KABANATA 5

5.7K 295 20
                                    

[5] Terenz Dimagiba

Dama ang pawis sa buong katawan sa gitna ng tirik na araw, napaupo ako sa may hardin sa labas ng mansiyon dala ng pagod. Halos manuyo na ang aking lalamunan dahil sa ginagawang pagupit at pagdidilig ng mga pananim sa palibot ng mansiyon. Si Nanay Matilda naman ang nagpresinta na maglilinis sa loob ng mansiyon ngayon kung kaya naisipan ko na pagtuonan muna ng pansin ang hardin. Ani kasi ni Nanay Matilda, ayaw daw ni Sir Pancho na may makitang isang utusan na palaboy laboy lang o halos walang ginagawa. Sayang nga naman talaga ang pinapasweldo mo sa iyong tauhan kapag nakita mo na pa easy easy lang ito.

Narinig kong bumukas ang sliding door sa aking likuran na ikinalingon ko. Hindi kalayuan sa pwesto ko ang swimming pool kung kaya hindi na ako nagulat ng makitang lumabas mula doon ang aking amo na tanging cotton shorts lang ang suot at walang pang-itaas. Hinagis nito ang kaniyang puting cotton na roba sa upuan na nasa gilid ng pool. Infairness, alagang gym nga si Sir, hubog na hubog ang katawan na animo'y iniskulpa ng masinsinan. Halos nagpupumutok ang mga muscle nito at klarong klaro ang ilang patong na abs nito. Kaysa naman sa akin, patpatin. Ano nga ang tamang linya para diyaan? Sana all?

I shrugged my shoulders at babalik na sana sa ginagawa ng matigilan lang ako dahil sa pag ngiti nito pagkatapos tumunog ang kaniyang cellphone. Malamang isang mensahe ang natanggap nito. I saw how he bit his lower lip as he typed something on his phone. He even kissed his cellphone after he finished typing then, he run his long slender fingers on his smooth black hair.

Ah, malamang iyong syota niya na nagngangalang "Ellie" ang dahilan ng labis na galak sa kaniyang mukha.

"What are you looking at, pauper?" anito na nakapagpabalik sa aking ulirat.

Halos tuktukan ko ang aking ulo ng madala ako sa kakatitig sa bawat galaw niya na nakalimutang ko ng umiwas. Tumama ang mga mata ko sa disgusto niyang titig sa akin kung kaya napayuko ako at tahimik na lang na bumalik sa aking ginagawa. Habang tinitignan ko ang marumi kong mga kamay dala ng pagbubungkal sa lupa ng kaniyang lupain, hindi ko masisisi kung madidisgusto siya sa akin. Ito ang buhay ng isang dukha gaya ko kumpara sa buhay niyang namulat sa yaman.

Narinig ko ang tunog ng tubig sa aking likuran hudyat na tumalon na siya sa swimming pool. Tumayo ako at pinagpag ang aking kamay sa kupas ko ng pantalon. Winalis ko muna ang mga patay na dahong pinagugupit ko sa kaniyang hardin bago ko napagdesisyunan na ang kotse naman nito ang aking lilinisin. Ibinalik ko sa bodega sa likuran ng mansiyon ang mga ginamit ko kanina sa paghahardin, hinugasan ang aking kamay sa maliit na gripo malapit doon sabay hinilamusan na rin ang aking mukha. Nakabawas iyon sa lagkit at alinsangan na aking naramdaman.

"Hoy," biglang tawag nito sa akin habang naglalakad ako patungo na sana sa may grahehan nila.

Lumingon ako sa pool at nagbaba ng tingin kung saan siya ay nakapwesto na sa may gilid nito, naka-angat ang ulong nakatingin sa akin. He was dripping wet na tila dumudulas lang ang tila kristal na tubig mula sa kaniyang buhok patungo sa kaniyang maputing leeg hanggang sa mabuhok nitong dibdib.

"Ano po iyon, Sir? " magalang kong tugon.

"Lemonade. Dalhan mo ako ng lemonade dito at ilagay mo diyan sa mesa kung nasaan ang roba ko." pag-uutos nito na walang alinlangan ko namang sinunod.

"Masusunod po."

Ngunit, hindi ko alam kung malas ba ako ngayong araw dahil sa paghakbang ko, nadulas ako sa basang tiles sa gilid ng pool. Dirediretso ang bagsak ko sa tubig na kaylalim pero dahil namulat ako sa dagat, walang kahirap hirap sa akin ang umahon.

"Fuck! How dare you stain the water with your dirt, pauper! " agaran ang salubong ng baritonong sigaw ni Sir Pancho sa akin pagka-ahon ko mula sa tubig.

Kalma Renz, huwag mo siyang sagutin. Pagpapakalma ko sa aking sarili dahil sa maanghang na mga salitang binitawan nito.

"Pasensiya na sir, nadulas po kasi ako." pagpapaumanhin ko kaso, malakas nitong tinampal ang isang kamay sa tubig dahilan para mapapikit ako ng tumalsik ang tubig sa aking mukha.

Mabilis itong umahon sa tubig at namumula ang mukha dala yata ng inis. Kitang kita ko ang pandidiri nito sa kaniyang mga mata. Grabe, ganoon na ba kadumi ang paningin nito sa akin?

"Get off there then change the fucking water, hindi ako maliligo diyan ulit hanggang nandiyaan ang lansa mo. Understood?" walang habas nitong saad kung kaya napapikit na lang ako sa labis na inis.

Umahon na rin ako pagkatapos nitong sumalampak sa upuan at balutin ng roba ang kaniyang katawan. He combed his dumped hair using his fingers pagkatapos ay nagsimula ulit na magtitipa sa kaniyang cellphone. Ang dikit nitong kilay ay muling umaliwalas ng nasa cellphone na naman nito ang kaniyang atensiyon. Bumuntong hininga ako at tinanggal muna ang pang-itaas kong damit dahil mabigat na ito dala ng tubig.

Tinutok ko ang atensiyon sa pool gaya ng inutos niya at pinuno ulit iyon ng panibagong tubig. Sumulyap ako sa gawi niya at nadatnan ko na nakatitig ito sa aking katawan. Nailang naman ako bigla, ngayon lang ako nakaramdam ng kakarampot na hiya kahit lalaki ang nakatingin sa akin. Sa lugar naman namin ay nakasanayan ko na hubo't baro kasama ang iba pang maningisda at walang paki-alam kahit nagkakakitaan kami ng laman. Lalaki naman eh, anong mali doon?

Pero sa mga mata ni Sir Pancho, hindi ko alam kung bakit natablan ako ng kakarampot na ilang at hiya. The way he stare and scan his gray, sharp, deep pair of orbs sa aking kahubdan, nanindig yata lahat ng balahibo ko sa katawan. Malamang iniisip nito na baka malibag ang balat ko dahil sa aking kulay. Moreno lang ako, hindi ako maitim.

Umakyat ang mga mata nito sa aking mukha at nagtama ang aming paningin. The pair of eyes widened a bit, shocked that I am also looking at him. Umiwas din ako ng tingin at ibinalik ang aking atensiyon sa pool. Narinig ko ang malakas na pagpatong nito ng kaniyang cellphone sa salamin na mesa. Nainis ba siya? Bakit naman?

"Sir, okay na po. " sabi ko ng matapos ko ng mapalitan ang tubig ng pool. Nakapatong ang aking damit sa isa kong balikat, kailangan ko muna sigurong magpatuyo ng kaunti bago pumasok ng mansiyon. Mahirap na, baka madungisan ko ang malinis niyang tiles sa loob at masabihan na naman na dinumihan ko iyon.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo, his tall figure towering me. Long legged ako, pero mataas pa rin ito kesa sa akin. Napatingala ako sa kaniya at nakita ang medyo naka-awang nitong labi habang nakatitig na naman sa aking katawan. Taka naman akong napatitig sa aking sarili kung ano bang meron pero, ang basa, mapayat, at tan ko na tiyan lang naman ang nandoon. May mali na naman ba siyang nakikita sa akin?

"Damn, why are-" naputol sa ere ang halos bulong niyang sasabihin ng malakas na pumalinlang ang tunog ng kaniyang cellphone. Halos sabay kaming napalingon doon at nakita ko ang pangalan na "My Babe" na tumatawag yata sa kaniya.

Halos masubsob ako sa lupa sa malakas niyang pagkakahawi sa akin paalis sa nakaharang niyang cellphone. Pinanlakihan niya ako ng mata na tila sinasabing "lumayo ka na sa akin". Tinalikuran ko na lang siya at naisipang kuhaan na siya ng lemonade na inuutos niya kanina.

"Babe. " dinig ko pa ang malakas niyang sabi, hindi ko alam kung sadyang pinaparinig ba niya iyon sa akin.

I rolled my eyes. Mas malas yata ang syota nito kaysa sa akin dahil nagkasyota siya ng matapobre at walang modo na tao.

"Terenz ijo, how was your first day? "

Napapreno ako sa paglalakad ng makita kung sino ang kausap ni Nanay Matilda sa sala at nakangiting nakatingin na ngayon sa akin. Labis akong nasiyahan! Gumanda na bigla ang araw ko dahil sa bumisita ngayon dito. Malamang galing pa ito sa trabaho dahil nakapormal pa ito na kasuotan.

"Ninong! "

[Itutuloy]

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon