CHAPTER NINETEEN

159 6 0
                                    

Sunod-sunod ang pagsabog na nangyari sa katubigan kaya halos tumilapon si Cyphrus at Luigi palabas ng speed boat. Buti na lamang ay may raillings iyon na nagpigil sa tuluyan nilang pagtilapon.

Napangiwi si Luigi habang tumatayo dahil sa sakit ng pagkakatama niya sa railing. Pareho silang pumasok sa loob ng speed boat at binuhay ang makina.

"Gago, pre. Ang astig nito, ah," Natutuwang saad ni Cyphrus. Napangisi na lamang si Luigi dahil maging siya ay humahanga din sa istilo ng speed boat na ginagamit nila ngayon.

Nang tuluyan nang mabuhay ng makina ay pinaandar na nila ito at nilayo sa malaking barko kung saan sila nanggaling.

Nagkatinginan si Cyphrus at Luigi at parehong napanganga sa nakikita nila ngayon. Hindi pala basta-basta ang barko na iyon dahil isa pala iyong cruise ship.

Ang disenyo nito ay napakaganda at hindi mo aakalain na may demonyong namamalagi sa loob non.

Parehas silang napailing nang maalala ang kaibigan na naiwan sa loob.

Si Cyphrus ay nag-aalala habang si Luigi naman ay malaki pa rin ang tiwala kay Franshie na siyang nangako na ililigtas nito si Elina.

"Cyphrus. Iikot mo. Bumalik tayo doon," tinuro ni Luigi ang lugar na may mga nagtataasang mga building at nagkakapalan na mga usok dahil sa mga naging pagsabog dito.

Hindi kumontra si Cyphrus dahil iyon din ang plano niya  kanina pa. Babalik sila doon kasi nando'n pa ang mga kaibigan nila.

Kailangan nilang makaligtas lahat.

Kung pwede nga lang ay kahit hindi na nila makuha ang anti-dote basta makaligtas lamang sila, pero inaalala niya rin ang kalagayan ni Lili kaya hindi sila papayag na hindi makukuha ang gamot na iyon.

"Shit!", napamura si Luigi nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril na nanggagaling sa cruise ship.

Mukhang nagpapalitan ang mga ito ng bala. Napakunot ang noo niya sa pagtataka. Bakit may magpapalitan ng bala gayong puro kaalyansa naman ng matandang hukluban ang nasa loob ng cruise shuip?

Hindi niya maiwasan na mapaisip, maliban na lamang kung may naglakas loob na makapasok doon at kalabanin ang isang batalyong army ng matanda.

Inikot ni Luigi ang paningin niya. Nakita niya kung paano nagiging kulay itim ang ilang bahagi ng katubigan dahil siguro sa mga naging pagsabog kanina.

Nakita niya rin kung paano isa-isang nababasag ang mga salamin ng cruise ship.

Pero hindi niya pa rin maiwasan na magtaka dahil tanging ang kanilang bangka lamang ang malapit sa ship na ito kaya paanong magkakaroon ng iba pang kalaban sa loob ng ship na naging dahilan ng pagpapalitan nila ng bala?

Sigurado siyang nagpapatayan na ang mga tao sa loob. 

Nasagot ang mga tanong sa isip ni Luigi nang marinig niya ang huni ng isang chopper. Nasundan ito ng ilan pang mga chopper hanggang sa napalibutan na nito ang cruise ship.

May nakatatak na country flag sa bawat chopper kaya masasabi niya na galing sa iba't ibang bansa ang mga ito. Meron din na chopper galing sa Pilipinas.

Alam na ba nila?

Sobrang naguguluhan na si Luigi sa nangyayari. Habang papalayo sila sa ship ay siya namang paglapit ng kanilang boat sa siyudad.

"Luigi, dapa!", nataranta si Cyphrus nang salubungin sila ng mga bala galing sa siyudad na pupuntahan nila.

Puro sundalo ang nakaabang sa kanila kaya gano'n na lamang ang kaba niya.

Naiinis siya dahil kung isa na naman 'to sa sundalo ng matanda ay paniguradong ibabalik na naman sila sa nakakatanginang ship na 'yon.

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon