[48] Pancho Kit Del Mundo
I smiled at myself remembering the day na umalis ako sa bahay nila Terenz. The way he tried so hard na walang mapansin ang mga magulang niya sa amin. The way he chocked on his every word, he's just the cutest. There's no way I'll regret loving him.
"Damn... I miss him," bulong ko sa aking sarili at napasandal sa swivel chair.
Bored kong tinignan ang tambak kong trabaho sa aking lamesa. Apat na araw pa bago ko siya makita ulit. May inuutusan din akong magpadala ng modules niya sa kaniya para makahabol pa rin siya pagbalik niya sa university. He deserved every space and break he needed. He's been working hard up until now.
Ang hindi lang alam ni Terenz, alam na ng mga magulang niya ang tungkol sa amin. Hinarap ko sila lingid sa kaalaman niya. I grinned to myself. I can already see his surprised face kapag naisakatuparan ko na ang plano ko.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, ijo?" ang natitigilan na tanong ng ina ni Terenz sa akin.
I seriously looked at both of them and sincerely responded.
"May relasiyon po kami ng anak ninyo," direkta at walang preno kong pag-ulit sa aking naunang sinabi.
Hindi makapaniwala na napatakip ng bibig ang ina ni Terenz habang ang ama ay nag-iwas ng tingin sa akin. I know. I can understand them. Ganiyan din ang reaksiyon ni Dad noon nang una kong sinabi sa kaniya na I am dating a man. I know our parents just love us that they only want what's best for us, pero heto ang kasiyahan namin. Ang nais ko lang ngayon ay ang pagtanggap nila sa amin ni Terenz.
"Hindi ako magsisinungaling, ijo. Hindi ko inaasahan ito," ang sabi ng ama ni Terenz nang muli akong tinignan. "Alam ba ito ng ama mo?"
Mabilis akong tumango. "Yes. My Dad always knew my preferences. Matagal na po."
Nagkatinginan ang mga magulang ni Terenz pagkatapos kong sabihin iyon. Halatang may pag-aalala sa kanila at naiintindihan ko naman iyon. But if they'll tell me na itigil namin ito ni Terenz at layuan ko ang anak nila, I'm afraid I'll take Terenz away from the by hook or by crook.
"Ijo," panimulang muli ng ama ni Terenz. "Hindi ko itatago na hindi namin ito inaasahan. Marami kaming pangarap sa mga anak namin. Gusto namin na maabot nila ang kanilang mga pangarap at bumuo ng sarili nilang pamilya sa hinaharap."
Napayuko ako nang marinig iyon. Tama ang ama ni Terenz. If we're in a same-sex relationship, building a family seems far on the truth. Oo maaaring mag-ampon, magpa-surrogate, pero iba pa rin ang anak na mula sa sarili naming mga dugo at laman. Iba pa rin ang pamilya na may ama at ina. Pero... if this is true love, how come they always say that it is wrong? Mas mali ba ang mayroon kami ni Terenz kaysa sa isang asawa na nangangaliwa?
"Alam ko naman po iyon, but we both want and chose this. Alam ko pong medyo napalungkot ko siya nitong nakaraan, but believe me when I say I love your son so much. I only want him."
Tipid na ngumiti sa akin ang ina ni Terenz at hinaplos niya naman ang likod ng ama ni Terenz na seryoso pa rin.
"Sa totoo lang, nang muli namin siyang nakita, napansin ko na ang pagbabago sa kaniya. Minsa'y nakita ko siya na nakatingin sa harap ng dagat, malayo ang isip pero kita ko ang saya sa kaniyang mukha. Noon ko lang nakita kay Terenz iyon. Hindi ko siya nakitaan ng lungkot nang umuwi siya rito, ijo. At hindi rin nakatakas sa paningin ko noong makita ka rito ay kakaibang kislap ang mayroon sa kaniyang mga mata."
Naghawak-kamay silang mag-asawa at nagtinginan munang muli bago ako sabay na nginitian. Doon pa lang, nakahinga na ako nang maluwag. Doon pa lang, sigurado na akong hindi na makatatakas si Terenz sa akin.
"Sino ba naman kami para harangan ang kasiyahan ninyo? Iyon lang naman ang mahalaga at isa sa pinapanalangin namin sa mga anak namin at sigurado rin kami na ganoon din ang mga magulang mo sa iyo." Naluha ang ina ni Terenz na mabilis din namang dinaluhan ng asawa. "Wala na kaming ibang mahihiling pa basta malusog lang kayo at masaya."
"Pero bago iyon..." Ngumisi ang ama ni Terenz na kinatigil ko. "Mangisda ka muna kasama ako. Kapag marami kang nahuli, sa'yong-sa'yo na ang anak ko."
I laughed to myself remembering Terenz's father asking me that. Hinamon pa niya ako ngunit nang makitang mahirapan ako ay tinuruan na lamang ako. Sa huli, natuto rin ako at mas marami pa akong nahuli kaysa sa kaniya. Terenz laughed at me nang makabalik kami sa pangpang. Wala siyang ideya kung bakit sumama ako sa ama niya, but if he'll always laugh like that, I wouldn't mind looking like a mess in front of him just to make him laugh.
Binuksan ko ang maliit na drawer sa aking mesa at kinuha ang isang maliit na bagay roon. Pinakatitigan ko iyon at wala nang may mas sasaya pa sa akin. My heart's filled with contentment and warmth. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko hanggang sa ngayon, wala akong pagsisisi. Nadapa man ako, nawalan, nasaktan, kung kay Terenz naman ako dadalhin ng lahat ng iyon, I couldn't ask for more. He's the greatest thing ever happened in my life.
"Oh? Mukhang patungo na tayo sa seryosohan, sir, ah?"
Nawala ako sa tahimik na pagtingin sa maliit na box nang hindi ko mapansin na pumasok na pala si Maia sa aking opisina. She's grinning ear to ear and her eyes is sparkling while eyeing the royal blue blox in my hand. Mas masaya at mas excited pa siyang tignan kaysa sa akin.
"Give me that documents, Maia," ani ko pagkatapos ibalik ang box sa drawer.
"Eek! Sir, kailan? Ako bahala sa venue at mag-design doon, sir!" aligaga niyang sabi habang binibigay sa akin ang mga pipirmahan kong dokumento.
Tsk. Kung kaya ayaw ko muna sabihin lalo na sa kaniya, sila na naman tapos ang desisyon. Itong isang 'to parang binudburan ng asin at suggest pa rin nang suggest sa tabi ko. Hindi mapakali!
"Maia, I already have plans." Binalik ko sa kaniya ang pirmado nang mga dokumento. "Isa pa, matagal ko pa na masasagawa iyon."
Kaagad naman siyang napasimangot. Tinawanan ko siya dahil halatang nalusaw agad ang excitement niya.
"Bad trip ka naman, sir. Naiisip ko na pa naman ang mga eksena tapos matagal pa pala. Why naman gano'n?"
Umiling ako sa kaniya at tumingin sa gilid kung saan tanaw ang ibang mga building katabi ng kumpaniya. The sun is setting and I can't wait to see him again.
"I'll let him reach his dreams first, then after that, I'll let him make my dream come true." Tumingin ako kay Maia na ngayon ay masaya nang nakangiti sa akin. "The only dream I want to reach right now is my forever with Terenz."
[Itutuloy]
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Genel KurguCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...