[Special Chapter] Ellie Saavedra
"I... broke up with him," walang emosiyon na balita ko sa aking coach sa kabilang linya.
I dropped my phone after I ended the call. Ah, I can't feel anything right now. Pakiramdam ko ay namanhid na ang buo kong katawan. Where am I right now? Where am I going again? I don't know. Tila nawalan na bigla ng direksiyon ang buhay ko. Pancho is not mine anymore. I... I broke his heart... and so I did to mine.
My dream is already at my reach, but why do I feel so empty?
Pagod kong kinusot ang aking mga mata. Nanlabo ang mga mumunting ilaw sa paligid ng airport habang tinatanaw ko ang mga iyon mula sa loob ng eroplano. Humigop ako ng hangin dahil tila mawawalan ako ng hininga sa aking baga. That's when my mind went back to the past. The past where I met Pancho Kit Del Mundo for the first time.
That was around when we were college.
Since I was young, pangarap ko na talaga ang maging tanyag sa larangan ng ice skating. Simula nang matuto ako no'n ay hindi ko na maalis-alis sa aking sistema. I love the feeling of the cold in my body while I am gliding on it. I like it kapag nawawala ako sa mundo ng paglayag ng aking katawan sa itaas ng yelo. I feel so free, like a bird who got out from its cage. Mom and Dad never liked it at first, pero nang makita nila ang dulot ng unti-unti kong pagkakaroon ng pangalan sa ice skating ay tinulak na nila ako roon.
At first ayos pa sa akin dahil mahal ko iyon; but when Pancho came into my life, napansin nila Mom and Dad ang pagkakawala ng aking konsentrasiyon sa ginagawa.
"Wow."
Gulat at napasinghap ako ng biglang may magsalita sa aking likuran. Nakita ko roon ang isang lalaki na nakasandal sa pinto ng bakanteng music room, magkakrus ang mga braso niya at manghang nakatingin sa akin.
I was aloof since I was a kid, a total introvert. Wala akong naging kaibigan magmula nang mag-aral ako. Sinusubukan naman nilang makipagkaibigan sa akin, pero sa huli ay nagiging weirdo na ako para sa kanila. I totally understand. Growing up as an only child; always alone at home because of my busy body parents, only have toys to talk with —I totally understand. Nasanay na ako sa sarili kong mundo.
Pero malungkot pa rin kahit lahat ng meron sa mundo ay kayang ibigay sa akin.
"A-ahm..." sinubukan kong aninagin ang lalaki sa may pinto at napasinghap ako no'ng makilala ko siya.
It's him! Ang isa sa mga sikat na lalaki sa paaralan na ito! Why is he here?
"You're good. You look beautiful earlier. I mean doing that... movements," aniya.
Pakiramdam ko ay namula ang aking magkabilang pisngi sa narinig. Some of my parents' business partners or friends often compliment me, pero bakit iba ang epekto mula sa lalaki na ito? Sabi ko na! Mali ang mag-practice rito. Kung bakit kasi naisipan ko kanina na pumunta rito after class?
Pero hindi ko kasi mapigilan. Malapit na ang contest na sasalihan ko at kailangan kong pagpraktisan ang kanta na gagamitin ko. At isa pa, maganda kasi ang atmospera rito kanina. Bakas ang liwanag ng papalubog na araw sa buong music room. Nahalina ako.
"S-salamat," nahihiya kong sagot.
Napayuko ako. Hindi ko siya matignan. Bakit nga ba narito itong si Pancho Kit Del Mundo? Ang isa sa miyembro ng Pervs na kilala rito sa buong campus. Sino ba naman ang hindi? Grupo sila ng mga gwapong kalalakihan. Pero simula nang umapak ako sa paaralan na ito; hanggang ngayon na nasa ikalawang taon na sa kolehiyo, my eyesight never leave Pancho Kit Del Mundo kapag nakikita ko siya. His features, it's exactly my type.
And right. Ang isa sa mga tinatago ko ay ang aking kasarian. Not even my parents know about this.
Umalis siya mula sa pagkakasandal at lumapit sa akin. Napaatras naman ako ng kaunti. Napalunok ako nang sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi. Anong gagawin niya?
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Fiction généraleCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...