[14] Pancho Kit Del Mundo
I sighed for I don't fucking know how many times already ng makitang wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa aking Ellie. Maging ang tawag ko ay hindi kumukonekta sa kaniya sa hindi malamang dahilan. I can't help but feel frustrated.
Suportado ko siya. Even before, his happiness is what matters to me. Nangako ako sa kaniya na kahit ano pa mang mangyayari ay nandirito lang ako palagi para sa kaniya. Pero, hindi pala madali. Nakakapagod, nakaka-exhaust, nakakafrustrate na rin. I love him so much — that it's already too much.
I don't know how long I can keep this up, babe. Please, come back to me.
"Sir, we are good to go. Nacheck-out ko na po ang kwarto and already been cleared." sabi ng kakalabas ko lang na sekretarya sa hotel habang kasunod nito ang pauper na bitbit lahat nga aking bagahe.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa rest area sa labas ng hotel at pinagkatitigan muna ang malawak na karagatan bago tumalima para sa pag-uwi. I wish Ellie's here with me. We can enjoy the scenery at the day and enjoy fucking each other at night. Napangisi ako sa pilyong kaisipan.
Naagaw ang atensiyon ko ng tahimik na si pauper. Wala lang akong sinasabi, but the rest of our leisure day sa Boracay ay halata na ang pananahimik nito. Lumalayo muli ito sa akin at tila ayaw kahit magkalapit kami ng balat. Naiisip ko muli na baka ang aking ama na naman ang dailan, but my old man is not even here. Is this really because of me?
Magmula noong nakatuwaan kong makisabay sa kaniya sa pagligo sa dagat ay nag-umpisa itong muling mag-iwas. Sa unang beses na iniiwasan ako nito noon, ano kaya ang nagtrigger n'un? But more importantly, does he really like me?
I can't help but feel something satisying inside me. Look at this pauper — starting to get enchanted at me, huh?
Ngingisi ngisi akong tumabi dito sa loob nang eroplano na dapat ay ang sekretarya ko ang katabi nito. Dinahilan ko kay Maia na gusto kong maupo sa pwesto kung saan ang pauper dahil mukhang kumportable doon, pero sa totoo, gusto ko itong tuksuhin. Napahalakhak ako sa aking isipan ng pagkatabi ko palang dito ay halos mapatalon ito sa pagkakaupo. Then he faced his body on the other side na halos tumalikod na ito sa akin.
"Sit straight, pauper." kunyari ay nangangaral na sambit ko dito.
Napapahiya naman itong umayos ng upo at pasimple pa akong dinaanan ng tingin. I secretly grinned at myself. Ah, this is really so satisfying. Gustong gusto ko siyang bullyhin. So amusing.
Kalahating oras pagkatapos mag take-off ang eroplano, nagsimula nang mag-ikot ang mga stewardess sa mga upuan para magbigay ng mga snacks. One came at our side at malaki agad ang pagkakangiti nito sa akin, she even bit her lower lip na akala niya hindi ko nakita. I don't hate girls, ayaw ko lang ng super showy. And isn't she aware kung anong trabaho niya? Hindi naman siguro included sa trabaho ng mga stewardess ang mang-akit ng kanilang pasahero. Yumuko pa talaga ito ng malalim kahit hindi naman kalaliman ang trolley na bitbit, dahilan iyon para umangat ng kaunti ang maiksi nitong skirt exposing her white legs. I almost rolled my eyes.
"Here's your snack, Sir." I don't want to be judgemental but her voice sounds so flirty — she made it so obvious and it sucks.
"Nah, I'm good." pagtanggi ko dito at pagkatapos ay bumaling sa nananahimik na pauper dahil may naglaro na naman sa aking isipan. "What do you want, baby?" I made my voice so hoarse at the word "baby" na kahit ang stewardess ay napasinghap.
Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Terenz. His jaw almost dropped at tila napipi. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng magkabilang tenga nito. Damn, really, really amusing.
"B-baby?" pabulong nitong sabi sa akin at hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng kaniyang labi.
I rolled my tounge on my lower lip. "Yeah... baby."
Bigla niyang tinakip ang dalawang kamay sa kaniyang mukha na kinailing ko. Sinobrahan ko naman yata. Napangiwi ako habang nakikita pa rin ito sa ganoong estado. Bahagya akong lumayo dito and with a smug face, tiningala ko ang stewardess na halatang natitigilan pa rin.
"My baby said he don't want any too. Thank you." pormal kong pagpapasalamat dito at tanging tango na lang ang nagawa ng babae bago lumayo sa aming pwesto.
"Pwede ba umayos ka na? Arte lang 'yun para umayos iyong stewardess sa harapan ko." walang gana kong pag-amin sa pauper at nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang pagtanggal ng kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha at tumitig sa akin — with a lost expression.
"A-arte?" inosente ang pagkakatanong nito kung kaya napasinghal ako.
I crossed my arms and legs and gave him a cracking-up expression. "Bakit sa tingin mo talaga lalambingin kita. Asa."
After I said that ay tinaasan ko siya ng kilay at gilid ng labi — nagyayabang. Lumupaypay ang mga balikat nito at nag-iwas ng tingin sa akin. Damn, natutuwa na akong paglaruan siya. It's been a long time — noong nasa highschool at college ay mahilig na talaga ako sa ganito. But I must say, off all my candidates, mas nag-eenjoy ako sa pauper na ito.
Just you wait, there's more to come.
Bandang ala-una ng tanghali ay nakarating na kami sa NAIA at sinundo ng aking driver. Hinatid muna namin si Maia sa condo nito bago kami dumiretso nang uwi sa mansiyon. Sinilip ko pang muli ang aking cellphone na tinanggal ko na sa airplane mode at nadissapoint lang muli ng wala pa ring reply sa akin si Ellie. Damn babe, please — please stop doing this to me.
Pagdating sa mansiyon ay napakunot ang noo ko pagkababa pa lang ng kotse. Tila may kakaiba. May mumunting tugtugin akong naririnig sa aking kwarto na sobrang pamilyar sa aking pandinig. Nagkakaroon lang naman ng mellow music na tugtugin na nangingibabaw sa loob ng mansiyon kapag naandito siya. Kapag naandito ang aking Ellie.
My heart beated wildly, tila kinikiliti ang aking tiyan.
"Fuck!" I happily cursed at mabilis ang lakad na pumasok sa mansiyon hindi pinapansin ang pagtawag ng pauper sa akin.
When I get inside wala akong nakita. Dumiretso ako sa kusina and there I found him. Ang taong sobra, sobra ko ng miss. Lahat ng frustration ko ay nawala at napalitan ng labis na tuwa. God, he's here. My babe is here. Finally, he's home.
"Ah! Ellie anak, naandito na siya." pagtawag ni Nana sa atensiyon nito na noon ay katulong niya sa paghahanda ng mga meryenda.
Lumingon ito sa gawi ko and God knows how hard I tried to hold back not to ravish him on the spot.
"Babe!" he beamed and smiled wildly. "Welcome home."
Wala ng pasubali ay winala ko ang distansiya sa pagitan naming dalawa. I grabbed his cheeks and kissed him — sensely. Nawawala ako sa katinuan, gustong gusto ko na siyang hagkan. And I was more glad to deepen the kiss ng pinaikot niya ang kaniyang mga braso sa aking leeg at tinugon ang ibinigay kong halik.
[Itutuloy]
AN: Naiisip niyo na ba ang naiisip ko na kasunod? 🥴 Sa mga team Terenz dito, comfort natin siya sa mga susunod na chapters ha? 🥺 Ganun talaga, hindi siya ang nauna eh. Hate react na lang po kay Pancho, ayos lang talaga HAHAHA. Halik, halik, hindi na nahiya kay Nanay Matilda. 🙄
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
General FictionCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...