[20] Pancho Kit Del Mundo
Me and Terenz... we started to avoid each other since that day. Well, that's convenient I guess. Alam ko na may iba pa siyang rason kung bakit niya ako iniiwasan—even before that kiss happened. Mabuti na lamang at wala naman yata ni isa sa mga kasamahan namin sa bahay ang nakakapansin. The only thing I can't tolerate right now is my guilt for Ellie.
"Pancho?"
Natigilan ako sa pag-iisip sa nangyari sa amin ni Terenz kanina at kinakabahan na nag-angat ng tingin kay Ellie. Kakatapos lang niyang maligo and he looked so confused while looking at me. Ramdam ko na magkadikit ang kilay ko at siguro ay litong-lito ang expresiyon sa mukha, kung kaya sinubukan kong mag-relax at bigyan siya ng ngiti.
"Hey, babe. Looking good, huh?" pilyo kong sabi habang hinahagod siya ng tingin.
Tinapon niya sa akin ang isang unan mula sa kama na mabilis kong kinatawa.
Kinalimutan ko ang mga nangyari nang araw na iyon. I made love with Ellie that night to forget that my heart and mind wavered for a bit. Si Ellie lamang ang mahal ko, siya lang. Tinatak ko iyon sa aking puso at isipan na simula nang araw na iyon ay ni hindi ko na tinutukso o pinapansin pa si Terenz. Kinakausap ko lamang siya kapag kailangan, I can't afford to waver again. Not with my Ellie here.
Good thing at iniiwasan niya rin ako.
"Napakabilis ng isang linggo, huh?" Ellie said out of nowhere habang nandirito kami sa aking opisina.
Kakatapos lamang ng aking trabaho pero hindi pa kami umaalis. The old man saw him earlier at nakipagbatian kay Ellie. That old man. Alam ko na ayaw pa rin niya sa relasiyon namin, but good thing hindi naman siya naging kontrabido. Pinapakitunguhan niya naman ng maayos si Ellie eversince pinakilala ko siyang boyfriend ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran habang siya ay nakahilig sa dibdib ko. Damn. Babalik na siya bukas sa New York. A week was really too fast.
"Huwag ka nang umalis babe, please?" I pleaded sabay baon ko ng aking ulo sa kaniyang leeg.
Narinig ko siyang bahagyang natawa, pero hindi ko alam kung bakit bigla ay natahimik din siya. Kaninang umaga ko pa napapansin iyan sa kaniya. Parang malalim ang iniisip. Hindi pa nga niya pinasama si Terenz sa amin ngayon sa hindi ko alam na dahilan, pero ayos lang naman sa akin. May masama lamang talaga akong kutob. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
"Promise me na hindi ka na mangmamaliit ng iba lalong-lalo na sa mga kagaya ni Terenz, Pancho. Ayusin mo na rin ang relasiyon mo sa Daddy mo. Hindi magiging masaya ang Mommy mo niyan. I want you to be a more matured, fine, man, when I see you again."
Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya bago niya ako inayang umuwi.
When we got home, doon ko lamang lubusang naintindihan ang lahat. I looked at Ellie with so much awe, no words left my mouth. Kaya pala dinelay niya ang pag-uwi namin dahil may pinaghandaan siya.
Naglakad si Ellie sa pathway na pinunuan ng mga maliliit na ilaw. Nagtapos iyon sa mini-gazebo ng garden sa mansiyon. Nangingibabaw ang isang instrumental na tugtugin sa paligid at tila ay kaming dalawa lamang ang narito ngayon. Marahan akong naglakad patungo sa kung saan siya. Light illuminated his face that made me fall all over again. My Ellie's so beautiful.
Pagkalapit ko sa kaniya ay kaagad kong ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang bewang. I kissed his forehead; his nose, then his lips.
"Kaya pala ha? May pa-surprise pala ang mahal ko," tukso ko sa kaniya that made him giggle.
Pinakatitigan niya ako. Sa likod ng kumikinang niyang mga mata ay may nakatago pa roong ibang emosiyon, pero ipinasawalang bahala ko iyon. I am too happy to mind whatever it is.
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Ficción GeneralCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...