[15] Terenz Dimagiba
Warning: This chapter contains scenes not suitable for young readers or those who are not openminded. Feel free to skip. Read at your own risk. You have been warned. 🥴
Napabuntong hininga ako ng hindi tumigil sa paglalakad ang topakin kong amo kahit makailang beses ko na itong tinawag. Iwan ba naman ang cellphone at wallet dito sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung bakit bigla itong nagmamadali na makapasok, pero kahit ako man ay nagtataka dahil may naririnig ako na malamyos na tugtugin sa loob kahit wala namang ibang tao dito bukod kila Nanay Matilda.
Hindi kaya ay may kakilala itong dumating? Pagtatanong ko sa aking isipan.
Pinagtuunan ko na lamang ng pansin na dalhin ang mga nagbibigatang bagahe ni Sir Pancho papasok sa mansiyon, mabuti na lamang at tinulungan din ako ni Manong Driver. Tagaktak ang pawis at hinilot hilot ko pa ang aking leeg na bahagyang nanakit n'ung nasa sala na ako ng bahay. Nakapamewang akong tumayo doon mula sa hapo dahil sa mabibigat na dinala.
Nangunot ang aking noo dahil nakita ko ang ilang kasambahay na nagtutumpukan sa may bukana ng kusina ng mansiyon. Mukhang natigil ang mga ito sa kung anuman ang kanilang ginagawa para maki-usyoso sa kung anuman ang tinitignan nila doon - bitbit pa kasi ng mga ito ang kanilang mga walis. Nagkukurutan at naghahagikhikan ang mga ito, tila mga kite kite na kinikiliti.
Dahil sa kyuryosidad ay lumapit na ako doon.
"Grabe ang amo natin makalapa oh! Miss na miss talaga." dinig ko ang malanding bulong ng isa.
"Kahit pareho silang may espada, nakakakilig pa rin ano?" sabat din ng isa.
"Ano ba kayo? Bumalik na tayo sa gawain at baka matanaw pa tayo ni Nanay Matilda! Dali! Dali!"
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay nagsialisan na ang mga ito, hindi magkandakumahog magtulakan paalis mula sa kanina ay kanilang kinatatayuan. Tinignan ko pa muna silang papalayo bago dahan dahan na sumilip sa kusina kung saan sila kanina ay may pinagpepyestahan. Una kong nakita si Nanay Matilda sa sulok na nakatakip ang dalawang kamay sa bibig habang may kakaibang tuwa na masisilayan sa kaniyang mukha. Lumipat ang paningin ko kung saan ito nakatingin at doon ako natigilan.
Sa gitna ng kusina ay nakakita ako ng dalawang taong naghahalikan, iyong klase ng halik na tila naghahalo na ang inyong laway. Hanggang sa maghiwalay ang labi ng dalawang tao na iyon at nagkatinginan na tila ba, sila lang dalawa ang tao sa mundo. Nanuyo ang aking lalamunan, hindi maalis sa kanilang dalawa ang aking paningin.
Yumakap si Sir Pancho sa lalaking animo'y tila isang anghel, napakaamo ng mukha nito. Hindi ko maiwasang mamangha. Nakita ko ang higpit sa kanilang yakapan. Isang yakap na animo'y ayaw na nilang mawalay pa sa isa't isa. Bigla akong nanlamig sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko, ang sarap sarap makaramdam ng init ng isang bisig sa iyong katawan. Hindi mula sa magulang o kahit man sa kaibigan, kundi ang makulong sa bisig ng taong iyong sinisinta.
"Oh, Terenz apo." si Nanay Matilda na nakapagpabalik sa akin sa katinuan. "Anong ginagawa mo diyan?"
Napangiti naman ako ng alanganin kay Nanay. Lalo na noong napatingin din sa gawi ko iyong kayakap ni Sir Pancho. Nakatalikod kasi si Sir sa gawi ko. Nahihiya akong lumabas mula sa pagkakasiksik sa pader at kakamot kamot sa pisngi na humakbang papasok sa kusina.
"Oh!" malaki ang ngiti na turo sa akin ng kayakap kanina ni Sir, ngayon ay hawak na niya ito sa bewang. "Is he your new asisstant?"
Napatingin ako kay Nanay Matilda na mwinestra ako na lumapit doon sa kanila. Itinago ko ang dalawa kong kamay sa aking likuran at nahihiyang lumapit sa kanila. Hindi ko na sinulyapan ang topakin kong amo na alam kong tinitignan na naman ako ng masama. Tumabi ako kay Nanay Matilda na inakbayan naman ako pabalik.
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Aktuelle LiteraturCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...