[46] Terenz Dimagiba
Tahimik kaming dalawa ni Kit na naglalakad sa dalampasigan. Halos limang minutos na magmula nang magpaalam kami kila nanay na mag-uusap lang. Nasa harap niya ako, habang siya ay nasa aking likod. Walang ibang maririnig na ingay sa paligid kung hindi ang mga alon at ang tanging natitirang liwanag ay ang sinag ng araw.
Sa totoo lang, labis ang kaba na nadarama ko ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Maging ang utak ko ay hindi gumagana.
"Dad told me everything."
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko siyang magsalita. Nang aking lingunin, nakita ko siyang nakaharap na sa dagat. Ang mga kamay niya'y nasa magkabila niyang mga bulsa. Pinagsawa ko ang aking sarili na tignan ang kaniyang mukha na hindi ko itatago na akin ding kinapanabikan.
"Pasensiya na kung... umalis kaagad ako at hindi ka na hinintay."
"It's okay." Hinarap niya sa akin ang kaniyang katawan. "Naiintindihan naman kita. Ngunit isa lang ang sisiguraduhin ko sa iyo, ikaw ang mahal ko, Renz."
Ako naman ang umiwas ng tingin sa kaniya ngayon. Hindi ko kayang tagalan ang emosiyon na nakikita ko ngayon sa kaniyang mga mata. Oo, nang makita ko siya sa telebisyon, may parte sa akin na nawalan ng tiwala sa kaniya. Ngunit nang kumalma ako'y natanto kong hindi sapat ang mga nakita ko lang na iyon para husgahan siya. Naisip ko lang na sa ngayon, ang magkaroon muna ng space sa aming relasiyon ang mainam.
"Nasaktan ako nang makita ko iyon, pero nang marinig ko mismo sa iyo ngayon ang nais kong kasagutan, panatag na ulit ako." Ngumiti ako bago muling bumaling sa kaniya. "Mahal din kita, Kit. Mahal na mahal."
Nakita kong bumuga siya ng hininga, tila nabunutan ng tinik. Humakbang siya palapit sa akin at nanatili ako, hindi lumayo. Nang magkatapat na kami, marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Ang mga mata niya'y tinignan ang buo kong mukha na tila ba kaytagal na panahon niya iyong inaasam na makita.
"I missed you so much. Don't leave me like that again, please?" Halos pabulong niyang sambit.
Nakita kong manubig ang mga mata niya at mabilis akong nahawa. Walang pagdududa, ang puso niya ay para sa akin na talaga at ganoon din ako.
"Sorry, hindi ko na uulitin."
Bumuntong-hininga siya.
"Thank you." Binaba niya ang kaniyang kamay mula sa aking pisngi pabalik sa kaniyang bulsa. "Pero alam kong nais mo pa munang manatili rito. It's fine. I'll give you the space, but you have to comeback to me. Okay?"
Lumapad ang ngiti ko sabay tumango. "Okay, sir."
Sabay kaming natawa nang sinabi ko iyon. Sa karanasan namin na ito, kapwa kami natuto. Huwag kalimutan na magsabi sa kasintahan mo kung may gagawin kang ikawawala ng tiwala niya at huwag bastang maniwala sa kung ano ang nakita mo lang nang walang paliwanag. Pakiramdam ko, bahagyang tumibay ang relasiyon namin.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kaniya nang pabalik na kami sa bahay.
Nagtataka ako kasi imbes na magpaalam at pumunta na sa sasakiyan niya'y nakasunod pa rin siya sa akin. Dito ba siya maghahapunan? Kunsabagay, bisita pa rin namin siya. Ala-sais na rin naman at baka gutom na rin siya. Ang iniisip ko lang, ang byahe niya mamayaw pauwi. Baka abutan na siya ng lalim ng gabi.
"Oh, I didn't tell you. Day-off ko bukas at mananatili ako rito sa inyo hanggang bukas. Uuwi ako ng maaga sa susunod na araw."
Pakiramdam ko ay nanigas ako sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko? Hindi ako nabingi? Ngunit nang makita ko ang nakangisi niyang mukha, hindi nga ako nagkamali sa narinig.
"Oh, nakabalik na pala kayo. Tara na at maghapunan," si nanay iyon na sumilip sa hamba ng munti naming bahay. "Ay oo nga pala, anak. Nasabi na ba sa iyo ni Pancho na rito siya matutulog hanggang bukas? Naayos ko na ang kwarto mo para roon kayo."
Ramdam ko ang kakaibang presensiya sa aking likod at halos tumayo lahat ng balahibo sa aking katawan. Nga naman! Sino nga ba itong lalaking ito? Nakalimutan ko kung anong klaseng lalaki itong jowa ko! Bakit hindi ko naalala na hindi niya ako basta-bastang palalagpasin sa ginawa ko.
"M-Maririnig tayo nila Nanay, Kit," kabado kong sambit nang nasa kwarto ko na kami.
Sa liit ng kwarto ko na ito, talagang wala akong matatakbuhan. Para akong daga na anumang oras ay malalapa na ng pusa sa aking harap. Sa liit lang din ng bahay namin at dahil gawa lamang sa kahoy at pawid, hindi kataka-taka kung kahit kaunting bulungan ay maririnig. Katabi lang ng kwarto ko ang kila nanay!
Tumango siya sa akin. "Then that's the thrill. Do you think I'll let you slide without getting punished? Go on. Try so hard to muffle your voice, Renz. I'll be glad to accommodate you."
Mabilis at mariin kong naitakip ang aking kamay sa aking bibig nang mabilis niyang kinagat ang aking leeg. Nakasandal ako sa pinto habang nakakulong ako sa malaki niyang katawan. Ang isa niyang paa ay nakatuko sa pagitan ng aking mga paa. Ramdam ko ang paglapat ng tuhod niya sa aking gitna.
Tinignan ko siya, may pagmamakaawa sa aking mga mata. Ngunit tila mas natutuwa pa siya! Ang tarantadong 'to!
"I-Isa! Hindi ako natutuwa, Kit. Gusto mo yata ulit na mainis ako sa'yo!" pabulong kong banta kahit alam kong walang palag.
"Baby, I'm more amused seeing you try. Your expression is a proof. Na-miss mo rin ako," bulong niya mismo sa aking tenga!
Oo na-miss ko siya! Pero ano pang silbe ng space na napagkasunduan namin kung ngayon pa lang ganito na kami? Nagbibiro ba siya sa akin?
"Ang ganda ng usapan natin na space muna! Ano 'tong ginagawa mo ngayon?" Halos magsunggaban ang mga ngipin ko sa bawat salitang sinasabi.
Maang-maangan siyang tumitig sa akin pero ramdam ko na ang mga kamay niyang gumagapang sa aking likod. Napakapit ako sa magkabila niyang balikat dala ng panginginig. Ang laming ng mga palad niya sa balat ko.
"Tama, napagkasunduan natin ang space. Bibigyan naman kita, Renz. Pero pagkatapos kitang parusahan, okay?"
Nawala yata ang kulay sa mukha ko nang sabihin niya iyon. Lalo pa noong hinila niya ako bigla palapit sa katre ko roon. Naupo siya roon habang ako na nagpupumiglas ay napadapa niya sa kaniyang kandungan! Ibinaba niya ang aking short at nang ma-expose ang pwet ko sa harap niya ay kaagad niyang pinadapuan iyon ng kaniyang palad na nagpaigik sa akin!
"Mm!" Mabilis kong tinakpan ng dalawa kong kamay ang aking bibig nang hinataw niya ulit nang malakas ang mga pisngi ko sa likod.
"Now be a good boy and receive your punishment."
Walanghiya! Walanghiya ka, Pancho Kit Del Mundo!
[Itutuloy]
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Ficção GeralCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...