Isang araw na ang nakalipas simula nang magkasama-sama sina Lili, Cyphrus at Luigi sa isang malaking kwarto or should I say, sa isang malaking labaratory sa loob ng barko kung saan sila dinala ng mga tauhan ng matandang intsik.
Simula ng makasama ng dalawa si Lili ay hindi na sila mapakali sa kalagayan nito dahil parang sobrang nanghihina ang babae at ang pamumutla nito ay kumakalat sa buong katawan.
Nakahiwalay ang kulungan ni Lili sa dalawa kaya gano'n na lamang ang pag-aalala ng mga ito.
Gustong lapitan ni Luigi at Cyphrus si Lili pero hanggang hawak na lamang sila pareho sa rehas nila dahil doon sila kinulong ng matandang intsik.
"Tsk! Takteng matanda 'yon, pinanindigan pagiging kontrabida niya. May balak ba siyang isa-isahin tayo?", inis na sabi ni Cyphrus at awang-awa na sa kalagayan ni Lili na ngayon ay bumibigat na ang paghinga.
"Lili, ayos ka lang ba?! Ano ba nangyayari sa 'yo? Ano bang katarantaduhan ang ginawa sa 'yo ng matandang 'yon?", nag-aalalang sabi ni Cyphrus.
Tumingin sa kanya si Lili at ngumiti ng bahagya, "Ayos lang ako, Cy. Gutom lang 'to," pinilit nito na pasiglahin ang boses kahit na halatang halata naman ang paghihirap nito.
Kumunot ang noo ni Cyphrus. Hindi niya alam ang gagawin dahil sobrang layo naman nila sa isa't isa.
Kung madali lamang masira ang bwisit na bakal na humaharang sa kanila ay paniguradong kanina pa niya ito tuluyang nasira, kaso ay hindi gano'n ang sitwasyon dahil mukhang buto niya ang masisira kapag pinuwersa niya ang bakal na nasa harap niya ngayon.
Tumingin ito kay Luigi na tahimik lamang at hindi nagsasalita pero bakas na bakas pa rin sa pangit na pagmumukha nito ang pag-aalala sa kaibigan.
Nagkibit-balikat na lamang si Cyphrus. Hindi niya ito masisisi sa pananahimik dahil sino nga naman ba ang hindi mananahimik kung 'yung taong gusto mo, may gustong iba- just kidding.
Hindi kasi makapaniwala si Luigi na isa pa lang traydor si Franshie, well ayaw niya manghusga pero simula kasi ng mapunta sila dito ay hindi na nila nakita pa si Franshie, the fact na kilala siya ng matandang hukluban ay naging isa pa 'yon para paghinalaan namin na traydor talaga siya.
"Oy, pre. Naliliyo ka ba? Sabi ko naman kasi sa 'yo na uminom ka ng bonamine ka e, para 'di ka masuka." pagbibiro ni Cyphrus.
Kapani-panibago ang pananahimik ng dalawa niyang kasama kaya siya na lamang ang gumagawa ng ingay para naman gumaan ang atmosphere sa loob.
"Gago.."
Imbes na tumawa si Cyphrus sa naging reaksyon ni Luigi ay nangunot ang kanyang noo dahil sa inaakto ng kaibigan. Hindi niya mawari ang pagiging seryoso nito.
Hindi niya alam kung nagkakaganito ba siya dahil sa babae- kay Franshie o may iba pang dahilan.
Sa halip na tumahimik na lang si Cyphrus ay nagsalita na naman ito.
"Lui, huwag mo nang isipin si Franshie. Tanggapin na lang natin ang nangyari," kunwaring nag-aalalang saad nito. Nagulat naman siya ng seryosong tumingin sa kanya si Luigi.
"Gago. Hindi iyon ang iniisip ko," bumalik ang tingin nito kay Lili na hindi sila napapansin dahil sa iniinda nitong sakit.
Sumenyas si Luigi kay Cyphrus na umatras sila pareho para medyo malayo kay Lili.
Parang sinisigurado ni Luigi na hindi maririnig ni Lili ang sasabihin niya na ipinagtaka naman nito.
"Do you think. . . Lili is infected?", walang paligoy-ligoy na saad ni Luigi. Napatahimik si Cy at maya-maya pa ay napatawa nang bahagya.
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
HorrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...