Wakas
I didn't know if you could still remember it. The first time my lips crashed on yours. Kung may isang sikreto lang ang hindi ko pa nasasabi sa iyo, iyon ay hindi naman talaga ako ganoon kalasing noong gabi na iyon. My tolerance was always high, but I don't know why...
Kahit ilang beses kong balikan, klaro pa rin sa utak ko ang gabi na una tayong nagkita. Nasa kusina ka noon, sa madilim at tahimik ko nang mansiyon. At first I was wondering who the hell are you, ngunit noong pinagpapalo mo na ako ng throw pillow at pinagbintangan pang manloloob sa sarili kong tahanan, I was slightly amused. That's when I decided to kiss you and shut you up. Nagpanggap akong nawalan ng malay dahil ayaw kong makita mo ang nahihiya kong mukha.
Maybe that was really the start, Renz.
"Feed this to those dogs outside, askal they call or whatever. Doon nababagay ang pagkain na ito. Pancho Kit Del Mundo only eat foods made by professional chiefs and not just by some pauper."
Nang nabitawan ko ang mga salita na iyon at nakitang magdaan ang kakaibang sakit sa iyong mga mata, parang gusto kong bawiin. I deeply regretted it that time. Maybe I am really a bastard. Kahit nakararamdam ako ng pagsisisi kapag nasasaktan kita, ayaw ko pa rin paawat sa paghihirap sa iyo. Baka nga hindi ko lang matanggap... na unti-unti ka nang pumapasok sa puso ko.
Lagi kong nilalagay sa utak ko na may Ellie ako. Ellie was my light, my angel, my first at everything. Nang bumalik siya, pansamantalang nawala ang namumuong damdamin ko para sa iyo. Si Ellie lang, si Ellie pa rin.
"Nandito lang po ako, Sir Pancho."
I was heartbroken. Ellie broke-up with me. My light left me all alone in the dark once again. Basag na basag ang puso ko noon, alam mo ba? Pero bakit mas mukhang nasasaktan ka? Bakit mas umiiyak ka pa kaysa sa akin? Am I worthy of that affection you're giving me?
Oo ginamit kita.
Ginamit kita para makalimot. Pinagsamantalahan ko ang kahinaan at kainosentehan mo. Ngunit katwa at tila ba bumabalik ako sa umpisa. Na kapag nasasaktan kita, triple ang bumabalik na sakit sa akin. Huli ko nang natanto that you're the greatest love heaven ever gave to me. Maybe I was head over heels for Ellie, but you got me on bended knees, Renz. I was sinking way too deep. Too deep na kapag ikaw ang nawala sa akin, baka hindi na ako makabangon pa.
I'll go crazy.
Ganoon kita kamahal.
I held my breath when I saw his figure from afar. Napayuko ako at sikretong pinunasan ang tumulong luha sa aking mata gamit ang aking hintuturo. Everyone important in both of our lives was present on this very day. Dad who was beside me tapped my shoulder as he was also emotional. Nangibabaw ang iyak ni Nana Matilda na hinahagod ng apo ang likod niya. Maia did a great job organizing this for us I might say.
Their island was beyond perfect for this day. Sa papalubog na araw ay mas lalong tumingkad at gumanda ang atmospera. Sariwa ang hangin at habang iniisa-isa ko ang mga mukha sa harapan, tila matutunaw ang puso ko dahil lahat sila ay halatang masaya para sa amin. But I am the happiest. Wala nang papantay pa sa saya na nararamdaman ko ngayon.
"He's coming, son," Dad whispered.
Napatayo ako nang tuwid at napabuga ng hininga. God, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Napapunas ako ng pawis sa aking noo. Maia cheered for me na nagpangiwi sa akin.
After Buboy — who was our ring bearer — sat down in front, nakita ko na siyang naglalakad. Napatingala ako dahil tila gripo na ang mga luha sa aking mga mata. Beside him was his mother and father na kapwa rin emosiyonal sa kabila ng kasiyahan. Parang tanga na akong umiiyak at ngumingiti rito.
The mellow sound of the violin resonated on the whole place and when I saw my shining star, hindi ko na nakita ang iba sa paligid. He's perfect. Napakaganda ng kulay puti sa kaniya. The pure, white tux hugging his body made me sigh in pure bliss. I prefered my baby naked, but right now, he's glorious. The white lily crown in his head made him more beautiful. Sa kamay niya ay hawak niya ang samu't-saring bulaklak.
Hindi namin inalis ang paningin sa isa't-isa and I saw him crying as well. People clapped their hands at ang ibang taga-isla na nanunuod sa hindi kalayuan ay nagsisigawan.
Sa wakas. Kaunting hakbang na lang. Malapit na. Magiging akin na siya hindi lang sa pangalan, kung hindi maging sa habangbuhay.
"Ijo, pinagkakatiwala ko na sa iyo itong anak namin," bagama't lumuluha ay masaya pa ring ani ng ama ni Renz.
"Thank you for giving him to me, Tay," buong puso kong sagot.
Niyakap na lamang ako ng ina ni Renz dahil hindi na siya makapagsalita sa kaiiyak. Hinaplos ko pa ang likod niya para patahanin siya, mabuti na lang at maagap si Maia para abutan siya ng tubig.
"Nay, tahan na po. Hindi po ako mapanatag niyan. Mamaya mapaano po kayo kaiiyak, eh," nag-aalalang sambit ni Terenz kung kaya ay nakatikim siya ng palo sa ina.
"Masaya lang ako, anak. Sige na, sige na. Baka ako pa sisihin niyo kung hindi matuloy ang kasal ninyo. Purjos, wala akong pambayad sa mga nagastos ni Pancho Kit kung sakali."
Nangibabaw ang tawanan sa sinabi ng ina ni Terenz. Niyakap din ni Daddy si Renz at may bulungan pa sila bago sa wakas at nagkaharap na kami. Inangat ko ang aking kamay paharap sa kaniya at malugod niya naman iyong tinanggap.
"You're shaking," bulong ko sa kaniya noong nakaharap na kami sa magkakasal sa amin.
"Kinakabahan ako, eh." Kabado siyang ngumiti dahilan para halikan ko siya sa gilid ng kaniyang ulo.
"Don't be. Because starting today, akin ka na buong buhay mo."
I saw his eyes swell at tila nahawa naman ako dahil nanlabo rin ang mga mata ko nang mamasa iyon.
"Mahal na mahal kita, Pancho Kit Del Mundo."
"Mahal na mahal din kita, Terenz Dimagiba-Del Mundo."
We giggled until we shared the most amazing kiss we ever shared. Noong araw mismo na iyon, the handsome jerk made his vow to love and to hold the only man he'll ever love for the rest of his life. Wala man ang ibang Pervs sa araw na ito, alam kong masaya sila para sa akin. I couldn't wait for them to walk this path, too.
Because it's beyond magical.
Pancho Kit Del Mundo, is now humbly signing off.
[FIN]
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Aktuelle LiteraturCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...