CHAPTER FIFTEEN

183 5 6
                                    

Astrid's PoV

"Roge, tinignan mo", naningkit ang mga mata ko at pilit inaaninag ang dalawang lalaki na sinundan namin ni Roge.

Pumasok ang mga ito sa isang maliit na butas sa lupa na malayo sa mga kumpol ng zombies.

 Ang pinagkukumpulan ng mga zombies ay isang parang evacuation center pero para sa 'kin ay mukhang nasa loob sila ng kulungan at hinihintay na lamang nila na masira ng mga zombies ang nagiging harang nila upang hindi sila tuluyang gawing hapunan.

Are they trying to commit suicide?

"They are not."

Nagulat ako ng magsalita malapit sa tenga ko si Roge.

Jusko! Seryoso kong tinitingnan ang mga zombies tapos bigla na lamang siyang bubulong sa tenga ko?

Napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya. Mukhang mali ang ginawa ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin na mas lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko maiwasan na mapatingin ako sa mga mata nito na parang hinihigop ang buong pagkatao ko.

Umatras ako at bahagyang tumikhim. Hanga din naman  ako sa sarili ko, e. Nagawa ko pang lumandi sa mga ganitong pagkakataon. Iwinaglit ko sa isipan ko ang bagay na 'yon at ibinalik ulit ang tingin sa kumpol ng mga zombies.

 Mukhang naiimpluwensyahan ako ng kaharutan ni Lili.

Hindi ko alam kung ano at paanong nangyari na napunta ang mga tao sa lugar doon gayong mukhang wala namang daanan papasok sa malaking harang ng lugar na yon.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Roge palapit sa kanya. Bahagya itong nagpalinga-linga bago tumama ang tingin sa lupa.

Sinundan ko ang paningin niya na ngayon ay naktingin sa isang maliit na butas na kaninang pinagpasukan nung dalawang sinusundan namin.

Mabilis kong binawi ang braso ko na hawak niya dahil mukhang hindi ko magugustuhan ang pinaplano niya.

Huwag niyang sabihin sa 'kin na papasok kami do'n? Nababaliw na siya kung gagawin namin yon. Oo, siya lang baliw dahil hindi talaga ako sasama sa kanya, as in never!

"Set aside your stubborness. You don't have a choice but to come with me. Tsk!", naiiritang saad ni Roge habang nagaagawan kami ng braso ko.

Nangingilid na ang mga luha ko na parang bata na nakikipagagawan sa isang bagay. 

"Roge, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Gusto mong pumasok tayo diyan sa lupang 'yan. Paano kung trap pala 'yan?", naiiyak na sabi ko. "Ayaw ko pa mamatay, Roge. Parang awa na. Kung gusto mong pumasok diyan, huwag mo na akong idamay," nakangusong saad ko.

"Then.. Fine. I'll just leave you here. If something happens to you, don't blame me," umirap siya at tumalikod na sa 'kin.

Nagsimula siyang maglakad palayo habang ako ay nakatingin lamang sa likod niya.

Minsan talaga hindi ko siya maintindihan kung malawak nga lang ba pangunawa niya o wala lang talaga siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. But anyways, nagsimula na rin akong maglakad sa kabilang direksyon. Wala namang kaso sa 'kin kung iiwan niya ako.

Kaya ko naman na mag-isa.

Hindi pa 'ko nakakalayo ay naramdaman ko na lang  na may brasong pumulupot sa bewang ko at binuhat ako na parang isang magaan na gamit

 Hindi agad ako nakareact at bahagya pang natulala. Nilingon ko ang nakakainis na pagmumukha ni Roge. 

"Hoy! Ibaba mo nga ako!", nagpumiglas ako pero mas malakas talaga siya sa 'kin kasi isang kamay lang gamit niya sa pagbubuhat sa 'kin pero 'di ko magawang makawala.

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon