SIMULA

11.2K 400 27
                                    

Simula

Dati naiisip ko, paano kaya mamuhay sa isang bahay na malalaki at magagarbo? Iyon bang may tinatawag nilang swimming pool sa gilid at aircondition kapag tag-init at nais mong magpalamig. Iyong nakaupo lang na parang prinsipe at aasikasuhin lang ng mga katulong ang iyong mga pangangailangan ng hindi na pinagpapawisan. Ganoon ang buhay na minsan ay pinapangarap ko sa gitna ng pagtatrabaho. Sa buhay kasi na meron ang mga gaya namin, ni minsan kahit gusali ay hanggang sa telebisyon lang namin natatanaw. Maalat na dagat lang ang kaharap ng aming mga bahay na gawa sa pawid at lagi pang nirerenovate kapag napapatumba ng hagupit ng mga bagyo. Sariwang hangin lang, solve na ang tag-init namin at mga sarili lang din namin ang aming mga katulong para asikasuhin ang aming mga pangangailangan. Sa madaling salita, iyan ang buhay naming mga dukha.

Napabuntong hininga na lang ako habang ipinapalaot ang bangka na gamit ko lagi sa pangingisda at hinila ang lambat na may lamang maraming isda na nahuli ko sa magdamagan pakikipagbakbakan sa tirik na araw makakuha lang ng ikabubuhay at pangkain namin. Malapit na ako makarating sa amin ng makita kong marami ang nakiki-usyoso sa harap ng munti naming bahay at mula dito ay tanaw ko ang isang maganda at magarbong itim na sasakyan na naka parke sa tapat ng aming bahay kubo.

"Kuya Renz! Kuya Renz! " dinig ko ang boses ng bunso kong kapatid na si Buboy habang hingal na tumatakbo palapit sa akin.

"Boy? Anong meron? Sino ang mga bisita? " tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko din alam kuya eh! Basta amoy mayaman at kutis mayaman. " malapad ang ngiti niyang ani, kita ang itaas at ibaba niyang bungi.

Kumunot ang noo ko bago inakbayan ang kapatid ko para tumungo na sa aming bahay. Pagkapasok ko ay narinig ko agad ang tawa ni Tatay na minsan ko lang marinig na ganoon kasaya.

"Naku pare, naalala ko pa dati ay kinagagalitan ka pa ng Daddy mo kapag nakikita niya na madungis ka na kakasama sa akin sa laot. Hindi matanggap na ang anak niya ay nakikisalamuha sa gaya naming mga dukha. " anito sabay tawa muli.

Lumapit ako kay Nanay na noo'y may dala na isang pitsel na inumin at dalawang baso.

"Nay, mano po. " mano ko sa kaniya sabay kuha ng mga bitbit niya para siya ay tulungan. "Ako na po."

Dala ang inumin, lumapit ako sa pwesto nila Tatay sa maliit naming sala at doon ay nakita ko ng buo ang mukha ng aming bisita. Bigla bigla ay naexcite ako sapagkat noon lang may bumisita sa amin na kutis mayaman, halatang taga Maynila. Maputi, magarbo ang suot, may mga alahas na kulay ginto, maganda ang ayos maging ang buhok, at higit sa lahat sobrang bango.

"I really don't understand Dad at that time eventhough she married a woman who grew up here. Maybe I really took up my personality galing kay Mom." nakangiti niyang kwento at doon ay nasilayan ko ang mapuputi niyang ngipin, tila lagi ay nagpapadentista.

"Tay, inumin niyo po. " magalang kong singit sa usapan nila at halos sabay pa silang napatingin sa akin. Nahiya naman ako bigla, amoy araw pa ako panigurado.

"Oh! Is he your first born? Si Terenz na ba ito? " nanlaki talaga ang mga mata ko ng binanggit niya ng buo ang aking pangalan. Kilala niya ako?

Taka akong napatingin kay Tatay na noo'y tumawa na naman.

"Oo pare. Iyan na pala ang inaanak mo. Binata na ano? " pagmamalaki niya dito. "O Renz anak, magmano ka sa Ninong Domingo mo. " utos niya na mas kinagulantang ko.

Ninong ko ang tao na ito? Talaga namang medyo napanganga ako dahil doon. Mabilis kong pinunas ang dalawa kong kamay sa aking noo'y kupas ng pantalon. Ng mahawakan ko ang kamay nito para magmano ay talaga namang napakalambot noon. Nakakahiya sa mga kamay ko na magaspang at may sugat sugat pa.

"M-mano po. " nahihiya at awkward kong sambit.

"Kinagagalak ko na makita kang muli, anak. " ani niya na kinatulala ko sa kaniyang mukha.

Grabe, nakakalula siya.

"Aba'y malaki na rin siguro ang unico ijo mo? Hindi naman yata nalalayo ang edad nila nitong binata ko." si Tatay at tila ay nalungkot naman ang Ninong ko. Nanghihinayang siyang sumulyap sa akin.

"Yeah he's grown too but, Pancho is really a hard headed one. I can't control him anymore, that kid." tila stress niyang ani at iiling iling pa.

Kawawa naman pala si Ninong sa anak niya.

"Ay, siguro ay ganoon talaga. Baka magmula iyan ng mamatay si Kumareng Kitarina." si Tatay at hinawakan naman siya sa balikat ng noo'y tumabi sa kaniya na si Nanay.

"Yeah tama ka, Renzo. Since Tina died, Pancho became really out of hand. He was really close at my wife dahil ako ay laging subsob sa trabaho at minsan na lang siyang nakakasama. Maybe he don't like me because of that at isa iyon sa mga pinagsisisihan ko." daing niya at pagod na ngumiti bago muli ay bumaling sa akin. "Saan ka nanggaling, ijo? Hindi kita nakita dito kanina pagdating ko. " nakangiti niyang sambit.

Tumingin muna ako kila tatay at kay nanay na akay na rin si Buboy sa kaniyang kandungan. Ngumiti sila sa akin at tumango bilang pahiwatig na sagutin ko ang Ninong sa kaniyang katanungan. Bumaling ako dito at nahihiyang ngumiti.

"S-sa laot po, nangisda." kakamot kamot sa pisngi kong sambit.

Natawa naman ito bahagya at may kislap sa mga mata na tumingin muli sa akin. Tumingin siya kila Nanay at Tatay at tila sa mga mata nila, sila ay nag-uusap usap na. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanila, tila ba sila'y may alam na hindi ko alam.

"Renz anak. " si Nanay. Lumapit siya sa akin at ako ay hinawakan sa mga kamay. "Ani kasi ng Ninong mo ay nais ka niyang isama sa Maynila at doon ay bigyan ng trabaho. " nakangiti maging ang mga mata nito, puno ng pag-asa.

"P-po? " nagugulantang kong sambit. Tumingin ako kay Tatay at maging siya, ay may pag-asa din akong kinakitaan sa mga mata.

"This will be a big help for you and your family, Renz. Your Tatay is my friend and I would be glad to ba a help, anak. " si Ninong Domingo.

"P-pero hanggang higschool lang po ang tinapos ko at--"

"That won't be a problem. " aniya. "Sigurado ako na makakaya mo ang trabaho na ibibigay ko sa iyo. Consider this also to be a help for your younger brother's tuition fees." dagdag pa niya.

Bumagsak ang mga balikat ko at napabuntong hininga dahil alam ko na wala akong magagawa. Isa pa, may punto naman kasi. Malaking tulong ito para sa amin. Hindi ko lang akalain na ang kahapon kung pangarap ay mangyayari na sa kasalukuyan.

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon