[19] Pancho Kit Del Mundo
I immediately eyed like a hawk in hunt the pauper with my babe, after I got out from work. Nasa parking lot na sila noon at hinihintay akong maka-sakay ng kotse. I'm a bit pissed, my babe promised me to spend his time with me today. Nasabi niya na isang linggo lamang siyang mananatili dito sa pinas, pero pinili pa niyang makipag-bonding kasama ang pauper! Damn, now I am jealous. Nasayang ang isang araw na dapat ay para lamang sa amin.
"What's with the frown, babe?" natatawang sabi ni Ellie sa akin pagkatabi ko sa kaniya sa backseat. "C'mon, may bukas pa para mag-bonding tayo. Nais ko lamang talagang makipag-bonding kay Terenz. He looks so happy earlier!"
Mas nalukot ang mukha ko sa narinig. Ellie looks so happy na mas kinaselos ko. Hinapit ko siya sa bewang at pinanggigilang halikan ang kaniyang labi. Nang pinakawalan ko siya, I gave him a smirk out of satisfaction. That's what he got for being so good of provoking me.
Ngumuso ako at umayos ng upo nang makuntento na sa nagawa. Nahiya yata siya, kung kaya binaon niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib na kinatawa ko. Natigil lamang nang mapansin ko ang pauper na tahimik lang at nakatanaw sa labas ng kotse.
Tumaas ang isa kong kilay.
"Siyempre masaya siya, first time niyang makaapak at makagala sa mall," malakas ang boses kong tukso.
I suppress the smile that is about to come out of my lips nang makita kong napalingon si Terenz sa gawi namin. I show him my sarcastic expression to tease him more. Naikagat niya ang kaniyang ibabang labi at nahihiyang muli ay nag-iwas ng tingin.
"Pancho!" napa-aray ako nang malakas akong pinalo ni Ellie sa aking braso. "Ano nga ang sinabi ko sa'yo?" nakataas ang isang kilay niyang sabi.
I sighed. "Okay, okay. I'll stop, babe."
Kahit labag sa aking kalooban ay kailangan ko siyang sundin. Mahirap pa naman magtampo ang pinakamamahal kong ito. Masakit sa puson at pati na sa ulo.
"Why do you like teasing him anyway? Inaanak pala siya ng Dad mo, you should treat him properly, Pancho."
I like teasing him since day one, babe. Nais ko sanang sabihin iyon sa kaniya kaso baka mas magalit siya. I don't know why too though. It's just, teasing Terenz gave me something satisfying ever since. I like the way he frowns, the way he gets shy, or the way he suppresses his anger dahil amo niya ako. Yet, siya lang din ang kauna-unahang nakasagot-sagot sa akin na alalay - lalo na ang tumagal ng ganito. He's so innocent too. That made it more fun for me to tease him.
Saktong napadaan kami sa may convenience store kung saan noon ay naligaw si Terenz. Wala sa sariling napatawa ako nang maalala ko ang pagsasayaw niya sa harapan ng mga bata. Hindi pa rin pala niya alam na nakita ko iyon. Maitukso nga sa kaniya iyon, his expression might be priceless. Imagining it made me thrilled.
"What's funny? Care to share, babe?"
Natigilan ako nang natatawa na dinungaw ako ni Ellie sa aking tabi. I cleared my throat at napatingin sa harap. I sighed when I saw Terenz is still quiet and oblivious from us here at the back. Niyuko ko ang aking pinakamamahal at binigyan siya ng isang halik sa noo.
"Just happy that you're at my side again."
Napatitig pa siya ng ilang segundo sa aking mga mata bago siya ngumiti. Damn. My babe is really the most beautiful human being I ever saw in my life. He never failed to snatch my heart since day one.
"I love you, Pancho," bulong niya sa akin.
I smiled. "I love you more, my Ellie."
Nang makarating kami sa mansiyon ay naghahanda na ng hapunan sila Nana. Natutok lamang ang paningin ko sa mga pinamili ni Ellie. I knew how he loves shopping to relieve some stress, pero ngayon ko lamang nakita na ganito kadami na maging si Terenz ay may hawak-hawak na rin.
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Ficção GeralCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...