7:26pm
"Tik-tok-tik-tok-tik-tok"
Paulit-ulit ko lamang pinatutunog ang dila ko habang nakatingin sa pader na nasa harapan ko. Tumayo ako at lumapit doon. Hinawakan ko 'yon at naramdaman na magaspang ang texture no'n, parang semento.
Tinry kong umakyat gamit lamang ang pagbabalanse ko, pero patuloy lamang din akong binabalik nito sa baba. Itinukod ko ang katanang hawak ko sa semento bago patuloy na umakyat.
"Woah! Ang galing ko!"
Kahit mahirap at mabagal ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-akyat ko gamit ang katana na hawak.
Jusko, buti na lang.
8:00pm
Tagaktak ang pawis ko nang makaakyat ako sa dulo. Feeling ko ay nabawasan ang taba ko sa katawan. Tumingin ako sa paligid at walang ibang nakita kundi kadiliman.
Eh?
Naglakad pa ako para humanap kung saan maliwanag, pero habang papalayo ako sa bukana ay padilim na rin ng padilim ang paligid. Tumigil ako at umupo, naghihintay ng himala.
"Ang dami namang pasikot-sikot dito. Sino bang gumawa nito? Pangit ka-bonding," bulong ko.
Pansin ko kasi na kanina pa ako palakad-lakad simula doon sa tunnel hanggang sa makarating ako dito.
Medyo naiinis na nga ako e, medyo lang naman.
Nagulat ako nang may umilaw sa tapat ng kamay ko kung saan doon mismo sa ilaw nakapatong ang kamay ko. Tinry kong tanggalin ang kamay ko at nawala din ang ilaw.
"Ano na namang pakulo 'to?"
Binalik ko ang kamay ko at nagkaroon na ulit ng ilaw. Nilibot ko ang buong paningin ko at nakitang madami pang bagay na katulad ng hinahawakan ko ngayon sa sementong tinatapakan ko.
Sinubukan kong hawakan din ang iba at umilaw nga ang mga ito.
"Ang galing!", pagapang akong lumakad para magkaroon ako ng ilaw sa bawat dadaanan.
Para akong si Sadako, kulang na lang mag-bend ako.
Naramdaman ko na parang may nanonood sa 'kin kaya tumigil ako at tinanggal ang mga kamay ko sa ilaw. Naghintay pa ako ng ilang minuto para makiramdam.
Nagulat na lamang ako nang biglang lumiwanag ang buong paligid.
Shuta! May ilaw pala dito! Nagpakahirap pa akong gumapang!
"Wow..", bulalas ko nang makita ang paligid. Para akong nasa loob ng isang aquarium at tinitignan ang mga isdang lumalangoy. Alam niyo 'yung sa Ocean Park? Parang gano'n.
Lupet! Dagat ba 'to?
Dahil madilim sa labas, tingin ko ay gabi na, hindi ko na rin masiyadong makita ang katubigan.
"HA-HAHA-HA"
Napalingon ako sa taong bigla na lamang tumawa.
Ang pangit ng tawa niya, grabe.
"You're so brave, young lady. I'm impressed!", hindi siya masiyadong fluent sa english.
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
TerrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...