[17] Terenz Dimagiba
Nagising ako kinaumagahan na kulang sa tulog. Ayaw ko pa nga sanang bumangon ni gumalaw sa araw na iyon, pero may trabaho pa ako. Ito ang disadvantage mo kapag mahirap ka. Sa ayaw at gusto mo, kailangan mong bumangon para mabuhay. Isa pa, malapit na ang pasukan at kailangan makapadala pa ako nang marami rami kila Nanay para sa enrollment ni Buboy.
Kahit hindi ako nakatungtong nang kolehiyo, basta mapatapos ko lang si bunso, tila diploma na rin sa akin iyon.
Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili para simulan na ang aking araw. Palabas na ako noon sa aking silid ng sa pagbukas ko ng aking pinto ay nagkagulatan pa kami ni Sir Pancho. Nakataas pa ang isang kamay nito, naputol ang gagawin sanang pagkatok.
Siya ang unang nakabawi habang ako ay muntik nang bumigay ang tuhod. Alam ba niya na siya ang dahilan kung bakit kulang ako sa tulog? Muntik ko na siyang masampal sa gulat kanina.
"Good, you're up. " bati nito, walang manlang goodmorning.
"Goodmorning Sir." ako na ang nag-adjust, nakakahiya naman kay senyorito.
Wala sa sarili na bumaba ang aking paningin at doon lamang napansin na wala pala itong suot na pang-itaas, tanging isang itim lamang na pajama, kung kaya lumantad sa aking harapan ang mamasel at mapandesal nitong laman. Nanlalaki ang mga mata na napalunok ako ng maraming laway bago muling ibinalik ang paningin sa kaniyang mukha. Naalala ko ang kahalayan ko kagabi at naramdaman ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi. Pwede ba na i-umpog ko muna ang aking ulo sa pader?
"Magluto ka nang agahan and uh...we'll go down at 7:30." utos nito na kinakunot ko nang noo.
"Para kay Sir E-Ellie po ba?" hindi ko alam kung bakit nanginig ang boses ko sa pagbanggit nang pangalan nang syota nito.
"For the two of us."
"Po?" natigilan ako. "Hindi po ba hindi kayo kumakain nang umagahan sa umaga?"
Diba nga strikto ito sa katawan niya? Iyon ang lagi niyang bilin na huwag magluto sa umaga. Ayaw ko naman na ipakain niya muli sa aso ang effort ko.
"It's different when he's here." ngumiti ito ng kaytamis sa aking harapan na muntik pang ikaluwa ng aking mga mata, napansin niya yata kaya biglang sumimangot. "Huwag ka na tanong nang tanong. Kilos na, bilis!"
Napakilos naman ako kaagad dahil nagsusumuplado na naman ito, pero napapreno ako bigla nang hinigit ako nito sa braso. Kinagulat ko iyon.
"Wait." anito. "Are you okay? You look like...shit." nakangiwi nitong sabi at hinaplos pa ng kaniyang palad ang aking noo!
Pur diyos por santo. Mahabaging langit. Gugunaw na ba ang mundo? Si Sir Pancho ba talaga ito?
Ninamnam ko ang haplos niyang iyon habang nakatulala lang ako sa kaniyang mukha. Haplos niya pa lamang, parang mapapluhod na ako sa kaniya. Sobrang bilis nang tibok ng aking puso. Tila may mga kabayo na pumapadyak padyak doon.
Ganito ba ang sinasabi nilang... crush? Feeling ko naging normal na tao na ako bigla. Dati kasi wala akong nararamdaman na ganiyan doon sa amin. Kahit sa mga nagagandahang dilag doon. Kaya minsan naiisip ko abnormal ako. Kaya ang makadama nito ngayon ay lubusang nagpapasaya sa akin. Pinapasaya ako ni Sir Pancho. Hindi man katanggap tanggap na sa demonyo pa ako nagkagusto, pero ang saya lang pala talaga na makaramdam ng ganito. Alam niyo 'yun? Tila nakalutang ka sa ere.
"A-ayos lang po ako, Sir. Ahm... medyo kulang lang po sa tulog." pagdadahilan ko.
Tumaas ang dalawang kilay niya at inalis na ang kaniyang kamay sa aking noo. Sayang...bitin naman.
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Ficção GeralCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...