CHAPTER TWO

388 16 2
                                    

"Shh... Huwag kayong maingay," nanatiling tikom ang aming mga bibig at pinapakinggan ang naging komosyon sa labas.

Gusto kong tumungo papunta doon pero ayaw nila akong payagan, dahil delikado. Hindi namin alam kung anong nangyayari pero may bigla na lamang sumabog malapit sa lugar namin.

Mabilis na nagkagulo ang mga tao dito. Hindi ko na nga maintindihan ang kanilang mga sinasabi dahil puro salitang  intsik lamang ang lumalabas sa bunganga ng mga tao dito, maliban sa amin.

"Lumabas na kaya ako para tignan ang pangyayari doon?", bulong ko.

Sabay-sabay silang napalingon sa akin at kinunotan ako ng noo.

"Lili, walang aalis, delikado. Hindi natin alam ang nangyayari, baka mapahamak ka lang---", naputol ang sasabihin ni Luigi.

Sabay sabay kaming napayuko nang makarinig ng pagsabog. Parang nayanig ang lupa dahil sa lakas no'n.

Nanlaki ang mata ko nang mapalingon sa bintana. Sira-sira na ang mga building at evacuation center na ginawa ng gobyerno ng China para sa mga survivors!

What the hell is happening?!

"Shit! Kailangan na nating makaalis dito sa lalong madaling panahon!", bulalas ko at tinuro sa kanila ang labas kung saan nangyayari ang komosyon.

Madaming tao ang nagtatakbuhan para iligtas ang kanilang sarili. Ang ginawa nilang ligtas na lugar ay sila ding ginawa nilang pa-in para sa mga tao.

Napangisi ako dahil do'n. What a wicked government they have, pity them.

Narinig ko ang kanya-kanya nilang malulutong na mura. Tahimik lamang ako at nag-iisip ng plano ngunit walang pumapasok sa utak ko.

Kung kailan naman kailangan ang mga bulate ko, ay siya namang natutulog at nagpapahinga sa utak ko. Walang kwenta.

"Sa tingin ko ay manatili muna tayo dito at pahupain ang nangyari bago tayo gumawa ng mga plano. What do you think?", tinignan namin si Xyron na unang bumasag sa katahimikan naming lahat.

"Hindi ba delikado na manatili pa tayo dito?", nag-aalalang sagot ni Jasmine.

"Ofcourse, it is. But, we're still safe as long as we're here inside our room," si Primo na ang sumagot at sumang-ayon naman kaming lahat.

Isa-isa kaming nagtayuan at maingat na gumagalaw upang hindi makagawa ng ingay. Nagkakagulo pa rin sa labas pero sa tingin ko ay malapit ng humupa iyon.

Isa-isa naming binaba ang bawat kurtina ng bintana. Buti na lamang ay may kurtina iyon, dahil hindi naman tinted ang bintana ng kwartong ito kundi transparent. Masyadong malalaki ang mga bintana kaya posibleng mapasok kami ng kung sinuman sa oras na mabasag iyon.

"Jiāngshī! Jiāngshī!"

"Wǒmen yàosǐle!"

Tanging ang mga salitang iyon lamang ang naririnig ko na nanggagaling sa labas. Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo dahil sa mga salitang iyon.

Anong ibigsabihin no'n?

Lahat kami ay nagkatinginan at pilit iniintindi ang lenggwahe nila.

"Zombies . . ."

Napalingon kaming lahat kay Astrid nang magsalita ito. Nakatingin ito sa siwang ng kurtina ng isang bintana. Napatingin din kami doon at napanganga sa nakita.

"What the fvck...", bulong ko.

I should be used in this kind of situation but everytime i experiencing it, it feels like the first time. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing nakakakita ako ng mga taong humahabol ng kapwa tao para lamang kainin ang mga ito.

Yes, there's a zombies, a horde of zombies. At hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon. I thought this place is their safe haven? But, why there still a lot of zombies lurking around?

Ano ba talaga ang pinaplano nila? Hindi ba't may gamot na sila sa virus na ito? Bakit hindi pa nila gamitin iyon kahit lang man dito sa kanilang bansa, 'di ba?

Hindi ba parang may nangyayaring kakaiba? It's like that may pinaplano pa silang iba.

"Naguguluhan ako."

Napatingin kaming lahat kay Jazzie na kanina pa tahimik at ngangayon lamang nagsalita.

"Magulo ka naman sadya," pambabara ni Raven. Sinamaan niya ito ng tingin at seryoso ulit na nagsalita.

"Seryoso ako," natahimik naman kaming lahat. "Hindi ba kayo nagtataka? Bakit ang dami pa ring zombies dito kung may gamot na pala sila para mawala ang virus na ginawa nila? Strange, isn't? Sila naman ang gumawa ng virus at kanila din 'tong bansa, 'di ba?"

Natahimik kaming lahat sa kanyang sinabi.

"Same thoughts.", ani ko.

"I second the motion." napairap ako nang sabay-sabay silang magsang-ayunan na parang iyon din ang nasa isip nila.

"Gaya-gaya." bulong ko.

"Baka naman hindi pa fully successful 'yung vaccine," ani Cyphrus.

"That's bullshit. Nakita natin kung paano naging tao ulit si Professor, 'yung si... ano ngang pangalan no'n?", inisip ko pa kung sino 'yung dati naming professor.

Palagi na lang talaga akong nakakalimot sa pangalan.

"It's Professor De Torres.", Primo said.

"Oo. 'Yun nga!", pag-sang-ayon ko.

"Baka fake 'yung picture?"

Napatingin kaming lahat kay Hiro na seryosong nakatingin sa amin ngayon. Para kaming sinuntok ng katotohanan nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"So, anong pinalalabas mo? Na niloko lang tayo ng Presidente?", saad ni Astrid na nakapagpatahimik sa aming lahat.

Kung totoo man ang sinabi niya ay masiyado kaming malaking bobo dahil naniwala kami agad. Pero, bakit naman 'yun gagawin ni President Chad 'di ba? Maliban na lang kung isa siya sa mastermind ng lahat ng ito.

Malaki ang paniniwala ko kay President Chad kaya hindi man lang pumasok sa isip ko ang mga bagay na iyon. Wala pa naman kaming kasiguraduhan kaya hindi ko muna huhusgahan ang mga bagay-bagay dahil baka magkamali kami ng akala at baka ito pa ang magpahamak sa amin.

"He won't do that. Never.", sabi ni Ace na umiiling-iling pa kaya napatigil ako sa pag-iisip.

Tumawa ng pagak si Xyron kaya napalingon kami sa kanya. Nakangisi ito na parang may sasabihin na naman na makakapag-init ng bunbunan ko.

Sarkastikong tumingin si Xyron sa tatlong magkakatabi ngayon. Ace, Rouge and Chase.

"Hindi nga ba? o baka naman kasama din kayo sa mga plano niya?"


PLAGIARISM IS A CRIME

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon