"Pagsa-bobo din!", humagalpak ng tawa si Hiro. Nakahawak pa ito sa tiyan niya at maluha-luhang nakatingin kay Cyphrus.
Natigilan kaming lahat ng may narinig na salamin na nabasag. Napatakbo ako sa kusina kung saan doon nanggaling ang ingay.
Nanlaki ang mata ko nang may pilit pumapasok na zombie. Kaunti na lang at tuluyan nang masisira ang bubog ng malaking bintana.
Mabilis kong kinuha ang kutsilyo na nakapatong sa lamesa at patakbong lumapit sa zombie na nakasilip na ang ulo sa bubog. Itinarak ko ang kutsilyo sa kanyang ulo kaya nagtalsikan sa akin ang mga dugo no'n.
Napangiwi naman ako dahil do'n. Kakaligo ko lang kanina. Bwisit naman, oh!
"Prepare your things! We will move right now. Primo, start the car. Hiro, help them to prepare the guns," turo ko kina Ace at Jasmine na naghahanda ng mga proteksyon.
Tumingin ako kay Roge na walang ginagawa at parang akala mo ay nasa isang laro lamang kami.
"Ikaw Roge, tulungan mo 'yung iba na ilagay lahat ng kakailanganin na gamit sa van," sabi ko kay Roge. Tumango naman siya at sumaludo sa akin bago tulungan sina Jazzie na naglilipat ng gamit.
"Move faster! or we'll be trap here. Go! Go!"
Kinuha ko ang baril na nakasabit sa divider. Tumingin ako sa babaeng nakatunganga pa rin hanggang ngayon.
"You," i pointed at her. "Come with us."
Inirapan ako nito bago sumunod sa mga kasama ko.
Nanggigigil ako sa babaeng 'to, ha. Masiyado siyang papansin. Siya na nga 'tong biglang susulpot sa kung saan at pasalamat na lang siya na iniintindi ko siya kahit papaano.
Pakain ko kaya siya sa mga zombies na nasa labas 'no?
Tumakbo na ako palabas ng bahay para sumunod sa kanila. Nang malapit na ako sa pinto ay nagulat ako ng may biglang sumulpot na zombie.
Dahil sa adrenaline rush ay naitaas ko ang baril na hawak ko at naiputok sa zombie na nasa harap ko. Nagtalsikan sa akin ang mga dugo no'n at talagang sa mukha ko pa!
Kanina pa ako kotang-kota sa mga zombies na 'to, ha. Nagpalinga-linga ako dahil baka may zombies na naman na sumulpot. Medyo natatakot ako sa mga zombies dito dahil masiyado silang malalaki at nakakatakot.
"Lili! Bilisan mo!"
Napatakbo ako sa kanila dahil medyo nadami na ang zombies na naa-attract namin. Lumingon ako sa mga zombies at pinagbabaril ang iba para mabawasan man lang sila. Bale, patalikod akong tumatakbo ngayon kaya medyo mabagal ang pag-usad ko.
Nagtaka pa ako nang ang ilan sa kanila ay isa-isang tumumba kaya napatingin ako sa mga kasama ko at nakita ko ang mga ngisi nila habang may hawak na baril.
Umirap ako sa ere at tumakbo na palapit sa kanila. Buti na lamang ay nakabukas ang isang pinto ng van kaya madali na lang sa akin ang tumalon papasok sa loob.
"Grabe! Sa tagal natin na naandito, ngayon lang ako naka-encounter ng mga higante!", tumawa pa si Luigi pagkaupong-pagkaupo ko. Nasa shotgun seat ako.
Bigla akong nalagkitan sa sarili nang makita ang repleksyon sa rear-view mirror ng sasakyan. Puro talsik ng dugo ang mukha at damit ko. Para akong pumatay ng tao! Iw.
Napatingin ako sa mga kasama ko na fresh na fresh kung titignan. Ang iba naman ay tahimik lamang at parang hindi pa nagsi-sink-in sa utak nila ang mga nangyayari.
"Ate, oh."
Nagulat ako kay Aiden dahil bigla siyang sumulpot sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.
Inosente itong tumingin sa akin na parang wala naman siyang ginagawang masama. Sinamaan ko siya ng tingin bago kuhanin sa kanya ang wipes na hawak niya.
"Tignan niyo 'to."
Napalingon silang lahat kay Raven na bigla na lamang nagsalita. Samantalang ako ay napatingin sa rear-view mirror at si Primo naman ay diretso lamang din ang tingin.
"Ano 'yan?", tanong ni Kelly. Nakatingin sila ngayon sa hawak ni Raven na cellphone. Ang cellphone na iyon ay nagsisilbing guide namin sa lahat katulad ng location, information at iba pa.
Nag-iisa lang 'yon kaya kung mawala man ang cellphone na iyon ay baka halos mangapa kaming lahat dito sa China. Akala niyo ba madali kaming nakapasok dito? Aba'y hindi!
Halos mag-ala ninja na kami para lamang hindi makilala dito. Hindi kasi namin sigurado at baka mamaya ay makilala kami ng mga nakatataas. Malay niyo, famous pala kami 'di ba? Huwag natin maliitin 'tong mga kalaban natin.
"Red dots."
"Oh, anong meron?", tanong ko.
"Wala lang," kibit-balikat na saad niya.
Sumama naman ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya, halos lahat kami ay gusto siyang batukan. Pasalamat na lang siya at malayo ako sa kanya dahil nasa pinakalikod siya.
"Where to go?", sambit ni Aiden na nasa likod ng shotgun seat.
Napaisip ako dahil sa tagal namin dito ay parang hindi umuusad ang mission namin. Para lamang kaming nakikipaglaban sa hangin at wala kaming koneksyon sa labas ng bansa kaya medyo mahirap din.
"Long ride? Sa tingin ko ay wala nang ligtas na lugar ngayon dito," sabi ni Jazzie habang nakapalumbaba sa upuan.
"Sabi mo lang wala, pero meron!", ani Luigi.
"Oh talaga, saan?"
"Sa gobyerno."
"Anong ligtas do'n? E, sila nga mismo 'yung delikado."
Natahimik kaming lahat bago sumang-ayon kay Jazzie. Tunay naman kasi na parang mas delikado pa kung sa gobyerno nila kami pumunta. Like duh?
"Anong gagawin natin ngayon?", nakangusong saad ni Astrid at kumuha ng isang lollipop sa mga dinala nilang pagkain kanina.
Tahimik lang kaming lahat dahil hindi rin namin alam kung saa na kami dadalhin ngayon ng tadhana. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari at the same time mabagal.
Nagegets niyo ba ako? Basta gano'n. Hindi namin alam kung saan ba kami dadalhin ng mission na ito. Hindi namin alam kung makakauwi pa ba kami sa pamilya namin nang buhay.
Pero isa lang masisigurado ko. Kung ano man ang mangyari sa amin dito, poprotektahan ko silang lahat sa abot ng makakaya ko, kahit buhay ko pa ang kapalit.
Napabuntong hininga ako. Masiyado akong madaming iniisip at dahil sa sobrang pag-iisip ay mabilis din akong napapagod.
"Saan na ba patungo 'to?. . ."
PLAGIARISM IS A CRIME
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
HorrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...
