KABANATA 1

8K 339 55
                                    

[1] Terenz Dimagiba

Halos malula ako sa pamamahay na nasa aking harapan dala dala ang bagahe na naglalaman ng aking mga kagamitan. Kanina, habang nasa daan kami nila Ninong Domingo papunta ng Maynila ay tila mababali ang leeg ko sa pakaliwa't kanang pagtitingin ko sa mga nagtatayugang building na nadadaanan namin. Napapanganga ako dahil nagtatayugang mga puno lang ang tanging kinamulatan ng aking mga mata. Nakakamangha. Sobrang daming tao sa paligid at tila dagat sila sa lawak. Tama lang ba na sumama ako dito? Tila ang umapak sa mundong ito ay hindi nararapat sa dukha na kagaya ko.

"Oh, Terenz ijo? Ayos ka lang ba? Nahilo ka ba sa byahe? " ani ni Ninong na tinapik pa ako sa balikat.

Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya dahil hindi ko masabi na labis akong kinakabahan ngayon. Paano kung hindi ako matanggap ng mga kasamahan ko sa trabaho? Ibig kong sabihin ay ang probinsiyanong gaya ko. Malansa at halatang taong araw.

"Ah eh, ayos lang po ako. Medyo naninibago lang." ani ko, hindi makatingin sa kaniya.

Bumuntong hininga siya habang nakangiti. Akala ko ay pagtatawanan niya ako pero, mabait nga pala si Ninong.

"You'll adjust son. Isa pa, maaasahan mo ang mga tauhan ko dito. They're with this family for years at nasisiguro ko na pakikisamahan ka nila ng maayos."

Sa sinabi niya ay medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Ang anak na lang pala niya ang iisipin ko sa gayun. Base kasi sa mga narinig ko kay Ninong, mukhang mahirap siyang pakisamahan. "Spoiled brat", ika nga nila sa Ingles na lenggwahe na kanilang nakasanayan.

Pumasok kami sa tahanan nila Ninong. Ngumiti pa ako sa ilang kasambahay nila na inabangan kami sa hamba ng pinto kahit pa may nagtatanong na tingin sila sa akin. Ewan ko ba, medyo gusto kong maluha sa ganda ng bahay nila. Ganitong ganito kasi ang tahanan na gusto kong ibigay at maranasan ng pamilya ko. Sumasakit ang dibdib ko kapag naaalala ko ang pagsisiksikan namin sa maliit naming tahanan. Pero, napapangiti dahil kahit ganoon, masaya pa rin kami. Iyon naman ang importante, hindi ba?

"Welcome to our home ijo. I hope you'll feel at home here. " si Ninong habang nakangiti sa akin. "Matilda, can you show Terenz around? At ituro mo sa kaniya ang kwarto sa pinakadulo ng second floor, iyong kwarto na hindi na nagagamit. Siya ang uukupa noon. Siya ang magiging bagong miyembro ninyo pero, he'll be exclusively be assigned only for Pancho." Anito na may kakaibang ngiti na inilabas, hindi ko mawari kung ano iyon.

Nakarinig naman ako ng singhap at mumunting bulong sa iba. Ang iba pa ay iiling iling, tila naaawa na kaagad sa akin. Napakagat ako sa aking labi. Bakit sa kaniya lang ako itinoka ni Ninong?

"Masusunod ser. " ani ng Matilda na sinabihan ni Ninong. May katandaan na ito pero nagpapabata sa kaniya ang palakaibigan niyang ngiti. She looks kind. "Ako nga pala ang mayordoma dito, ijo. Halika sumama ka sa akin, dadalhin kita sa magiging kwarto mo."

Tumingin ako kay Ninong at sinenyasan niya naman ako na sumama dito. Nag-aalangan na sumunod ako sa likuran ni Lola Matilda. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng tahanan at halos manginig ang kamay ko ng sinubukan kong hawakan ang mga bagay na nadadaanan namin. Malilinis ang mga ito. Halatang hindi pinapabayaan sa kintab. Nawala lang ang aking atensiyon doon ng mapatingin ako sa baba at nakita na umalis si Ninong.

"Saan po ang punta ni Ninong? Sa trabaho po?" Ani ko dahil hindi manlang ba ito napagod? Galing pa kaming byahe. Ako nga gusto ko ng mahiga agad.

Tumawa naman si Lola Matilda at malakas akong pinalo sa aking balikat. Napahawak ako doon habang nagugulat sa kaniya.

"Kasi may sarili namang bahay si Ser Domi, Terenz apo." Anito na kinagulat ko. Sa pagtawag niyang apo sa akin at sa sinabi nitong may ibang bahay si Ninong.

"Po? Eh hindi ba sa kanila ito? " nagtataka kong tanong.

Nakita kong lumungkot ang kaniyang mukha.

"Simula kasi ng mamatay si Ma'am Kitarina ay nawala na ang sigla sa pamamahay na ito. Masyado kasing workaholic si ser kung kaya ng lumaki si ser Kit ay napalayo na rin ito sa kaniya. Hanggang sa hinayaan na lang ni Ser ang pamamahay na ito kay Ser Kit at bumukod na lang ng tahanan. Doon siya ngayon nakatira sa vacation house nilan paborito ni Ma'am Tina."

Kit?

"Dalawa ang anak ni Tito? Eh yung Pancho po nasaan? " magkarugtong ang kilay ko na sabad. Tumawa na naman ito ng malakas at ilang beses na akong pinalo sa balikat. Grabe itong si Lola, nakailan na sa akin.

"Nakakatawa ka ijo. Si ser Kit at ser Pancho ay iisa. Pancho Kit kasi ang pangalan ng alaga namin."

Ah. Pancho Kit pala ang pangalan niya. Ang tanga mo naman Terenz.

Nakarating na kami sa pinakadulong pasilyo kung saan ang kwarto na sinabi ni Tito at nagulantang ako kasi parang hindi pang katulong ang kwarto. Maliit man, may kama naman at maayos na paliguan. Shower pa nga eh at may mababangong sabon at shampoo. May isang malaking tukador na pwede paglagiyan ng damit at isang glass sliding door na may mini veranda sa labas. Tanaw mula dito ang swimming pool nila na sa wakas nakita ko na sa personal. De aircon pa!

"Sa akin po talaga ito? " ani ko.

"Maganda ano? Sa lahat ng pinagtrabahuhan ko, dito lang sa mga Del Mundo ka makakakita ng sosyal na mga katulong. Huwag kang mag-alala ganito din ka kumportable ang kwarto namin." tatawa tawa niyang sambit.

Grabe. Parang gusto ko ng mag dive sa kama at talon talunan iyon. Ibinaba ko ang aking bagahe sa taas ng kama. Tinignan naman ako ni Lola Matild na nag aalangan.

"Bakit po? " tanong ko.

"Matagal na kasing hindi pinapagamitan ang kwarto na ito dahil ang huling gumamit nito na nakatoka din kay Ser Kit ay halos mabaliw. Grabe kasi talaga ang pag-uugali ng batang iyon, ewan ko ba. Noong maliit ito ay malapit pa ito sa amin at sobrang mabait, malambing. Noong nag binata na at nagbarkada ay labis itong nag-iba." Bumuntong hining si Lola Matilda. "Hindi naman namin sinisisi si Ser Domi, pero labis din sigurong nasaktan ang batang iyong ng mamatay ang Mommy niya."

"Nakakalungkot naman po. " ani ko. Dinig ko din kasi na namatay sa aksidente si Ma'am Kitarina.

Hinawakan ako ni Lola sa magkabila kong balikat. May habag man sa mga mata ay pilit niya pa rin akong nginitian.

"Unang kita ko pa lang sa iyo kanina apo ay alam kong sanay ka sa trabaho. Napakagwapo mong bata. Simple lang at alam kong mabait." nahiya naman ako sa sinabi nito.

"Ikaw naman Lola, hindi naman po. Ang itim ko nga oh." ani ko na ikinatawa niya ulit.

"Katapat mo pala ng kwarto sila Ser Kit at mamaya pang gabi ang uwi noon. Baka bukas mo pa siya makilala. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo."

Sila? Bakit sila? May iba pa ba itong kasama sa kwarto niya?

"Sila po? May kapatid ba si Sir Kit? " taka kong ani. Tila nagulat naman ito bigla.

"Ay hindi mo pa pala alam? Kungsabagay, kahit si ser Domi ay ayaw din sana sa kanilang dalawa pero mabait naman kasi ang batang iyon. Nagulat nga rin kami noong una. " iiling iling niyang sabi. "Minsan kasi kapag bumabalik ng Pilipinas ang kasintahan ni Ser Kit na si Ellie ay dito ito tumutuloy. Pagpasensiyahan mo na agad apo, hindi soundproof itong kwarto mo. Kapag nagkikita kasi sila ay dinadamba agad siya ni Ser." Tawa niya na kinakunot lang ng noo ko. "Mahal na mahal niya kasi ito. Kahit sa amin sa baba nga ay dinig na dinig namin sila minsan." natatawa pero hindi makatingin na ani sa akin ni Lola. Doon lang nag sink in sa akin ang pinapahiwatig niya.

Jusko. Tila gusto ko na agad yatang magpalit ng kwarto.

[Itutuloy]

🌈 The Pervs Series: Pancho Kit Del Mundo (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon