CHAPTER FIVE

274 11 0
                                    

Nagtaka kami kung bakit itinigil ni Primo ang sasakyan.

"Anyare?"

Nasa kalagitnaan kami ng highway at masasabing wala pang karumaldumal na nangyari dito dahil napakalinis pa ng daan at halatang hindi masiyadong dinadaanan ng mga sasakyan.

"We will stay here--"

"No, Primo. We're not safe here." pagsingit ko sa sasabihin niya. "Continue driving. May plano ako."

Tumango naman siya at hindi na nakipag-away pa sa 'kin. Ha! Dapat lang. Ako dapat boss.

Nilabas ko ang mapa na kanina ko pang tinatago. Nagdadalawang isip pa nga ako kung ilalabas ko ba 'to o hindi, e. Baka kasi pagalitan nila ako.

Takot kaya ako sa kanila, medj.

"Ano 'yan, Lili?", tanong ni Jazzie.

"Mapa," maikling saad ko bago tanggalin ang seatbelt ko at humarap sa kanilang lahat. "Aiden, let's exchange seats. Ako diyan, dito ka."

Una akong umalis sa pwesto ko para sumingit sa mga taong nasa likod bago lumipat si Aiden sa unahan kung saan ako nakapwesto kanina.

"Paikot ng upuan para kita ng lahat 'tong ipapaliwanag ko."

Nagsitanguan naman silang lahat pero mabilis din na bumalik sa pwesto dahil hindi sila kasyang lahat.

"Tsk. Kailangan pa nating bumaba para maikot 'yang upuan. Bobo talaga 'to," saad ni Luigi. Inirapan ko naman siya sa sinabi niya. Hindi ko naman kasalanan na hindi rin siya nag-iisip 'no.

Itinigil ni Primo ang sasakyan bago kami nagbabaan nila Luigi, Astrid, Kelly, Roge at Jasmine. Kami lang 'yung nakaupo sa gitna kaya kami lamang 'yung bumaba para iikot ang upuan namin paharap sa likod. Samantalang 'yung mga nasa likod naman namin ay iniatras ang kanilang upuan sa pinakalikod para lumawak ang espasyo ng gitna.

Luminga-linga ako sa paligid dahil baka may mga zombies na malapit sa amin. Thankfully, wala naman.

"Uhm!"

Napatingin ako sa likod nang may narinig akong ungol. Nagtaka naman ako kung bakit nakatali na ngayon si ate girl na from ph dot com.

"Ba't nakatali 'yan?", sabi ko at isinarado na ang pinto ng sasakyan nang makapwesto kaming lahat. Bale, magkaharapan na kaming lahat ngayon at tanging si Primo na nagda-drive at si Aiden na pumalit sa pwesto ko kanina ang nakatalikod sa amin.

"Baka may gawing hindi maganda, Lili. Alam mo na, mga tao ngayon parang ahas. Ssss..", ginaya pa ni Cyphrus ang tunog ng ahas at maslalong hinigpitan ang tali ng babae sa katawan ngayon.

Ako naman ang naaawa sa hitsura ng babaeng 'to. Jusko! Pati bunganga niyang malaki, tinakpan na rin. Hays!

"Ah. Okay. Kayo bahala." nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na lamang iyon pinakealaman pa. Wala naman kasi akong pakealam sa babaeng 'yan..

Inilapag ko na ang mapa na hawak ko sa maliit na box na nasa gitna namin ngayon para makita ng lahat.

"So, eto na nga. Dito na magsisimula ang napakahaba nating journey," panimula ko. Nakakunot lahat ng noo nila na parang may gustong itanong sa 'kin. "Sige na. Huwag na kayong mahiya. Alam kong may itatanong kayo." saad ko at sumandal sa aking upuan.

Tagal naman nilang magtanong e. Gustong gusto ko na isa-tinig ang aking mga naisip. Nux! Pwede na 'kong gumanap sa mga historical movie. Lol.

"Where did you get that thing?"

Natahimik kaming lahat nang si Primo ang magsalita. Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Iniisip ko pa lang kung paano ko nakuha ang mapang ito ay parang gusto ko na rin umalis dito at magtago na lang dahil sa magiging reaksyon ng bagsik Primo.

Huhu.. Lagot ako nito.

Madaling araw pa lamang ay gising na ako dahil gusto ko na talagang kumilos mag-isa at maghanap ng mga clues na magdadala sa 'min sa katotohanan. Masyado nang matagal ang pamamalagi namin dito at nababagalan na din ako sa proseso namin.

Don't get me wrong, ha. Mas mabilis akong makakagalaw kung mag-isa lamang ako at sa gano'ng paraan din ay hindi mapapahamak ang mga kaibigan ko.

Isinukbit ko na sa balikat ko ang baril ko na G36C bago ako dahan dahan na naglakad para hindi sila mabulabog at walang makakita sa 'kin na lumabas.

Mukha naman na masarap ang mga tulog nila dahil harok pa ang iba. Dugyot.

Tinapunan ko ulit silang lahat ng tingin bago binuksan ang pinto at akmang lalabas na.

"Ate.."

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Aiden sa tabi ko. Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Ba't gising ka? Matulog ka ulit do'n." pagtutulak ko sa kanya ngunit ay hindi naman siya nagpatibag at may kinuha din sa kanyang hinihigaan.

Nakangiti siyang lumapit sa 'kin habang hawak ang pinakamamahal niyang katana. Si President Chad ang nagbigay sa kanya ng bagay na 'yon. Kainggit nga, e.

"Sama ako, ate."

Wow, ha. Ang genuine ng ngiti niya. Akala niya naman isasama ko siya.

"No."

Imbes na magpumilit siya ay ngumiti lamang siya bago tumalikod sa 'kin. Akmang tatalikod na ako para lumabas nag magsalita ulit siya.

"Okay then. I will tell this to them."

Napatigil ako at mabilis na lumapit sa kanya bago siya higitin palabas ng bahay.

Grr.. Tigas ng ulo niya, ha!

"I can't belive that you just blackmailed me! Nako, Aiden! Sinasabi ko sa 'yo, ha! Ang tigas na talaga niyang ulo mo. Hindi ka na nakikinig sa 'kin!" inis na saad ko. Medyo hininaan ko naman ang boses ko dahil baka mabulabog ang mga tao dito.

Nakalayo na kami ni Aiden sa lugar namin at sinisermunan ko pa rin siya hanggang ngayon.

"But ate, i just want to come with you, e. There's nothing wrong with that!" maarteng saad niya.

Hindi naman na ako nakipagtalo pa sa kanya dahil wala na akong magagawa pa. Ang tanging paraan na lamang ay sabihin sa kanya ang mga plano ko. Taimtim siya na nakinig sa mga sinabi ko at bahagyang tumango.

"Okay. Got it. Let's go!" masiglang sabi niya. Kunot-noo ko siyang tinignan bago magsalita ulit.

"Don't be so reckless, Aiden. I'm warning you." striktong sabi ko. Bahagya siyang ngumiwi bago tumango.

"Good. Let's go."


PLAGIARISM IS A CRIME

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon