[13] Terenz Dimagiba
Masaya akong naglalakad sa gilid ng dalampasigan dito sa Punta Bunga Beach — isa sa private beach dito sa Shangri-La Hotel na tanging mga guest lamang nito ang makakapunta. Bawat kuha ko ng mga litrato sa paligid ay diretso kong pinapadala kila Nanay na tuwang tuwa din habang nakikita ang mga iyon. Sana nga lang talaga ay kasama ko sila dito at naeenjoy namin ng magkakasama ang ganito kagandang lugar.
Pangalawang araw na namin dito at habang busy ang amo ko kasama si ate Maia sa pagpunta at pag-asikaso sa site daw na tatayuan nila ng bagong hotel, heto ako at hinahayaan niyang magliwaliw. Kahapon ay buong araw naman akong nakasunod dito, kaso ng nakita niyang nakatunganga lang ako kakabuntot sa kanila, sinabi niya kanina na mas mabuti na lang daw kung maiwan ako. Napabuntong hininga ako. Bakit pa niya ako sinama dito kung iiwan lang naman pala niya ako dito mag-isa sa hotel? Kungsabagay, wala nga palang magbibitbit sa mga bagahe niya at magaasikaso ng mga gamit at susuotin nito pagka-umaga.
Naupo ako sa pinong buhangin ng Isla at binusog ang aking mga mata sa malinaw at malawak na dagat. Tila ini-engganyo ako noon na lumusong at maligo. Tamang tama, hindi pa naman ako nakakaligo at maya-maya pa naman babalik sila Sir bago mananghalian. Magtampisaw kaya muna ako? Kahapon ko pa 'to gustong gawin.
Luminga muna ako sa paligid at napangiti sa aking sarili ng makitang ako lang ang tao sa banda ko. Tumayo ako at hinubad ang aking pang-itaas, hinayaan ang aking puting cotton shorts na nakasuot. Agad na kumintab ang moreno kong balat ng matamaan ng sinag ng araw. Gusto ko na muling madama ang karagatan. Ang buhay ng kagaya kong lumaki sa pangingisda.
Patakbo akong lumusong sa dagat at agad na pumasok sa ilalim noon. Nakakita ako ng maraming coral sa mabughaw na tubig at mumunting isda na sinubukan kong dakpin ng aking mga kamay. Nakakamiss lang. Sa Isla namin kapag tapos na akong mangisda, naliligo din ako sa dagat at nakikipaglaro sa mga isda sa ilalim ng tubig. Dumadagdag ang pangingitim ko dahil doon, pero wala naman akong paki. Doon ako masaya.
"Whooh!" sigaw ko pagka-ahon at nakataas pa ang dalawang kamay. Ramdam ko ang pamumuo ng kakaibang kiliti ng excitement sa buo kong katawan. Nabubuhay talaga ang dugo ko kapag nasa dagat.
"Someone's enjoying himself, huh?"
Naibaba ko ang dalawa kong kamay at napabaling sa direksiyon na pinanggalingan ng boses na iyon. Mula sa hindi kalayuan, sa bahagi kung saan hindi naaabot ng alon, nandoon at nakatayo ang topakin kong amo. Gwapo sa suot na puti at manipis na polo — at orange na short na may desenyo na mga dahon. Nakabukas pa nga ang tatlong butones sa taas ng polo nito at makikita ang lantad nitong dibdib na may mumunting mga balahibo. Pinadaanan ng kamay nito ang buhok niya na nakababa ngayon, di kagaya ng palaging ayos noon na may style o tila may gel. Mas gusto ko iyan, tila ang lambot lambot ng buhok niya kapag ganoon at kapag pinapadaanan ng kamay ay kaagad na bumabalik sa dating pwesto. Nakita ko ang panliliit ng mga mata nito ng tila mapansing ini-eksamina ko siya.
Wala sa sariling naiyakap ko ang aking mga braso sa hubad kong katawan, naiilang sa hindi malamang dahilan. Sa ilalim ng mabibigat niyang titig, naramdaman kong muli ang kakaibang init na pilit ko ng kinakalimutan. Ayun na naman ang mumunting kiliti na namumuo sa aking tiyan at tila ay bumababa sa aking pagkalalaki. Napayuko ako. Tila naging kahinaan ko na ang mga mata nito.
"Anong arte 'yan?" suplado nitong saad kung kaya muli akong tumingin sa kaniya.
Nakataas ang isa nitong kilay at nakakrus na ang mga braso sa dibdib. Inalis ko ang pagkakayakap ng aking mga braso sa aking katawan at napakamot sa aking pisngi.
"Sorry sir. Tatakas na po ako. Manananghalian ka na?" sabi ko at nagsimula ng maglakad paalis sa kabewang na taas ng tubig dahil alam ko na ako na naman ang uutusan nito na kumuha ng kakainin niya at idala na lang doon sa malaking pwesto na inuukupa namin. Maraming kwarto doon, hindi lang isa.
BINABASA MO ANG
🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔
Ficțiune generalăCOMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? Para sa binatang si Pancho, ang pagmamahal ay hindi nakikita sa rason, kung hindi ay sa kung ano ang...