CHAPTER TWENTY-FIVE

127 9 0
                                    

Jazzie's PoV

"Aiden!"

Natutuwa kong tinawag si Aiden matapos kaming ibaba ng chopper dito sa malaking barko. Gusto kong maiyak dahil halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa wakas ay nagkasama-sama na ulit kami.

"Ate Jazzie and friends!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Walangya! Kumakalog na rin ulo ng batang 'to, ah.

Ginulo ng mga kaibigan ko ang buhok niya nang salubungin kami. Lumapit ako kay Raven. Hanggang ngayon ay paika-ika pa rin siya maglakad. Malamang..

"Ayos ka na ba?" tanong ko. Napatingin ako sa sugat niya na may benda. Siguro naman e kaya niyang tiisin 'yon hanggang makauwi kami ng Pilipinas.

"Mukha ba akong ayos?", sarkastikong sabi niya. Napaismid na lamang ako at hindi na siya pinatulan.

Character Development 'to 'tol.

"Natatakot na 'ko sa 'yo, Jazzie." OA na sabi ni Raven. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Inaano ba kita? Nananahimik ako rito, oh."

"Ba't ganyan treatment mo sa 'kin? Mangungutang ka 'no?", may bahid na pang-aasar sa boses niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bahagyang sinipa ang sugat niya sa binti. Mahina lang naman pero alam kong masakit 'yon. Napaigik siya sa ginawa ko kaya nginisian ko lamang siya.

"Ayan. Deserve mo 'yan."

Umalis na 'ko doon bago pa ako tuluyang mainis na naman sa pagmumukha niya. Ayaw niya pala ng pagiging mabait na treatment ko sa kaniya, edi sasaktan ko siya. Charot.

Nagpalinga-linga ako at may pilit hinahanap ang mata. Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita sina Luigi, Cyphrus, Lili, Primo at 'yung iba pa na hindi namin kasama.

"Pst! Aiden." Napatingin naman sa 'kin si Aiden. Tumakbo siya palapit nang makuha na may gusto akong sabihin.

"Yes, ate?"

"Nasaan 'yung iba?"

Bumuka ang bibig ni Aiden pero walang lumalabas na salita sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay sa ginagawa niya. Para siyang siraulo, sa totoo lang.

"The rescue team is arriving!"

Nang marinig ko huni ng mga helicopter na paparating ay mabilis akong tumakbo papunta sakabilang dulo at hintayin ang pababang helicopters.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na rin pala ang iba. Sina Kelly, Raven, Ace, Chase, Jasmine, Xyron, at Tita Shai— mama ni Lili. Bago pa tuluyang lumapat sa barko ang mga helicopter ay kasabay non ang malakas na pagsabog ng isang malaking cruise ship.

"Argh.. Tangina. Ang sakit."

Halos matumba kaming lahat dahil sa malakas na alon at pagsabog. Narinig ko pa ang iba na tumama sa iba't ibang bagay.

Ayan tatanga-tanga. Buti na lang mahigpit kapit ko sa railings.

"Grabe! Sayang 'yung ship. Ganda pa naman," komento ng nasa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at inirapan siya.

Mas maganda naman ako do'n.

"Edi sumama ka na dapat sa pagsabog."

"Bakit? Sinabi ko bang sasama ako?"

"Hindi. Sayang sabi mo 'di ba? Edi dapat nagpasabog ka na rin para hindi ka nasasayangan," ngisi ko.

"Ah talaga ba? Bakit hindi na lang ikaw gumawa tutal ikaw naman nakaisip," walang kwentang sabi niya.

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon