KABANATA 29

4.2K 260 71
                                    

[29] Terenz Dimagiba

Bukod kay Sir Pancho, ngayon lang muli ako nakakita ng lalaki na sobrang lakas ng kagwapuhan. Gwapo rin naman si Sir Axel, pero masasabi ko na bukod kay Sir Pancho, isa ang lalaki na ito sa kinatulala ko. Habang si Sir Ellie naman ay magandang lalaki kaya hindi ko siya maihahanay sa mga gwapo. Iba ang kagwapuhan ng mga tao rito sa syudad bukod sa mga nakikita kong mukha sa kinalakihan kong isla. Nakalulula.

Kung kay Sir Pancho ay kulay abo na mga mata, kulay bughaw naman ang sa taong kaharap ko ngayon. Napakatingkad ng kulay at  kumikislap. Hindi ko alam kung natural ba ang kulay ng buhok niya pero sa pagkadilaw noon ay halatang siya ay banyaga. Maliit at matangos ang kaniyang ilong, tila hinulma at bumagay sa korte ng kaniyang mukha. Kahit hindi pa siya nakangiti ay kita ko ang biloy sa magkabila niyang pisngi. Kapag ngumiti siya ay tiyak ang lalim no'n.

"Are you okay?"

Nawala ako sa pagkatulala sa mukha niya nang marinig ko siyang muli na magsalita. Banyaga nga, may tono ang pananalita niya. At iyong boses niya'y sobrang lalim at bilog ang pagkalalaki.

"U-uh..." Nautal pa ako habang sinusubukang tumayo. "A-aym payn. T-tenkyu."

Buti na lang may kakaunting ingles akong baon. Dahil siguro sa araw-araw ko nang pakikinig kay Sir Pancho kapag siya ay nag-i-ingles.

Ngumiti naman ang lalaki sa akin at ang lalim nga ng mga biloy niya! Mas gumwapo siya do'n. Napansin ko rin ang mamasel niyang katawan at ang taas niya'y hindi nalalayo kay Sir Pancho. Bigla akong nanliit. Dapat siguro makigamit na rin ako ng gym ni Sir sa mansiyon.

"Good. Sorry, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko kanina," diretso niyang sabi.

Marunong siya magtagalog at dire-diretso pa! Ang galing naman.

"P-pasensiya na rin."

Bigla siyang tumawa. "Nakita kong nagulat ka no'ng marinig mo akong magtagalog, pero ang bilis mo rin nakabawi. How cute. Anyway, here's your things."

Inabot niya sa akin ang mga gamit ko at mabilis ko namang kinuha iyon. Tumango-tango ako at muli ay nagpasalamat sa kaniya. Ang bango niya naman. Parang amoy matamis. Hindi matapang pero nakagugutom. Branded rin yata ang mga suot niya. Plain na itim na damit, pantalon ding itim, at pares ng tila bota sa paa. Mayaman, gaya ni Sir.

"Salamat."

"You're welcome. Kukuha ka rin ba ng exam?" bigla ay kaniyang tanong.

"Uh... Oo." Napakamot ako sa pisngi.

Noon lang rumehistro sa akin na sa laki ng unibersidad sa harap ko ay hindi ko alam kung saan mag-uumpisang hanapin ang kwarto kung saan ako kukuha ng exam. Dapat pala nagpasama muna ako kay Sir kanina! Kaso ang tanda ko na para roon.

"Oh! Same here. What course? We can go together then."

Pakiramdam ko ay bumukas ang langit ng mga oras na iyon at siya ay isang anghel na ibinaba mula sa langit para tulungan ako. Salamat sa diyos at siya ang nakabangga ko!

"Salamat!" Hindi ko naitago ang saya sa aking boses.

Muli siyang tumawa. "Nah, thank you rin. Ano nga pala ang pangalan mo?"

Oo nga noh, kanina pa kami usap nang usap, hindi pa namin alam ang mga pangalan namin.

"Terenz. Terenz Dimagiba," pagpapakilala ko at naglahad ng isang kamay sa harap niya.

"I'm Kayin. Kayin Benjamin," pagpapakilala rin niya at tinanggap ang kamay kong nakalahad.

Iyon nga ang nangyari. Sabay naming hinanap ang kwarto kung saan kami kukuha ng exam. Kasamaang palad magkaiba pala kami ng kurso. HRM sa akin samantalang si Kayin ay Fine Arts ang kukuhain. Kaya pala may dala siyang parang drawing book na malaki. Magaling siguro siya sa pagpipinta.

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon