KABANATA 27

4.4K 259 52
                                    

[27] Pancho Kit Del Mundo

"Ellie..."

Unti-unting nagbukas ang aking mga mata mula matamis at mapait na panaginip. I can feel someone beside me. Yumakap ako nang mahigpit sa aking katabi. I can feel someone's heat, someone's breath, it fills the loneliness in me.

Nang makita ko na hindi iyon ang taong aking inaasahan ay natigilan ako, pero hindi naglaon ay kumalma rin. My excitement faded instantly at napalitan ng mapaklang pakiramdam. Umupo ako mula sa pagkakahiga, exposing my naked upper body. Nang maalala ang nangyari kagabi ay napasapo ako sa aking mukha.

Now I did it. We did it.

Mula sa pagsapo sa aking mukha ay napatingin ako sa taong aking katabi. I smiled with guilt. Walang dapat sisihin dito kung hindi ako. I feel so sad, so lonely, I need someone to take that away. Pero ang kaisipan na si Terenz iyon ay wala akong pinagsisihan. Actually, mas nakahinga ako nang maluwag dahil siya ang pumuno ng kulang na iyon sa aking puso. Hindi ko lang maiwasan na makonsiyensiya sa kaniya.

Hinaplos ko ang buhok niya at dinama ang kaniyang paghinga. Malalim pa ang pagkakahimbing niya. I know he needs to work, pero sigurado ako na hindi rin siya makakatrabaho ng maayos ngayon kaya hahayaan ko na lang siya na makapagpahinga. I'll tell Nana to let him be.

Yumuko ako at marahan siyang dinampian ng halik sa noo. "Thank you, Terenz. And I'm sorry."

Mabilisan akong naligo. It's been so long since I've spend time on that place, nakaka-miss. Wala akong trabaho ngayon at mambubulabog ako ng may pasok. By hook or by crook, may sasama sa akin ngayong araw na ito.

Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay kinuha ko ang aking cellphone. Maingat ang bawat kong galaw para hindi ko magising si Terenz, pero kahit siguro magsisigaw ako rito ay hindi siya magigising. His sleep looks so deep.

When I scroll on my contacts, napatigil ako sa isang pamilyar na numero. Muling nanuot ang sakit sa aking dibdib. Kinalma ko ang aking sarili at kagaya ng mga litrato niya, binura ko na rin ang kaniyang numero. I need to forget. I need to heal. I need it for myself.

"Bilisan niyo naman!"

Gulat akong napatingin sa harap ng kwarto ni Terenz pagkalabas ko ng aking kwarto. Nakita ko roon sila Nana at ang dalawa pang kasambahay. May hawak silang mga susi at tila tinitignan kung saan ang sasakto sa pinto ni Terenz. Iniwasan ko ang matawa dahil mukha silang lahat na kinakabahan.

"Goodmorning, Nana!" masaya kong bati na kinagulat nila. "What are you guys doing?"

Si Nana na pinakataranta sa lahat ang humarap at sumagot sa akin.

"Hay diyos ko, apo! Kanina ko pa kinakatok itong kwarto ni Terenz pero walang nasagot. Paano kung binangungot ang bata na iyon at hindi na nagising?"

Oh damn. I bit my lower lip para itago ang aking halakhak. Sorry, Nana. Ako yata ang bangungot na iyon dahilan at hanggang ngayon ay tulog pa si Terenz. What a handsome and sexy nightmare.

"Ah, talaga po na hindi sasagot si Terenz sa inyo riyan," seryoso kong sabi.

"B-bakit, apo?"

"Narito po kasi siya sa kwarto ko." Turo ko sa aking kwarto sabay ngisi. "Nasobrahan ko po yata siya kagabi kaya hanggang ngayon tulog pa."

Muntik na akong humagalpak sa tawa nang malaglag ang mga panga nila sa gulat. Nahulog pa nga sa sahig ang susi na hawak ng isa sa mga kasambahay. I think I've said too much.

"P-pancho..."

I froze where I stood nang malipat ang paningin ko kay Nana na nandidilim ang paningin sa akin. Napalunok ako. That's her look everytime she is mad when I've done something that is not right for her. Uh-oh, I'm in trouble.

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon