Astrid's PoV
Matapos ng masamang nangyari sa 'min ni Roge ay naging doble ingat na kami ngayon dito sa ilalim ng lupa papunta sa cruise ship na sinasabi nung dalawang kakilala ni aiden.
Laking pasalamat talaga namin na nando'n si Aiden dahil kung hindi ay malamang wala kami ngayon dito. Pero mukhang mabait naman 'yung mga tao doon sa evacuation area pero syempre doble ingat pa rin dahil hindi naman namin sila lubusang kilala.
"Are you okay?", tanong ni Roge habang naglalakad sa unahan ko. Sumagot naman ako at hindi na muling nagsalita. Tahimik lamang kami sa paglalakad namin. Ewan ko ba dito kay Roge kung bakit hindi siya pinanganak na maingay. Pero sa tingin ko naman ay sadyang gano'n kapag sundalo ka.
Pero bakit si Chase? Dinaig pa nga niya babae sa sobrang daldal niya, e.
"What are you thinking?"
Hindi ko alam kung anong meron ngayon kay Roge. Kasasabi ko lamang kanina na hindi siya madaldal tapos ngayon puro siya tanong sa akin.
Mind reader ba siya?
"Ah.. Wala. Naisip ko lang na bakit sobrang daldal ni Chase," walang pagaalinlangan na sagot ko. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din siya. Kumunot ang noo ko at bahagyang sumulyap sa harapan niya, nagbabakasakaling makakita ng kung ano na naging dahilan ng pagtigil niya, pero lalo lamang kumunot ang noo ko nang wala akong nakita.
Bahagya niya akong sinulyapan bago tuluyan ulit naglakad. Alam ko na may pagka-weirdo siya minsan kaya imbes na magtanong ay umiling na lang ako at inintindi siya kahit ang isip niya ay parang puzzle sa utak ko.
Dumaan kami sa pataas na semento. Medyo nahirapan ako dahil ang bigat ng katawan ko kaya pakiramdam ko tuloy ay nagiging pabigat lamang ako kay Roge. Kakausapin ko sana siya pero tuluyan na akong namangha sa aking nakikita.
"Woah.." napanganga ako habang nakatingin sa katubigan na ngayon ay kitang kita dahil sa liwanag na nanggagaling sa kalangitan. Para kaming nasa loob ng isang malaking aquarium. Napangiti ako sa nakikita ko at lumapit kay Roge para hawakan siya sa wrist at hilahin papunta sa kabilang dulo.
Naalala ko kasi na hindi naman ito ang pinunta namin dito kaya bago pa ako tuluyang lunurin ng ganda, e mas mabuti nang umiwas na agad sa tukso at baka hindi na ako makauwi ng Pilipinas niyan.
**
"Shh.." napatahimik ako ng ilagay ni Roge ang index finger niya sa labi ko. Siya na naman 'tong may tinitignan na kung ano. Palagi na naman akong nasa likod niya kaya minsan natatakot ako na baka mamaya may isa pa palang nakasunod sa 'min. Geez!
"Is that Primo?", kita ko ang kalituhan sa mata nito kaya medyo hinawi ko siya para makita ko ang tinutukoy niya. Napanganga naman ako dahil si Primo nga iyon at ngayon ay nagtatago siya dahil sa dalawang tao na nasa harapan ng pinagtataguan niya.
Hinila ako ni Roge upang makapagtago din kami. Parehas kaming nakaupo sa maliit na espasyo sa gilid. Nakikita namin mula dito si Primo pero medyo malayo kami. Naramdaman ko na parang nagaalala si Roge kay Primo kaya hinawakan ko ang kamay niya.
Mabait pa rin naman siya kahit papaano.
"Don't worry. He's Primo Cervantes. No one can beat him." pampalubag loob ko sa kanya.
"I'm not worrying, stupid."
"Weh?", pangaasar ko. Imbes na patulan niya ako ay umismid lamang siya sa 'kin. Bahagya akong napasimangot dahil wala talaga siyang pakealam kapag inaasar ko siya. "Panget mo ka-bonding."
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
TerrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...
