CHAPTER ELEVEN

280 10 1
                                        

A/N: Guys. Pasensya na kung parang may pagbabago sa mga story. Sobrang makakalimutin ko kasi, tapos sa sobrang makakalimutin ko, nakalimutan ko na din mag-outline. Sorry talaga kung parang nae-alien na kayo dito sa story😭✋

CHAPTER 11

Hingal na hingal kami ni Aiden matapos tumakbo palayo doon sa zombie. Nagtataka pa ako dahil bakit nag-iisa lamang 'yon?

Naligaw ba siya? Kawawa naman.

"Ate, pagod na 'ko. Kanina pa tayo takbo nang takbo."

"Anong gusto mo? Maglakad tayo habang hinahabol ng zombie?", naglakad ako ng slowmotion para mas mabara ko siya. "Chillin' like a villain, gano'n?"

Umirap siya at hinagis sa 'kin ang katana niya. Mabuti na lamang ay mabilis kong nasalo iyon.

Taka ko siyang tinignan dahil sa biglaan niyang pagbato sa 'kin ng katana niya. Umupo naman siya at inayos ang sintas ng kanyang rubber shoes.

"Mas magagamit mo 'yan, ate. I'll just use your gun na lang," sabi nito bago tumayo.

Hindi na ako nagreklamo at binigay na lang din sa kanya ang baril na hawak ko. Napatingin ako sa katana'ng hawak ko at napangisi.

Rock 'n roll..

Napatigil kami ni Aiden sa paglalakad nang bumungad sa 'min ang tatlong magkakahiwalay na daan. Kumunot naman ang noo ko dahil doon.

"Three pathway in one tunnel?", bulalas ni Aiden. Tumingin siya sa 'kin na parang sinasabi na, "Joke ba 'to?"

Isa-isa kong pinadaanan ng tingin ang bawat daan, nagmukhang panibagong tunnel din ang tatlong iyon, kanan, gitna, at kaliwa.

"Saan tayo dadaan?", tanong ko kay Aiden. Pinagkrus ko ang mga braso ko at bumuntong hininga.

Sigurado akong magkakaiba ang dulo ng bawat daan na ito. Hindi namin alam kung ligtas ba doon o kung may ano na namang kaek-ekan ng mundong 'to.

"I don't know.."

Pumunta si Aiden sa isang sulok at pabagsak na umupo doon. Nagulat ako nang bigla na lamang yumanig ang lupa.

"Anong nangyayari!?", natatarantang saad ko. Ang kaninang nakaupong Aiden ay bigla na lamang rin tumayo at tumakbo palapit sa 'kin. Kunot noo ko siyang tinignan.

"Anong ginawa mo?", parang naninising saad ko.

"Ate, don't look at me like that! I didn't do anything!", defensive na sagot niya.

Nakita kong humihiwalay ang lupang tinatapakan namin sa bukana ng tatlong magkakahiwalay na daan.

Bago tuluyang mapahiwalay ay tumalon ako sa gitnang daan na hindi pinag-iisipan ang ginagawa. Lumingon ako sa likod ko at nakitang hindi nakatalon si Aiden at tuluyan nang napahiwalay lupang tinatapakan niya sa lupang tinatapakan ko.

Nakita kong may tinuro siya sa likod ko, "Ate! Zombies!"

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa mga zombies dahil sa sobrang dami nila. Rinig ko ang pagkasa ng barili sa likod ko at kitang kita ko kung paano natutumba isa-isa ang mga zombies na palapit sa 'kin.

Sobrang dami nila.

"Aiden! Go! Don't waste your bullets just to save me!", sigaw ko. Hindi siya nakinig.

"No."

"Aiden! Kapag hindi ka nakinig sa 'kin parehas tayong mamamatay dito! Just go! Hanapin mo ang mga kasama natin! Kaya ko na 'to."

Tumayo ako at kinuha ang katana na tumalsik kanina nang tumalon ako. Kung kaya ko lamang talunin ang pagitan ng lupang tinatapakan ko sa tinatapakan ni Aiden ay kanina ko pa nagawa, para lamang makatakas dito.

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon