CHAPTER SIXTEEN

186 4 0
                                    

Kelly's PoV


Seryoso kong binabaril lahat ng zombies na humahabol sa 'min.

Tanging ang baril lang ni Xyron at akin ang may silencer kaya kaming dalawa ang bumantay sa likod habang sila naman ay ginamit ang mga patalim nila para maiwasan ang mga ingay na magagawa namin.

Mas lalo lamang kaming makakaagaw ng atensyon kung gagamitin nila ang mga baril nila.

"Bilisan niyo! Dito tayo!"

Binuksan ni Chase ang malaking gate ng isang mansyon. Nang makapasok kaming lahat at mabilis niyang hinila sa kabilang dulo ang gate.

Ang mga zombies ay nagpipilit pumasok kaya patuloy kami ni Xyron sa pagbaril sa mga ito. Tinulungan na din nina Raven at Ace si Chase hanggang sa tuluyan na nilang mailock ang gate.

Tumakbo si Jazzie papuntang mansyon kaya sumunod na din kaming lahat. Napatingin ako sa nasa likod kong si Jasmine nang patigil-tigil ang kanyang pagtakbo

 Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya dahil para siyang may iniindang sakit.

Mukhang napansin iyon ni Ace kaya mabilis siya lumapit kay Jasmine at inalalayan ito.

Witwew! sweet..

Nauna na ang iba sa mansyon samantlang ako ay hinihintay ang dalawa na makasunod sa 'min. Baka may mangyari pa sa kanilang masama, nagmamabuting loob lang ako.

Halos kiligin na ako sa kinatatayuan ko nang pasakayin ni Ace si Jasmine sa likod niya.

Halata talaga ang iniindang sakit ni Jasmine sa ekspresyon niya ngayon atsaka hindi naman siya papayag magpabuhat kung wala lang iyon.

Sa arte ng babaeng 'yan e.

Gusto ko man magtanong pero mukhang nagmamadali si Ace dahil naunahan niya pa ako sa pagtakbo.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang din. Mamaya na lang ako magtanong.

Bago kami makampante ng tuluyan ay nilibot muna nila itong unang palapag para malaman kung safe ba kami dito o wala na talaga kaming balak magpahinga.

Hindi na ako nakisama pa sa kanila at binagsak ang sarili ko sa malaking sofa.

Gusto ko na magpahinga at matulog, nad-drain na ang utak at katawan ko!

Napalingon ako sa tabi ko nang umupo din doon si Jasmine. Umalis si Ace at mukhang sasama rin sa mga kasama namin na nililibot ang paligid.

Alam kong itong unang palapag lang ang iccheck nila dahil sobrang laki ng mansyon na ito at alam ko naman na tamad din silang lahat.

Walang hagdan na nakalagay papunta sa ikalawang palapag pero may nakita akong elevator kanina.

Nakakapagtaka lang kasi paano kapag nawalan ng kuryente 'di ba? Paano sila makakapunta sa taas? Angas naman ng nagpagawa ng bahay na ito.

"Ohmyghod.. Thank God. Nakaupo rin!", bulalas ni Jasmine na nasa tabi ko.

Papikit na sana ako pero naalala ko na makiki-chika nga pala ako sa nangyari kanina. Napangiti ako sa iniisip ko. Lumingon ako kay Jasmine na ngayon ay tahimik na nakasandal at nakapikit.

"Huy! Jasmine..", pabulong ko.

Tumaas ang kilay nito pero nakapikit pa rin siya.

As usual!

"Anong nangyari kanina? Anyare sa 'yo?", tanong ko. Nakita ko pa ang iba na nagllilibot pa rin samantalang ang iba naman ay pabalik na at may dalang pagkain.

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon