanay sa amin habang ang ibang kasambahay ay tila nanunukso. Nahihiya akong yumakap kay Kit na noo'y natatawang yumakap pabalik sa akin.

Iginiya niya ako papunta sa lamesa kung saan may nakahain nang pagkain. Nagulat pa ako nang bigla ay may lumitaw na bungkos ng mga bulaklak sa harap ko. Naluluha akong tumingala sa kaniya. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Alam ko na hindi pangkaraniwan sa isang lalaki, pero nakararamdam ako ng kilig na kadalasan ay nadarama ng isang babae sa isang lalaki.

"Salamat," ani ko pagkatanggap sa mga bulaklak.

Lumuhod siya sa harap ko gamit ang isang tuhod. Kinuha niya ang kamay ko na hindi nakahawak sa bulaklak at hinalikan iyon. Kung may isasaya pa ako ngayon ay wala na yatang katumbas. Ganito pala ang pakiramdam na iparamdam sa iyo ng isang tao na espesiyal ka sa kanila.

"This is the first time I've ever have an intimate dinner date like this; ang usual kasi sa labas." Ngumiti siya. "But with you, I want to have every first time. I want to do it together at  sinisigurado ko na marami pa tayong pagsasaluhan na magkasama. Renz, I couldn't thank God enough for giving you to me. Thank you for staying, thank you for being patient, and thank you for waiting. We are official; you're mine and I am yours. I want us to celebrate it this very night."

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko na mabilis niya ring sinalo at pinalis. Kita ko ang kinang at tuwa sa mga mata niya. Masaya ako. Sobrang saya ko na ako ang dahilan kung bakit nanumbalik ang saya na iyon sa mga mata niya. Wala nang mas sasaya pa na makita ang taong mahal ko na narito ngayon sa harap ko at nagpapasalamat dahil napunta ako sa kaniya.

"Salamat din. Salamat at minahal mo rin ako, Kit. Kahit sobrang hirap ang mahalin ka, kahit nawawalan na ako ng pag-asa kahihintay, kahit sapat na sa akin noon na masaya ka sa taong mahal mo, nanatili ako. Dahil mahal kita. Hindi rin ako makapaghintay na maranasan lahat ng una ko na kasama ka. Mahal kita."

"Damn."

Mabilis siyang tumayo mula sa pagkaluluhod at niyakap ako ng sobrang higpit. Yumakap din ako pabalik. Para bang sa yakap namin ay ayaw na naming pakawalan ang isa't-isa. Habang buhay kong itatatak ang unang gabi na ito na akin siya. Hinding-hindi ko ito makakalimutan anuman ang mangyari sa hinaharap.

"Let's eat," aniya pagkahiwalay namin sa yakap.

Masaya naming pinagsaluhan ang gabing iyon. Ayaw ko na nga lamang matapos. Dagdag pa na ang gwapo-gwapo ng ka-date ko. Sa lahat ba naman ng nangyari, sino ang mag-aakala na mauuwi kami sa ganito? Pakiramdam ko nga nananaginip lamang ako.

"I want to do something for you. Wait here," bigla niyang sabi pagkatapos naming kumain.

Nagtataka ako na sinundan siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng mansiyon at may inabot sa kaniya si Nanay. Ang ibang kasambahay ay tila biglang na-excite at nagsipwesto sa labas, hindi kalayuan sa amin. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko pagkabalik niya.

"It's been so long since I hold this guitar kaya hindi ko alam kung malakas pa ba ang dating ko sa ganito," nangingiti niyang saad.

Mula sa isang itim na lalagiyan ay kinuha niya roon ang isang gitara. Halatang kakapalit lamang ng mga strings noon. Nakita kong sinipat niya muna iyon bago hinila ang upuan niya at pumwesto sa harap ko. Kumislap ang mga mata ko sa antisipasiyon.

Haharanahin niya ako!

Tumikhim siya bago ngumiti sa akin. "I rarely sing in front of the people, but if I do, I just want to do it in front of the one I love. Gusto ko ikaw lang ang makaririnig at makakikita. I just want this moment for you and me only, baby."

Nais bumuka ng bibig ko para magtanong kung nagawa na rin ba niya iyan noon kay Sir Ellie, pero ayaw kong sirain ang momento na ito. Sigurado ako na narinig na rin ni Sir Ellie na kumanta siya, pero ang pag-awit niya ngayon ay para sa akin. Gusto kong marinig ang awitin niya. Gusto kong namnamin ang boses niya.

Ngumiti ako sa kaniya pabalik at hinintay na galawin ng mahahaba niyang mga daliri ang strings. Kaagad na nangibabaw sa paligid ang malamyos at marahan na awitin.

"I found a love... for me..."

Nang marinig ko ang malalim at malamig niyang boses, nahigit ko na ang aking hininga. Iyon pa lamang ay nakuha na niya kaagad ako! Si Sir Pancho, kumakanta talaga ngayon sa harap ko at ang ganda ng boses niya. May natuklasan na naman ako sa taong mahal ko.

"Baby I'm dancing in the dark..."

Mahal na mahal talaga kita, Pancho Kit Del Mundo.

[Itutuloy]

----

AN: Sanahalls naman Terenz matamis ang Feb-Ibig. Sarap-sarap muna kayo riyan at mahaba-haba pa ang prosesiyon. Tapos sa dulo may naghihintay sa inyo... charss. XD #bitterako

Miss you, loves. :*

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon