KABANATA 9

5K 275 38
                                    

[9] Terenz Dimagiba

Warning: This chapter contains scenes not suitable for young readers or those who are not openminded. Feel free to skip. Read at your own risk. You have been warned.

Gusto kong tuktukan ang sarili ko sa kahiya hiyang eksena na nakita kanina ni Sir Pancho habang pilit na pilit ang pagsasayaw ko sa harap ng mga bata. Ayaw ko sanang gawin iyon, kaso, mahina ako pagdating sa mga bata. Hindi ko sila matanggihan. Naalala ko na naman ang mga batang iyon, sana ay nabusog ko sila kahit papaano.

Palihim kong tinignan ang amo ko na tahimik lang din na nagdadrive mula pa kanina. Ayaw ko na lang ding magsalita dahil nahihiya pa rin ako. Idinaan ko na lang sa malalim na buntong hininga ang pagpapawala ng aking kahihiyan. Bakit ba sa tingin mo ay gugustuhin ng amo mong pag-usapan iyon Terenz? Malamang nabadtrip lang iyan dahil inaksaya mo lang ang oras niya.

"Keep staring." salita nito at napaupo ako ng tuwid dahil nakatitig pa rin pala ako sa kaniya. Mabilisan niya akong dinaanan ng tingin bago muling seryosong tumitig sa harapan. "So not cute at all." may binulong ito kaso hindi ko klarong narinig.

"Po?"

Hindi na ito tumugon pang muli sa akin kung kaya isang linya ang labi na umiwas ako ng tingin sa kaniya. Nagtakha ako ng dumaan kami sa isang kilalang fast food chain at bumili ito ng pagkain. "Jollibee" at "drive thru", iyan ang mga salita na natandaan ko sa dinaanan namin. Iyon lang din naman ang mga salita na nangingibabaw doon. Naririnig ko din naman ang kainan na iyan sa amin kung kaya alam ko na sikat iyan, pero dahil sa bayan pa iyan at wala naman kaming sapat na pera para magpabayan o kumain manlang doon, hindi pa kami nakatikim ng pamilya ko ng pagkain na galing diyaan. Isa iyan sa mga pangarap ko sa aking pamilya, ang maka experience kaming kumain sa sikat na kainang kinagigiliwan ng mga pamilya na may kaya malapit doon sa amin. Inggit na inggit ako sa mga kabataang gaya ko noon kapag naririnig kong nagkukwentuhan sila na inuuwian sila ng pagkaing iyon ng mga magulang nilang may maayos na trabaho. Habang ako, nasa dagat na noon at tinutulungan ang tatay ko sa trabaho para may maiuwi kaming pangkain.

Ngayon, alam ko na kapag sinasabi nilang bida ang saya sa kainan na ito. Amoy pa lang, tiyak busog ka na sa tuwa. Ilang beses akong napalunok habang naamoy ko ang pagkain sa loob ng sasakiyan ni Sir Pancho. Kung maipapadala ko lang din sana ngayon kahit amoy nito sa mga magulang ko, gusto kong malaman din nila ang amoy ng pagkaing lagi ay pinapangarap namin.

Naisipan kung patago sanang kuhaan ng litrato iyon at isend kay Nanay kaso nakarating na kami sa mansiyon. Sayang. Hayaan na, baka may susunod pa naman.

"Here." hindi nakatingin sa akin na sabi ni Sir pagkababa namin ng kotse.

Nagugulat akong nagpabalik balik ng tingin sa kaniya at sa supot ng pagkain na binili niya kanina sa kilalang kainan na iyon. Ginalaw galaw pa niya iyon ng makita niyang hindi ko iyon kinukuha sa kamay niya.

"P-para sa akin, Sir?" turo ko pa sa sarili ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Naisip ko pa nga kung si Sir Pancho ba talaga itong kaharap ko o bumata ba ulit si Ninong at siya pala ang kasama ko ngayon.

"You don't want it?" sunggab ang kilay at medyo inis ang tono ng boses na tanong nito. "You must not be hungry then. Such a waste of money for a poor like you."

Bago pa niya inalis iyon mula sa pagkaka-abot sa akin ay mabilisan ko na iyong tinanggap. Sayang naman. Biyaya na, magiging bato pa. Tsaka, baka bukas o makalawa hindi na maging mabait itong si Sir, habang may himala pa, kakapalan ko na ang mukha kong tanggapin ang alay niya.

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon