KABANATA 30

4.4K 239 76
                                    

[30] Terenz Dimagiba

Bahagyang ibinaba ni Sir Pancho ang itim niyang salamin at pinakatitigan si Kayin. Tumaas ang kilay niya habang si Kayin ay ngumiti lamang pabalik sa aking amo. Umismid si Sir Pancho bago inayos muli ang kaniyang salamin at ibinalik ang atensiyon sa akin.

"We're going home," sabi niya sabay talikod.

"A-Ah, opo, Sir!" aligaga kong sagot sabay baling kay Kayin. "P-Pasensiya ka na, ha? Mauuna na ako."

"Okay. I'll text you!" Kumaway si Kayin sa akin bago ako nakapasok sa kotse ni Sir.

Nakakahiya, ni hindi ko manlang sila napakilala sa isa't-isa. Bakit naman kasi nagmamadali itong si Sir Pancho? At bakit pakiramdam ko ay naiinis siya sa hindi ko alam na dahilan?

"Who was that?" bigla ay tanong niya noong papalabas na ang kotse niya sa unibersidad.

Inayos ko ang aking seatbealt na hindi pa nalalagay ng maayos, pero itong amo ko umaarangkada na.

Tumingin ako sa kaniya at nakita ang salubong niyang kilay. "Nakilala ko lang po kanina. Tinulungan niya po akong maghanap ng silid kung saan ako kukuha ng pagsusulit."

Narinig ko ang pagtunog ng dila niya.

Bakit mas sumama yata ang timpla ng mukha niya? Hindi ko nakikita ang mga mata niya dahil sa nakaharang na salamin doon, pero bakit pakiramdam ko ay masama ang titig niya sa daan? O baka pakiramdam ko lang talaga?

"Do you have a hobby of talking to strangers, Terenz? Baka binigay mo rin ang numero mo do'n?" aniya sa mas malalim na boses.

Napayuko at nagsimulang kabahan. Bumalik sa aking alaala ang eksena kung saan galit na galit si Sir Pancho at bigla na lamang akong hinalikan dahil nalaman niya na nagpapadala sa akin ng mensahe si Sir Axel. Ayaw kong sabihin dahil baka kung ano na naman ang gawin niya, pero masama ang magsinungaling.

"A-Ah... M-Mukha naman po siyang mabait, Sir. Kaya..." Nag-aalinlangan akong napatingin sa kaniya.

Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga at ang mas lalong pandidilim ng kaniyang paningin. Hinanda ko ang aking sarili sa kung anuman ang kaniyang gagawin, pero isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan niya. Hanggang sa nakarating kami sa mansiyon ay ako pa ang nagulat dahil wala siyang sinabi o ginawa.

'Yun lang? Buntong hininga? Sayang.

"I want you to cook for our dinner for tonight. Nasabihan ko na si Nana. I want adobo, please. Thank you."

Hindi ako magkanda-ugaga sa pagsunod sa kaniya pagkalabas ng kotse. Ang laki naman yata ng hakbang niya tila atat na makalayo sa akin.

"Okay, Sir," pagtugon ko sa kaniyang hiling.

Pagpasok sa mansiyon ay agaran kaming namataan ng mga kasambahay.

Isa ito sa pinagtatakahan ko nitong mga nakaraan. Kapag nakikita nila kami na magkasama ni Sir ay tila naiilang sila at hindi makatingin sa amin. Si Nanay Matilda ganoon pa rin naman, kaso kapag nagtatama ang paningin nila ni Sir Pancho ay parehong seryoso ang mga titig nila. Hindi ko maiwasang kutuban kung nalaman ba nila na may nangyari sa aming dalawa?

Paano na lang kung makarating kay Ninong? Lalo na sa pamilya ko? Hindi pa ako handa roon.

"Nanay, sabi ni Sir ako na raw po ang magluluto ngayon," bungad ko kay Nanay pagkarating sa kusina.

"Ah, oo. Nasabihan na rin niya ako. Aniya ay para mahasa ang kakayahan mo bago magpasukan."

Napangiti naman ako roon.

Iba na talaga si Sir ngayon. Marunong nang makiramdam sa ibang tao hindi kagaya dati na makasarili. Naalala ko pa noong una ko siyang pinagluto at nais lang niyang ipakain iyon sa mga aso sa kalye. Natutuwa ako at saksi ako sa pagbabago sa kaniya, kahit pa ang dahilan noon ay si Sir Ellie.

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon