CHAPTER SIX

315 14 0
                                        

May nakita akong isang bahay na maliwanag dahil nakabukas ang mga ilaw. Medyo malayo na din 'to sa tinutuluyan namin, kaya nag-iingat na ako sa bawat galaw na gagawin ko dahil baka iyon pa ang ikapahamak namin ni Aiden.

"Ate, lagot tayo nito kay Kuya Primo," sabi ni Aiden dahil napansin na niya rin na malayo na kami at medyo delikado na 'tong ginagawa namin- ay mali, delikado na pala simula no'ng lumabas kami ng bahay namin.

"Atleast, pareho tayong lagot. Hindi ako nag-iisa."

Umismid lang si Aiden at nakasunod lamang sa likod ko. Wala naman siyang magagawa dahil siya 'tong nagpumilit na sumama sa 'kin. Malapit na kami sa malaking bahay pero tumigil muna ako at pinatay ang flashlight na hawak ko.

"Aiden, sumunod ka lang sa 'kin. Huwag ka kung saan-saan na naman magsu-suot. Kakaltukan na talaga kita ng isa," inunahan ko na ng pagbabantang saad kay Aiden. Ngumiwi siya bago tumango sa 'kin.

Parehas nang seryoso ngayon ang awra namin. Luminga-linga ako sa paligid at humanap ng maaaring pasukan sa loob ng bahay. Sakto naman na pagkalingon ko sa kabilang side ng bahay ay may isang nakabukas na bintana, kaso medyo mataas.

"Aiden," lumingon ito sa 'kin. "Kaya mo bang akyatin 'yon?", tinuro ko ang bintana na bukas.

Bahagyang sumingkit ang mata niya at parang sinusuri kung gaano kataas iyon. Maya-maya pa ay tumango siya at nauna nang maglakad patungo doon.

Nang makalapit siya ay hinawakan niya ang pader bago muling tumingala para tignan ang bintana na nasa taas. Umatras ito at bumwelo. Tumakbo siya at mabilis na humakbang sa pader ng dalawang beses bago siya nakapasok sa bukas na bintana.

Napanganga naman ako dahil hindi ko alam na marunong pala siya no'n. Ano ngang tawag do'n? Parkour!

Gagi. Sa'n niya natutunan 'yon? Bakit hindi niya ako isinama? Mandurugas!

"I'm great," kita kong buka ng bibig niya kaya napairap naman ako. Kinaway ko ang kamay ko para agawin ang atensyon niya.

"May tao ba diyan?", binuka ko lang ang bibig ko habang sinasabi ang salitang iyon at sinenyasan siya. Tinuro ko ang likod niya kaya napalingon naman siya doon bago bumalik ulit ang tingin sa 'kin.

Bumuka ang bibig ni Aiden na parang sinasabi na, "Ha?"

"Kung may tao nga diyan?" senyas ko ulit. Na-gets naman niya kaya umiling siya sa 'kin.

Ngayon ay ako naman ang magtatangkang pumasok. Umatras din ako dahil gagayahin ko ang ginawa ni Aiden. Hindi ako professional pero fast learner naman ako kaya magagawa ko agad ang bagay na 'to.

Basic!

Bumwelo ako bago tumakbo. Nang maitapak ko na ang isang paa ko sa pader ay nag-slide lang ito, kaya pati ang tuhod ko ay tumama sa pader.

"Crap."

Napapikit ako habang hinihimas ang tuhod ko. Ang sakit! Parang nakuryente ang tuhod ko. Shet. Paano ako aakyat?

"Ate!" pabulong na sigaw ni Aiden.

Tumingala naman ako para tignan siya. Nakaabot sa 'kin ang kamay niya na parang hihilahin niya na lang ako pataas. Hindi na ako nagreklamo at mabilis na hinawakan ang kamay niya. Hinila naman niya agad ako pataas.

"You're so heavy, ate. Hindi lang halata," may panglalait na tono pang sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago pagpagin ang kamay ko dahil sa mga gabok ng pader kanina.

Tinignan ko ang sarili ko at napangiwi ako dahil wala pa nga kaming nagagawa ay mukha na akong dugyot.

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Pure white ang pintura ng kwarto kaya sobrang liwanag dito. Nakita ko ang isang pinto na may scanner at detector.

Nanlaki ang mata ko ng tumunog ito. Mabilis kong hinila si Aiden sa ilalim ng lamesa na malapit sa bintana. Sumenyas ako sa kanya na huwag maingay.

"Sa tingin mo, tama pa ba 'tong ginagawa natin? Hinahayaan lang natin sila na kontrolin tayo. Para tayong mga aso na sumusunod sa kanyang amo, well in fact, nadamay lang tayo sa kalokohan ni Sheena!"

Nagkatinginan kami ni Aiden dahil sa gulat. Ibig sabihin ay hindi lang kami ang Pilipino sa lugar na ito.

"They are filipinos, ate.." bulong ng katabi ko. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tahimik lamang.

"I don't know.. I don't know what to do, Kyla! This is so fvcked up! Hindi na kaya ng konsensya ko ang pinapagawa ng mga taong 'yun sa 'tin! For fvcking sake, we're the one who injected people! I don't know what to do! Fvck," frustrated na saad ng isang boses lalaki.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil mabilis na umakyat ang galit sa puso ko. Sa lahat ng narinig ko, isa lang ang naintindihan ko kundi ang sila ay isa sa mga taong gumawa ng malaking kaguluhan sa mundo.

Paano nila naaatim ang gano'ng bagay?! Tao pa ba sila? Inis kong kinagat ang labi ko para pigilan ang emosyon ko. Baka makagawa pa ako ng bagay na pagsisihan ko sa huli.

Inaayos ko ang postura ko bago lumabas sa pinagtataguan ko. Nakita ko pa ang gulat ni Aiden kaya hindi agad siya nakasunod sa 'kin. Naging alerto naman ang dalawang nag-uusap kanina at mabilis na naglabas ng kutsilyo. Nahuli ko pa ang isa na mukhang magtatawag ng kasamahan nila, pero mabilis na iwinasiwas ni Aiden ang katana niya na nasa tabi na nila ngayon

Corner na sila.

"Sino kayo?!", sigaw ng babaeng nagngangalang Kyla.

"I'm Aiden and she's Ate Lili po," inosenteng saad ni Aiden. Halos mapasampal naman ako sa sarili dahil masyado siyang honest sa mga taong hindi namin kilala at mas lalong hindi namin mapagkakatiwalaan.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit bumungisngis lamang siya na parang bata.

"Aiden, umayos ka. Kakaltukan na kita," pagbabanta ko bago ibalik sa dalawang tao ang tingin.

"Sino kayo? At ano nga ulit 'yung narinig ko kanina? Isa kayo sa kasabwat nila?" tumawa ako ng mapait. "Basura," ngumisi muna ako bago sila nilapitan at sinipa sa sikmura.

"Sabihin niyo sa 'kin ang nalalaman niyo."

Nagkatinginan silang dalawa bago bumalik ang tingin sa akin.

"Actually, hindi namin ginusto ang bagay na 'to. So please! Don't hurt us. Kung kayo man 'yung mga taong gustong magpabagsak sa mga taong 'yon, handa kaming tumulong." sabi ni Kyla na may kumpirmasyon sa bawat binitawan na salita. Pero hindi pa rin dapat kami basta-basta magtiwala.

"Akala niyo ba mapapaniwala niyo agad kami? Give me a reason why i shouldn't isolate the two of you? E, kalaban naman namin kayo."

Gumalaw ang lalaki kaya naalerto agad kami ni Aiden at mabilis niyang itinutok sa leeg ang katanang hawak.

"Woah! Easy, dude. I'll just get the map." ngumisi ito bago tumingin sa 'kin. "You're so hot." Fvck you!

Inabot niya ang mapa na kinuha niya sa kanyang bag na dala. Hinablot ko iyon at mabilis na in-eksamina ang nilalaman. Napakunot ang noo ko dahil mapa 'to ng isang gusali. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang pinakamalaki at pinakaligtas na gusali dito sa China. Tinignan ko sila nang may pagdududa.

"Kuhanin mo na 'yan. Handa kaming tumulong sa kung ano man ang plano niyo. Bukas, may malaking ganap na mangyayari dito. Pumunta kayo sa E-Central, doon namin kayo tatagpuin." ani Blair.

"Ate!", napatingin kaming lahat kay Aiden dahil bigla na lamang itong sumigaw.

"Ha?"

"Maliwanag na!"

Nanlalaki ang mata akong napatingin sa labas ng bintana. Napamura na lang ako nang makita na maliwanag na nga. Nagkatinginan kami ni Aiden na may takot sa mata.

"We're doomed," sabay na bulalas namin. Kinuha ko lahat ng gamit na dala ko kanina at mabilis na tumalon sa bintanan. Halos sabay pa kami ni Aiden. Narinig ko ang sigaw ni Blair na mukhang nagulat din sa ginawa namin.

Hindi ko na sila pinansin dahil mas mahalaga pa ang buhay namin kung sakali man na gising na ang mga tao sa bahay.

"Bilisan mo Aiden! Bakit hindi mo agad sinabi na maliwanag na. Patay tayo nito!"

"I don't know, ate! I didn't notice it, too."


PLAGIARISM IS A CRIME

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon