KABANATA 25

4.5K 264 51
                                    

[25] Terenz Dimagiba

"I don't want anyone looking down at you like that again."

Sa kaseryosohan ni Sir ay hindi ko kaagad nagawang makapagsalita. Napayuko ako at matagal na napatitig sa sahig. Isang napakagandang oportunidad ang sinabi niya lalo na at kakaunti pa lang ang naipon ko para sa pag-aaral. Isa pa, pinag-aaral ko rin ang kapatid ko.

"P-pero paano po ang trabaho ko sa iyo, Sir?"

Bumuntong hininga siya. "I won't let you work during your time for school. Kapag wala kang pasok o importanteng assignments at project, you work."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Ang makapagtapos ay matagal ko nang binitawan. Kahit gaano ko man kagusto noon, kapag nakikita ko ang sitwasiyon ng aming pamilya at paghihirap nila Tatay ay kinalimutan ko na ang mga pangarap ko. Siguro naman ngayon hindi masama na muli ay hilingin ko iyon?

"P-pinapangako ko Sir na hindi ako babagsak. Magtatapos po ako at kapag nangyari iyon ay babayaran —"

"Okay enough. Ang pagseserbisyo mo sa akin ay sapat nang kabayaran, Renz. You've done more than enough, really." Ngumiti siya sa akin. "This is what you deserve for all of that."

Nilabanan ko ang maiyak sa harap ni Sir noon. Hindi ko aakalain na makakakita ako ng pag-asa para sa pangarap ko. Ang bagay na akala ko ay kailangan ko nang bitawan, ngayon ay mapapasakamay ko ulit. Kailangan kong makatapos para sa mga pangarap ko, sa pamilya ko, at para sa kabutihang ito na pinagkaloob sa akin ni Sir Pancho.

"Talaga anak?" rinig na rinig ko sa boses ni Nanay ang kasiyahan noong tinawagan ko siya.

"Opo, Nay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala."

"Naku! Kung kaya lang namin lumuwas diyaan ay papasalamatan namin siya ng personal. Masaya ako para sa'yo anak! Galingan mo, ha?"

Napangiti ako sa sinabi ni Nanay. Ginawa iyon para sa akin ni Sir Pancho. Walang masisidlan ang tuwa na nadarama ko.

"Kaya nga, Nanay. Alam ko na malungkot pa rin si Sir sa nangyari sa buhay pag-ibig niya, pero masaya ako sa pagbabago niya."

Narinig ko ang bahagyang pagtahimik ni Nanay sa kabilang linya, kasunod noon ay ang malakas niyang buntong hininga.

"Sa totoo lang, naaawa talaga ako sa batang iyan. Mahal na mahal pa naman ni Kitarina iyan. Nawalan na siya ng ina at ngayon ang taong labis niya kamong minahal naman. Walang yaman na katumbas ang sakit niyan."

Hindi ako nakatugon sa sinabi ni Nanay. Kahit noong iniba na namin ang usapan at nakisali na rin sila Tatay maging si Buboy, hindi na nawala pa sa isip ko ang sinabi niya.

Naikuwento ko kila Nanay ang tungkol sa pag-iwan kay Sir pero hindi ko sinabi na si Sir Ellie iyon at isa pang lalaki. Lalong-lalo na hindi ko masabi ang sarili kong nararamdaman. Natatakot ako. Paano kapag nalaman nila Nanay at Tatay na sa lalaki ako nagkagusto at sa amo ko pa? Paano kung hindi nila matanggap iyon?

Natatakot ako. Maging ang malaman ito ni Sir at natatakot ako.

"Kailangan ko na isara ang mga pinto."

Dito ko kasi kinausap sila Nanay malapit sa pool ng mansiyon. Sinabi ko kay Nanay Matilda kanina na ako na magsasara ng mga pinto. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na ang isang pigura sa sala. Nakaupo siya sa may bintana at nakatanaw sa kalangitan habang hawak ang isang babasagin na baso na may kulay pula na inumin.

Kahit madilim sa buong sala, kilalang-kilala ko pa rin siya kahit sa dilim. Kitang-kita ko kung paano rumepleka ang sinag ng buwan sa kaniyang mukha at kung paano noon inilalabas ang malungkot niyang expresiyon.

Ano ang iniisip mo? Nasasaktan ka na naman ba? Naaalala mo na naman ba siya? Inaalala mo na naman ba ang araw na kayo ay naghiwalay? Nais kong isatinig iyon lahat, pero nakikita ko pa lamang ang lungkot sa kaniyang mga mata ay sapat na para masaktan ang puso ko.

"Sir Pancho..." mahina kong bulong sa kaniyang pangalan.

Nakita ko na mula sa pagkakatingala sa kalangitan ay nalipat ang kaniyang paningin sa aking direksiyon. Sa pwesto ko ay hindi abot ang sinag ng buwan, kung kaya hindi ko alam kung naaaninag niya ba ako.

"Terenz?"

Bahagya akong napatalon nang banggitin niya ang aking pangalan. Marahan akong humakbang palapit sa pwesto kung saan saklaw na ng liwanag ng buwan. Doon ay malaya kaming nagkatinginan sa isa't-isa.

Rumehistro ang isang ngiti sa kaniyang labi pagkakita sa akin. "Bakit gising ka pa?"

"T-tumawag po kasi ako kay Nanay." Napayuko ako.

"I see..."

Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin pagkatapos noon. Nagnakaw ako ng tingin sa kaniya at nakita ko siyang uminom sa hawak na inumin. Pagkababa niya noon ay tahimik niya lamang na tinitigan ang hawak na baso.

"Hindi ka po ba makatulog?" bigla kong naitanong.

Tumingin siyang muli sa akin, isang mapait na ngiti ang makikita sa kaniyang labi. "Don't worry about me. Ganito lang talaga lagi ako kapag may iniisip. I was like this when my Mom died. I'll be fine. Kailangan ko lang na makalimot ng tuluyan."

Nanubig ang aking mga mata at nanlabo siya sa aking paningin. Bakit ganoon? Siya ang nasasaktan pero ako ang gustong maiyak? Paano ko ba siya matutulungan na makalimot para hindi na siya masaktan pa ng ganito?

"K-kung kailangan mo po ng m-masasandalan, nandirito lang po ako, Sir," ang bigla kong nasabi.

Maging ako ay nagulat sa sariling sinabi at hindi lang siya. Nais ko mang bawiin, klaro na niya iyong narinig. Mas nahiya ako nang marinig ko ang mababaw niyang tawa.

"You also said that before. Thank you, Terenz. Kahit na naging masama ang pakikitungo ko sa'yo noon ay napakabait mo pa rin sa akin." Napawi ang ngiti niya at seryoso akong tinignan. "Maswerte ang taong mamahalin mo."

Nagulat ako roon. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso. Matagal kaming nagkatitigan at nais ko mang iiwas ang aking paningin ay hindi ko nagawa.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't-isa kahit noong tumayo siya at lumapit sa akin. Iniwan niya ang kaniyang inumin sa pwesto niya kanina para makalapit sa akin. Hindi ako nakagalaw. Ni umatras ay hindi ko nagawa. Pigil ko ang aking hininga habang hinihintay siya.

Nang nasa harap ko na siya ay saka lang siya nagbaba ng tingin. Sinundan ko ang kaniyang tinitignan at dumapo iyon sa aking labi. Umangat ang mga kamay niya at nang madama ko ang init ng palad niya na sumakop sa aking mukha ay tuluyan akong napapikit. Amoy ko ang alak mula sa kaniya. Dama ko na ang mainit niyang hininga. Hanggang sa hindi nagtagal ay nagtagpo ang aming mga labi.

"Open your mouth, Renz," bulong niya habang dinadampian ng halik ang ibaba kong labi.

Sinunod ko siya at nang madama ko ang pagpasok ng dila niya sa akin ay nanghina ako. Napakapit ako sa leeg niya at dumiin ang aking pagkakapikit. Naramdaman kong bumaba ang mga kamay niya mula sa aking mukha at pumaikot sa aking bewang. Siya ang una kong halik at sa kaniya ko rin muli naranasan ang halik na tila kinukuhaan ako ng hininga.

Matamis. Masarap. Ang pinakauna naming malalim na halikan ay lasang alak.

Nang magkahiwalay ang aming mga labi ay saka ko lang naalala na huminga. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko rin ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib. Kagaya ko, nakikita ko rin sa kaniyang mga mata ang kaniyang pagnanais. Gusto ko pa. Gusto rin niya.

"If you don't want this, please say no," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata.

Humigpit ang kapit ko sa kaniyang leeg at kahit nanginginig ay sinubukan kong abutin ang kaniyang labi. Napayuko ako pagkatapos, malamang ay namumula na ang aking mukha.

Narinig ko siya na tila nagmura. "Don't blame me for this."

Hindi na ako naka-imik pa noong bigla ay binuhat niya ako at dinala sa kaniyang kwarto.

[Itutuloy]

AN: Yes or No? 👀 Comment below kung paano  ang gusto niyong mangyari next chapter HAHAHA! 🙈💆

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon