KABANATA 6

5.3K 274 22
                                    

[6] Terenz Dimagiba

"Ano ang ibig sabihin nito, Pancho? Why are you letting Terenz do all the work?" hindi man nakasigaw, bakas naman ang matinding inis sa boses ni Ninong.

Kapwa kami ngayon nakaupo sa kaniyang harapan dito sa mahabang sofa ng sala samantalang si Ninong ay nakatayo sa aming harapan, magkakrus ang kapwa bisig. Si Nanay Matilda naman ay nakatayo lang sa likuran nito, nag-aalalang nakatingin sa aming tatlo.

"What's wrong with that, old man? Ain't he a servant?" sabat nito habang magkakrus din ang mga bisig pati pagkakaupo nito ay pangbabae at walang bakas ng takot na diretso ang tingin sa ama.

Gusto ko bigla siyang kurutin sa singit sa pagsagot nito sa sariling ama. At ano ang tawag nito sa kaniya? Old man? Grabe. Ako yata bigla ang nahiya para kay Ninong. Mula sa pagkakayuko ay itinaas ko ang aking ulo para makita ang reaksiyon sa sinagot ng anak sa kaniya. Nakapikit nitong hinilot ang kaniyang sentido, tila stress na stress.

"What's wrong with that? I only assigned him to you Pancho Kit! Hindi sa buong mansiyon!" napatalon ako ng bahagya sa pagsigaw nito. Galit na nga talaga, tinawag na ang anak sa kumpletong pangalan.

Narinig kong bumuga ng tawa ang aking katabi at pagkatapos ay tumayo. Lumapit ito sa harapan mismo ng kaniyang ama. Wow, mas matangkad pala siya kay Ninong.

"Akin na siya hindi ba? Labas ka na sa gusto kong gawin sa kaniya."

Akin na siya. Bahagyang napaawang ang labi ko sa mga salitang iyon. Sa tanang buhay ko, siya pa lang ang taong nakapagsabi ng ganoon sa akin. Siya pa lang ang nakapagsabi na kaniya ako. Bigla akong nakaramdam ng kakaunting init sa aking puso, hindi ko alam kung bakit natuwa akong marinig iyon.

"Pancho!" sigaw ni Ninong dito. "Hindi isang bagay si Terenz na kapag ibinigay sa iyo ay paglalaruan mo lang. Kung tatratuhin mo lang din siya ng ganiyan, mas mabuti pa sigurong sa akin na lang siya magtrabaho."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni tito. Talaga? Gusto kong sabihin iyon kaso napadako ang tingin ko kay Nanay Matilda at sa biglang lungkot na dumaan sa mga mata nito. Nahabag naman ako bigla dahil sa una pa lang na pag-apak ko sa mansiyon na ito ay sobrang malapit na ito sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa pwesto nila para sabihin kay Ninong na dito na lang ako mananatili. Hindi para sa hukluban niyang anak, kundi para kay Nanay Matilda at sa ibang mga kasambahay dito na malapit na sa akin. Bago lang ang mundo ng syudad sa akin at hindi ko alam kung anong klase at sinong mga panibagong tao ang nandoon sa puder ni Ninong. Ayos na ako dito sa mga taong nakapagpalagayan ko ng loob, lalo na si Nanay.

Nakita kong patagilid ako nitong tinignan ng tumayo ako sa tabi niya at humarap kay Ninong.

"Ninong-"

"Terenz ijo, you're going with me." putol ni Ninong sa akin sabay hawak sa aking bisig. Magpoprotesta pa sana ako kaso may isang kamay ding humawak sa kabila kong bisig. Hindi tulad ni Ninong ay sobrang diin ng pagkakahawak niya sa akin dahilang ng mahina kong pag aray.

"Stay. I need you here."

Iyon ang eksaktong senariyo at napag-usapan namin kahapon. Pagkatapos ngang sabihin nito na manatili ako ay sumabat din si Nanay Matilda na nais din nito akong manatili. Walang nagawa si Ninong kung hindi bumuntong hininga ng malalim at sinabihan si Sir Pancho ng maraming bilin pero, duda akong labas naman sa tenga iyon lahat. Halata namang hindi ito nakikinig.

"What did you say again? You can't fucking drive?"

Naglaban ang titig naming dalawa sa isa't isa dahil ngayon nga ay papasok na ito sa kaniyang trabaho at nakalimutan kong ako nga pala ang driver ngayon. Hindi ko kaagad nasabi sa kaniya na hindi ako marunong magdrive ng kotse. Kung tricycle o motor sana kaya kong dalhin, kaso mukhang kotse lang naman ang naandito. Kapwa kami nakatayo sa harapan ng itim nitong kotse. He licked his lower lip and cocked his head on the right side, halata ang inis sa abo nitong mga mata.

"Pasensiya na kung hindi ko kaagad nasabi iyon sa iyo, Sir. Pero kung tatayo lang tayo dito, malalate ka lang. Mabuti pa na tawagan mo na lang ang driver mo para ipagdrive ka." sabat ko sa kaniya dahilan para magdikit ng isang linya ang kilay nito. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Bahala siyang malate.

"Damn it, bakit pa ba kita pinigilang sumama sa matandang iyon kahapon." mahinang bulong nito na dinig ko naman. Sikreto akong natawa. "Get in."

"Ha?" nakanganga kong saad sa kaniya. Sabi ng hindi ako marunong magdrive, papasukin niya pa rin ako? "Tuturuan mo ba akong magdrive, Sir?"

"Hell no! Baka magasgasan mo pa itong kotse ko." asik niya. "Get in, I'll drive."

Ayun. Marunong naman pala siyang maging considerate. Kaso iniisip lang naman niya ang kaniyang kotse. Kung sabagay, mukhang ang mahal mahal pa naman nito at mabangga ko lang. Pumasok siya sa pwesto kung saan umuupo ang driver at ako naman ay nagtungo sa likuran para maupo. Nakakahiya naman sa kaniya kung tabihan ko siya, baka mamaya masabi na naman nito na dumikit ako sa kaniya at nadumihan ko siya.

"Why the fuck are you there?" inis nitong sabi sabay lingon nito sa akin sa likuran.

"Ha? Ah, dito na lang ako Sir. Baka ayaw niyong makatabi ako." sagot ko kaso hinantakutan naman ako ng pinanlakihan niya ako ng kaniyang mga mata at talagang nakakatakot na ang titig nito. Ano na naman ba ang nagawa ko?

"Mukha ba akong driver mo? Dito ka umupo sa tabi ko. Bilis!"

"Eh Sir, ikaw naman po talaga ang driver." sagot ko.

Pero lumabas din ako kaagad dahil tila manununtok na talaga siya. Maaagap akong pumasok sa harapan at naupo katabi nito. Naguguluhan man ay tahimik na lang akong naupo doon. Bahala na siyang mag-inarte dahil katabi niya ako.

"Seatbelt."

"Ha?" gulo ko pa ding tanong sa kaniya.

Tinuro niya ang bagay sa aking tabi habang salubong pa rin ang kaniyang mga kilay. Wala na talagang bakas ng tuwa sa mga mata nito.

"I said, fasten your seatbelt. Don't tell me hindi ka rin marunong?"

Ah. Iyong kagaya pala sa kaniya ang tinutukoy niya. Iyong bagay na hinaharang sa iyong katawan. Maagap naman akong sinunod siya kaso hindi ko alam kung saan itatali ito. Sinulyap sulyapan ko ang sa kaniya pero lito pa rin ako.

"God! This is why I hate paupers! So stupid!"

Mabilis kong nabitawan ang hawak ko ng lumapit siya sa akin at siya na ang naglagay ng seatbelt. Sobrang lapit niya sa akin na tila pati ang hangin ay kakaunti na lang ang espasiyo para dumaan. Amoy na amoy ko ang mentol niyang aroma. Preskong presko sa ilong.

"That's how you do it, stupid pa--" gaya ko ay natigilan din ito ng sa pag-angat niya ng kaniyang paningin ay halos magsunggab ang tungki ng aming mga ilong. Hindi ako makahinga.

Ang makita sa malapitan ang abo nitong mga mata. Ang matangos nitong ilong. Ang labi nito. Tila hinihigop ang aking hininga. Ngayon lang ako naasiwa ng ganito sa presensiya ng isang lalaki gaya ko. Bahagyang umawang ang labi nito habang bumaba ang paningin nito sa aking labi. Wala sa sariling dinilaan ko ang ibaba kong labi dahil ramdam ko ang pagkadry noon. Kitang kita ko ang pag-akyat baba ng adams apple nito.

Lumapit ang mukha nito sa akin at hindi ko maiwasang mapapikit ng mariin.

[Itutuloy.]

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon