KABANATA 12

4.9K 286 24
                                    

[12] Terenz Dimagiba

Namamangha akong napatingin sa paligid ng Caticlan Airport habang hindi magkandaugaga sa pagdala ng mga bagahe ng topakin kong amo. Bukod sa dala kong malaking back pack kung saan ang aking mga gamit sa limang araw naming pamamalagi sa Isla ng Boracay, dala ko pa ang isang de kariton nitong bagahe at isang malaking barrel bag. Nasa harapan ko si Sir Pancho kasama si Ate Maia na sekretarya nito habang papalabas na kami ng airport. May pinag-uusapan din yata silang importante. Sabi nito kanina ay dalawang araw daw nitong aasikasuhin ang ipinunta dito patungkol sa trabaho at ang tatlong araw ay pag-eenjoy daw sa Isla.

Nakatanggap nga ako kagabi ng mensahe kay Ninong kung ayos lang daw ba sa akin na sumama sa anak nito na sinabi ko namang trabaho ko iyon at isa pa, wala akong magagawa dahil kinaladkad na ako dito ng topakin niyang anak. Magbubukas daw kasi sila ng bagong branch ng hotel nila dito at si Sir Pancho ang daw ang humawak sa project na ito. Nagtakha lang ako na wala itong isinamang iba, kagaya na lamang ng driver — ako lang at si Ate Maia.

"Ayos ka lang ba, Terenz?" mahinahon at nag-aalalang tanong sa akin ni Ate Maia.

Nginitian ko ito. "Ayos lang po ate." Sagot ko na nginitian lang din niya.

Mabait ito kahit una pa lang naming pagkakakilala ngayong araw. Sabi din nito ay ate na lang ang itawag ko sa kaniya.

"Hoy pauper, " dinig kong sabi ng topakin kong amo kung kaya nagkukumahog akong lumapit dito. "Ikaw ang kumausap ng pwede nating masakyan papunta ng Jetty Port." anito.

Napaisip ako kung ayos lang ba dito na sumakay ng hindi kotse kung kaya napatitig pa ako dito ng ilang segundo. Kung hindi lang ako pinanlakihan nito ng mga mata, hindi pa ako kikilos. Kahit mabigat ang mga dala at sobrang init ng araw, naghanap ako ng pwedeng masakyan namin at nakahanap nga ako ng tricycle.

"Ayos lang ba sa iyo na tricycle sakyan natin papunta doon, Sir? " tanong ko dito — saksakan pa naman ng arte itong amo ko.

"Cool. I want to try it." mangha at mukhang excited nitong saad sabay suot ng aviator square sunglasses nito.

"Sa jetty port, Sir? Maeapit malang ah." (Sa Jetty Port, Sir? Malapit lang naman ah.) nakangiting sabi ng driver sa hindi namin maintindihang lengghawe, pero ng may binanggit itong Jetty Port ay tumango na lang kami.

Sa likuran ako sumakay habang sa harapan naman sila Ate at Sir Pancho. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Caticlan Jetty Port kung saan sobrang dami ng mga lokal na tao maging turista. Excited na rin ako, sa wakas ay makaka-apak at makikita ko na rin ang White Paradise Beach na ipinagmamalaki dito sa probinsiya ng Aklan. Dati ay sa radyo ko lang ito naririnig, ngayon heto at abot kamay ko na. Magpapadala ako ng maraming litrato mamaya kila Nanay, tiyak matutuwa sila.

Agaw pansin ang amo ko sa mga mata sa paligid. Hindi na ako nagulat doon. Kahit pa nakasuot lamang ito ng simpleng puting plain polo shirt, dark denim pants at black longwings shoes, malakas talaga ang dating nito. May narinig pa nga ako kaninang turista na sabi kong hollywood actor daw ba itong nakikita niya. Napailing na lamang ako. Kahit si ate Maia din naman agaw pansin, sexy din kasi ito at maganda. Habang ako heto, dakilang alalay. Pangit na nga, hindi pa maputi at halatang dugyot.

"Stop staring at spaces and move, pauper." dinig kong sabi ng aking amo na ikinagulat ko dahil kami na pala ang susunod na sasakay sa ferry boat na magtatawid sa amin sa Isla.

Mabuti naman at natitiis pa rin nito ang init, at makipagsabayan sa maraming tao sa pagpunta sa Isla. Mukhang nag-eenjoy naman siya at ngayon lang nagagawa ang mga ganitong bagay. Samantalang ako, pagkakita pa lang ng dagat habang tumatawid ang sinasakyan naming ferry boat ay namiss ko kaagad sa amin. Namimiss ko na rin pumalaot at mangisda buong araw.

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon